F88

19 3 1
                                    

naomi's pov

hindi ko maimagine yung sarili kong ikakasal na. nakaramdam ako ng galit. galit sa lahat ng taong nasa paligid ko.

ayaw kong ikasal ako basta basta at sa lalaking hindi ko mahal.

di na nga ako biniyayaan ng magandang lovelife tapos ganito pa ang mangyayari sa buhay ko?

tumingin ako sa salamin habang inaayusan ako.

sa tingin ko hinding hindi na ako magiging masaya ulit.

"ayos lang yan, naomi. andito pa rin kami para sayo." tinapik ako ni anica sa balikat.

kahit pilit nilang pagaanin yung loob ko, di ko din magawa eh. hindi kasi ito yung gusto kong mangyari sa buhay ko.

after 30 mins...

"ready na yung sasakyan mga bessy!" sigaw ni alice.

wala na akong magagawa. go with the flow nalang. tutal wala na din naman yung lalaking mahal ko. sinuko na siguro ako.

naglalakad ako papuntang altar ng makita ko yung mapapangasawa ko sa malayuan. di ko masyadong makita yung mukha niya dahil malayo pa.

sa totoo lang, di ko pa nakikita yung mukha niya. nakakatawa diba? edi tawa na kayo, walang pumipigil psh.

nagpalakpakan yung mga tao sa paligid ko. o sige, salamat ha! salamat sa paninira ng buhay ko psh.

napairap nalang ako habang naglalakad.

hindi ganitong kasal ang gusto ko.

kala ko mapapaiyak ako ng kasal na ito pero hindi pala. galit ang nararamdaman ko ngayon.

sana dumating si jackson at gawin yung para bang nasa teleserye at sasabihing, "itigil ang kasal!"

HAHAHAHAHA!

pero syempre joke lang. masyadong common na yun.

gusto ko yung papasok siya tapos may dalang baril at iputok na sa taong papakasalan ko ngayon >:/

pero sa tingin ko di na ako ipaglaban non. mismong ako ang sumuko e.

ilang hakbang ba ng malapitan ko na yung lalaking papakasalan ko.

at nagulat ako sa nakita ko.

putangina.

"jackson?!"

"ako nga, naomi babe ;)"

at nagsigawan lahat ng tao sa paligid namin.

wtf?!

Fam (Gotpink Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon