IT HAS BEEN THREE HOURS since Carson left Mati's wedding reception. He can only take as much. Hindi niya alam na ganoon pala kalala ang tama niya sa kaibigan. His heart practically broke noong i-announce na ng pari na mag-asawa na si Mati and Gray. Wala naman siyang intensyon na siraan ang araw na ito para sa dalawa. Masaya siya na masaya si Mati and he knows that Gray loves his best friend very much. Wala siyang laban sa pagmamahalan nung dalawang yun.He sighed, bakit nga ba siya nahulog sa loka-loka niya g kaibigan na si Mati? Ngayon tuloy parang may butas ang dibdib niya. He thought he just fancied her kasi maganda, matalino at magaling na doctor ito pero it was more than that pala. He loved her as a woman. Hindi niya namalayan na sa mga pagtulong nito sa kanya ay magkakaroon ito ng tunay na puwang sa buhay niya.
"Alam mo ijo, you could have been Mati's groom tomorrow kung hindi ka lang umatras eh." Pagalit sa kanya ng nanay niya habang kumakain sila ng umagahan.
"Ma, stop it. Ako pa nga ang isa sa mga tumulong na magkabalikan sila. Mati's not for me." Kahit hindi siya sigurado sa sinasabi. There was a part of him na gusto sanang magkaroon siya ng chance sa dalaga.
"I have been pushing you na ligawan na siya ever since she started helping you doon sa mga pinapadate ko sayo. Tinuloy-tuloy ko yun para magkadevelopan na kayo pero hindi pa din. Sayang talaga!" Naiiritang sabi ng nanay niya.
"Ewan ko sayo Ma, ang kulit mo. Ikaw na lang sumama sa akin bukas dun sa kasal. Mati might want you there too." Iniba na lang niya ang topic kung hindi ay hanggang bukas siya sesermonan nito.
"Alright, alright titigil na ako pero please move on ka na agad sa kanya ah. Find yourself a good girl to date. Okay?" Wala talagang tigili tong nanay niya.
"Hindi na po Ma, tatanda na lang akong binata." He suddenly declared. Tiyak na magwawala nanaman ang nanay niya sa sinabi niyang iyon.
"Dios mio ijo! Huwag mong susubukan kung hindi ay ipapakasal talaga kita sa kahit na sinong gustuhin ko. Mauubos ang lahi ng pamilya natin!" He is an only son at only son din ang daddy niya kaya wala na talagang magdadala ng pamilya Fortalejo.
"Bahala na Ma. Kasalanan ko bang only child lang ako?" He sighed and continued eating.
Dahil sa sama ng loob ay nag-file siya ng vacation leave sa ospital. Bahala na, ititigil muna niya saglit ang pag-ikot ng mundo niya para mawala yung bigat na nararamdaman niya. Carson knew that he needed some quiet time para naman makapag-isip siya. He never realized na ang feelings pala na mayroon siya para kay Mati ay matindi.
Kaya ngayon he's on board a passensger bus to Baguio. Oo, tama, kasi ang sagot sa tanong na 'where do broken hearts go?' ay Baguio. Tinamaan na siya ng katamaran na magmaneho pa, masakit na nga ang puso niya papagurin pa niya nag sarili niya! Aba, matindi! Besides, tinakasan lang naman niya ang mga magulang niya. They did not even know na nag-vacation leave siya. Minsan gusto niya naman na mawala sa ilalim ng anino ng mga ito. They have been constantly pressuring him settle down thus the almost nightly blind dates pero ni isa sa mga iyon ay wala siyang nagustuhan. They have set him up with 18 year olds to those whose reproductive systems could barely keep up.
"Can you move closer to the window? You are hogging too much space." Narinig niyang angil ng katabi niya sa kanya. This girl has been squirming since they started the trip. Kung hindi lang ito babae baka nasiko na niya ito.
"Miss, I'm a tall guy pero di naman ako ganoon ka-bulky to hog much space. Ikaw itong hindi mapakali, ang liit mo na nga nasisikipan ka pa. Sana inarkila mo yung buong bus, diba?" He said, somehow letting the girl know na irritable din siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Last Trip to Happiness | ✅
RomanceSPIN-OFF from FIRST LOVE, LAST LOVE Carson fell in love with his best friend and now he's heartbroken because she married another man. Hindi niya alam kung bakit pero sa Baguio niya ginustong makalimot. Yun nga lang habang papunta pa lang siya doon...