The next morning maaga na akong nagising para makapasok sa skul kahit na medyo napuyat ako kagabi. Hindi kasi ako agad nakatulog sa kakaisip kay Mr. Sungit. Hindi maalis sa isipan ko yung naging encounter namin kahapon. Ang lampa lampa ko naman kasi eh. Bakit ba hindi na to maalis sa akin? Parang kasunod na yata ng pangalan ko ang pagiging lapitin ng disgrasya. Ayan tuloy. Tsk!
Medyo lutang pa ako sa hapag kainan.
"Baby Ari ito kape para magising ka. Mukhang antok pa yata ang baby ko." Si mommy sabay haplos sa pisngi ko kaya nginitian ko na lang sya.
"Thank you mommy!"
"Your welcome baby. Kamusta ang tulog mo? Bakit parang puyat kapa? May assignment ba kayo agad?" Sunod sunod na tanong ni mommy.
"Hindi ma. Wala pa naman kaming ginawa masyado sa skul. Puro check attendance at pakilala lang po sa mga bagong student."
"Ganun ba?"
"Opo mommy. Hehe."
"Hon tumawag nga pala si Jackson. Uuwi na daw siya sa susunod na linggo." Si daddy
"Mabuti naman kung ganun. Yang batang yan puro na lang trabaho ang inaatupag. Wala na yatang balak na bigyan tayo ng apo. Aba eh sa sobrang tutok sa trabaho wala na yatang panahon para makapag libang man lang. Naku oh."
"Hon hayaan mo na yang panganay mo. Para din naman sa kinabukasan nya yang ginagawa niya. Suportahan na lang natin siya."
"Ano pa nga ba hon."
Habang nakikinig ako sa usapan ni mommy at daddy hindi ko mapigilang maexcite. Makikita ko na naman ang kuya ko. Miss na miss ko na sya. Minsan na lang yun umuwi dito eh. Sa maynila kasi nagtatrabaho. Close kami ni kuya kahit na pitong taon ang agwat ng edad namin. Labing siyam na taong gulang na ako samantalang dalawamput anim na taong gulang naman sya. Tamang edad na para lumagay sa tahimik. Tama naman si mommy dapat may maipakilala na sa amin yang si kuya pero ewan ko ba dun. Puro na lang trabaho. Dati hindi naman siya ganun. Nuong nag aaral pa yun mapaglaro rin sya sa babae. Maraming nagkakagusto sa kanya at sikat sa skul nuong nag aaral pa. Pero ngayon nabawasan na yata. Puro na lang trabaho ang inaatupag simula nang payagan ni daddy na magpatakbo ng sarili niyang kumpanya. Minsan na lang din sya umuuwi dito. Kung hindi pa nagtatampo si mommy baka hindi pa niya maisipang umuwi.
Maya maya pa ay tumayo na si daddy kaya tumayo na rin ako. Sa kanya kasi ako nakikisabay tuwing papasok. Sa hapon naman ay nagpapasundo na lang ako o di kaya ay sasabay kay Nicole pauwi.
"Hon alis na kami. Aris.." tawag ni daddy.
"Ma alis na kami." Sabay halik sa pisngi nya.
"Ingat kayo. Baby.. Hon."
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall (R18)
RomantizmLoverboy Series #1 - Nixon Slate Dela Costa Started date: May 25, 2017