Simula

15 0 0
                                    

Pababa na ako ng hagdan ng mag ring ang cellphone ko. muntik ko pang mabitawan dahil sa pagmamadaling sagutin ang tawag. It was my bestfriend Nicole..

''Hello Nic?"

"Oh, Aris asan kana ba? Late kana oh? 2 minutes na lang magsisimula na ang klase. andito na ako sa room." sabi nyang mahahalata ang iritasyon at mukhang kanina pang naghihintay sa akin. Ang usapan kasi namin kagabi ay hihintayin nya ako sa may gate ng school para sabay na kaming pumasok pero nahuli ako kasi hindi ko narining yung alarm ko. Sasabunin na naman ako nito for sure.

"Oo na. papunta na ako jan. pababa na nga ako ng hagdan oh? Hehe.." sabi ko.

"WHAT? Aris ano ka ba first day of class late kana agad. Pagagalitan kana naman ni sir Goad niyan eh. Alam mong sya ang first period natin. tsk!" 

Si sir Goad ang professor at ang head sa department namin. He is very strict and terror. Kinatatakutan ng mga students.

"Oo na papunta na nga ako. Pasakay na ako ihahatid ako ni Daddy sa school."

"Ewan ko sayo. Bilisan mo na jan. Pag ikaw talaga nalate at pagalitan ni sir bahala ka!"

"Nic chill ka lang. sabi mo nga diba first day of school pa lang kaya oks lang yan. Hehe. Sige na. Kita na lang tayo jan. Ibababa ko na ang phone. Muah.  Bye!" Pagkababa ko ng phone sumakay na ako ng kotse ni daddy.

"Sino yung kausap mo? si Nic?" It was dad.

"Yes dad. Kanina pa kasi ako hinihintay sa school." sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Ikaw naman kasing bata ka Aris kailan kaba magiging maaga sa pag gising? Eh kung hindi kapa kinatok ng mommy mo baka tanghaliin kana naman ng gising." 

"Dad first day of class pa lang naman eh. Tsaka kadalasan naman pag bagong pasukan puro check attendance lang muna ang ginagawa. Kaya wag mo na akong pagalitan daddy please? Late na nga ako oh." Kunwaring nakanguso at nalulungkot kong sabi. I heard him sigh.

"Hindi naman kita pinapagalitan anak. Sinasabi ko lang." At pinaandar na nya ang sasakyan.

"Hehe. I love you dad. Alam ko naman yun. Umaarte lang ako." Nakangisi kong sabi sa kanya.

Madali lang ang naging byahe kasi malapit lang naman ang bahay namin sa school. Mga 16 minutes lang.

"Sige dad alis na ako." Sabay halik sa kanyang pisngi.

"Ingat ka anak. I love you!"

"I love you too dad. Bye!"

Ako nga pala si Arisxandra Larissa Mendoza. Aris for short. Hehehe. College student na ako sa kursong BS Tourism Management. Pangarap ko kasing maging flight attendant. Bata pa lang ako yun na ang dream ko. Ang makapag travel around the world ng libre. Actually kaya naman naming magtravel minsan. Hindi naman kami kapos sa buhay. Hindi mayaman pero sapat na para matustusan ang mga pangangailangan namin. Si Daddy ay may ari ng isa sa pinakamalaking firm dito sa lungsod namin. Nakapunta na ako sa ibang bansa ng ilang beses kasama sila mommy at daddy pati si kuya pero iba parin talaga kasi yung pakiramdam kung sarili mong pera at bunga ng pagsisikap yung gingastos mo. Tsaka ang cool kaya ng flight attendant, nagtatravel kana pero ikaw pa yung binabayaran. Diba? Hehehe

Pagkaalis ni daddy ay pumasok na ako sa school ng nagmamadali. Lakad takbo ang ginawa ko kaya naman biglang....

"Aray!" Huhuhu. Nadulas ako. Ang tanga naman. Ang sakit ng pwet ko. Medyo madulas ang sahig kasi basa. Umuulan kasi. Pero hindi naman malakas. Yung paunti unting ulan lang. Sapat na para mabasa ang mga floor dito sa hallway.

Jump Then Fall (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon