One Click! (One Shot)

32 1 0
                                    

Twitter: @Itsfayetimosa

Nag bobrowse ako sa Messenger ko nang biglang may umagaw ng pansin ko..

Meron akong chinat???? Pano? Bakit? Halaaaaa! Sino ito. Hindi ko kilala..

Binuksan ko yung Message ko sakanya at isang tumatagingting na "👍" TAKE NOTE! Yung pinakamalaki pa ang na i'send ko! 6:28PM pa ito na send. 7:48PM na ngayon. Nakakahiya!!!! Hindi ko pa man din ugali ang mag chat ng hindi ko kilala...

Kaya kahit hindi ko naman alam kung pano ko ito na send ay humingi nalang ako ng Sorry. Sakto at Active ito..

Me: Hala. Sorry napindot lang...
Francis Lamata: Hahaha okay lang 😊

Hindi ko na ito nireplayan. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya yun. Ni hindi ko nga alam kung pano ko nasend yun. Eh ako lang naman may hawak ng phone ko all day. Basta nakapag sorry na ako ay okay na yun.

Nag titwitter ako ng biglang may lumabas na Chat Head, nag loloading pa lang yung picture. Hello! Kasi naman naka Data lang ako. Wala kaming wifi! Hindi daw kasi ako natutulog 😪 Kaya inantay ko muna yung picture bago ko inopen yung Chat head. Nag twitter muna ako habang inaantay ko. At eto na nga. Ang nag chat ay si..........

Francis Lamata 😱 Hala bakit kaya? Nag sorry naman na ako ah. Sa sobrang curious ko ay binuksan ko nalang...

Francis Lamata: Hello, Faith! 😊😊

Aba si kuya! Feeling close pa ata! Eh hindi ko nga sya kilala! Pero dahil maganda naman ang approach nya at ako naman ang unang nag chat kahit di ko naman sadya 😩 nag chat na din ako...

Me: Hi, Francis. Sorry ulit kanina ha? Hindi ko talaga alam kung pano nangyari yon.

Francis Lamata: Hahahaha! Ano ka ba, okay lang naman yun.

Me: Hindi ko kasi ugali ang mag chat ng hindi ko kilala.

Francis: Ay ganon ba? Siya, mag papakilala ako para ichat mo na ako.. I'm Francis Lamata. 18 yrs old. Taga Laguna lang ako.

At first I was shock! Kasi bakit nya sasabihin yun? Ano bored lang ganon? Eh may pagka-prangka ako kaya nireplayan ko ng...

Me: Hala kuya! Bored ka siguro kaya mo ko chinachat ano?

Francis: HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Grabe ka naman, Faith! Ang Judgemental mo naman 😂😂 Hindi ako bored. Naagaw mo lang yung pansin ko kaya ganon.

Me: Ahhhhhhh. Sorry. Ganon kasi yung iba eh. Ichachat ka lang pag bored sila. Tapos pag hindi na sila bored, bigla ka nalang hindi papansin or ichachat.

Francis: Chill, hahahaha. Hindi ako ganon don't worry ☺ So, ano? Pwede na makipag kilala?

Me: Sure. As you can see, I'm Faith Dangculos. 18 yrs old din. At taga Laguna lang din ako

Francis: Really? Mag kalapit lang pala tayo 😊😊

Me: Oo nga eh...

Francis: Kumain ka na ba?

Hanggang sa araw araw na kami nag chachat. Naging sobrang close kami. Lahat yata alam ko na sa kanya at ganon din sya. Ang daldal nya kasi. Grabe! Kala mo babae sa sobrang kadaldalan. Daig pa ako eh 😂 Isang araw nagising nalang ako na gusto ko na pala sya... Baka nga Mahal ko na eh. Biruin mo tatlong buwan na kaming mag kachat. Sino bang hindi mahuhulog sa ganon. Tapos ang caring at sobrang sweet pa nya! Hindi ko alam gagawin ko. Hindi pa ako nag kakaboyfriend. Jusko! Magagalit si Papa pag nalaman nya ano!

*Ting* (Messenger Ringtone)

Baka si Francis na ito. Sya lang naman madalas na kachat ko...

Francis: Faith..

One Click! (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon