"Sorry miss. Im late."
Nakatulala lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang nakatingin sa teacher. Parang balewala ang atensyon ng buong klase na nakatuon sa kanya. Nilinga nya ang buong klase at napunta ang kanyang tingin sa akin. Nangunot ang kanyang noo at ibinalik ang paningin sa teacher. Di man lang ba niya ako naalala?
"Ang gwapo naman nya. Gosh!" Impit na tilian at bulungan ng mga classmate kong babae ang naririnig ko.
"Ahem. And you are?" Si maam
"I'm Nixon Slate Dela Costa miss. From BSBA."
So Nixon pala ang pangalan nya. Bagay na bagay sa kanya. Pangalan pa lang gwapo na. Hihi
"Transferee ka?" Tanong ni maam
"Yes miss."
"Okay you may now take a sit. Sa susunod ayoko ng nalelate ka. I hate late student."
Hindi na sya nagsalita at naghanap na ng mauupuan. Nakatingin lang din ako sa kanya at mukhang napansin nya yun kaya tumingin ulit sya sa gawi ko. Parang galit. Salubong ang kilay na nagtatanong ang tingin. Tss. Suplado talaga. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan..
Sa may second row sa likod namin sya umupo. Sa pinakadulo. Yun lang naman kasi ang available na sit.
Nakikinig lang ako sa dicussion pero panaka naka akong tumitingin sa kanya sa may likod. Nakahawak lang sya sa ballpen nya at pinalalaruan lang nya ito. Parang wala rin sa klase ang atensyon nya. Bigla syang nag angat ng tingin sa akin kaya binalik ko agad ang tingin ko sa harapan.
Siniko ako ni Rica. Alam kong kanina pa nya ako napapansin.
"Hoy ikaw ha.." bulong nya habang nanunukso ang mga ngiting binibigay sa akin.
"Ano?" Kunwaring baliwala kong tugon. Pero sa loob loob ko kinikilig at kinakabahan ako. Gosh. Classmate ko sya. Ano pa kayang ibang subject na magiging classmate ko siya? Sana meron pa para madalas ko siyang makikita. Hahah. Napapangiti ako sa mga naiisip ko..
"Ikaw Aris ha. Pasimple ka. Akala mo di kita napapansin? Haha." Tukso nya.
"Manahimik ka nga. Baka mamaya may makarinig pa sayo. Patay tayong dalawa." Napatingin sa amin si Nicole. Nagtataka siguro sa bulungan namin.
Nanahimik naman si Rica at nakinig na lang sa mga sinasabi ni maam. Hindi na rin ako luminga pa ulit sa likod ko. Alam ko kasing nahalata na nya ako.
"Okay class. That's all for today. Please read the chapter 1 and 2. Magkakaroon tayo ng short quiz bago mag discuss next meeting."
"Yes maam." Sabi naming lahat.
Pagkalabas ni maam nagtayuan na rin yung ibang mga classmate namin para lumabas. Hindi na kami umalis ng mga kaibigan at ibang classmate ko kasi dito rin ang susunod naming klase. Habang inaayos at inilalabas ko yung notebook ko para sa susunod na subject ko nakita ko sa peripheral vision kong tumayo si mr. Sungit. So hindi ko na pala sya classmate sa susunod. Sayang. May naramdaman akong konting panghihinayang.
Lumabas na siya ng room ng walang lingon lingon o salita. Tsk. Di man lang ako tinapunan ng tingin.
Maya maya pa ay tumayo na rin si Nicole at nagmamadaling lumabas.
"Oi. Nic saan ka pupunta?" Tanong ko. Nasa may pintuan na sya.
"Sandali lang ako. Babalik din ako agad."
At tumakbo na sya palabas. Ano naman kaya yun?
Binaliwa ko na lang yun. Baka may ibibigay o sasabihin lang yun kay Marco kaya nagmamadali. Tsk. Haaay. Iba talaga pag may boyfriend kana. Hati na ang atensyon at priorities mo. Ako kaya, kailan kaya ako magkakaboyfriend? Sa aming magkakaibigan ako na lang ang wala pang boyfriend. Hindi naman sa nagmamadali. Curious lang ako. Pero kung magkakaboyfriend ako gusto kong....
Bigla kong napangiti sa naisip ko. Mehehe. Ano kaya ang pakiramdam pag ang masungit na si Nixon ang naging boyfriend ko? Ang saya ko siguro. Pakakasalan ko sya agad at magkakaroon kami ng maraming maraming maliliit na Nixon at Aris. Tapos mamumuhay kami ng masaya at simple pero puno ng pagmamahal tapos pagkagaling niya sa trabaho sasalubungin ko siya sa pintuan at kukunin ang suitcase nya sabay yakal at halik sa pisngi nya. Tapos tapos...
tsk! Ano na naman ba tong naiisip ko. I shook my head and close my eyes.
"Crazy. Tss"
Bigla akong napatingin sa may pintuan at nanlaki ang mata ko. Si Nixon! Nakatingin sa akin ng parang nagtataka.
"Lampa na, baliw pa." Annoyance and mocking are visible in his eyes.
Naglakad sya papunta sa kanyang upuan at may kinuha duon. Naiwan nya yung ballpen nya. Tapos umalis na siya ng walang lingon lingon. Diretsong naglakad palabas.
What the heck!!!
What was just happenned?
Nasabunutan ko ang sarili kong buhok. Natakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga kamay at naisubsob sa upuan. Waaaaaa. Nakakahiya. Nakakahiya. Sa lahat ng makakakita sa akin bat siya pa. Mukha siguro akong tangang nakakanganga habang nakangiti. Waaaa. Lupa kainin mo na ako ngayon na. Huhu
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall (R18)
RomanceLoverboy Series #1 - Nixon Slate Dela Costa Started date: May 25, 2017