Chapter 3: With You

1.9K 53 2
                                    


"AY WAIT! Ano ba to? Bakit ko pa kasi kailangan matuto na mag-drive? Gagawin mo ba akong driver?" Naiinis na si Airi dahil sa pangungulit sa kanya ni Carson na matutong mag-drive kaya naman heto sila sa isang almost deserted strip of road at nagtuturuan. "Tsaka wala ka bang mas mura na sasakyan? Bakit ito pa ang kailangan kong pag-aralan. Baka mabangga to!"

"Huwag ka kasing mag-panic! You can do it! Besides, ito na ang nadala ko. Hahayaan ba naman kitang bumangga?" Tanong sa kanya ni Carson. Tama nga naman, he won't let her crash. Nag-fixate kasi ata sa kanya ang loko na to at mukhang ang buong buhay niya ay gusto nitong ayusin kahit it costs him a lot.

"Kasi naman! Ang mahal nitong sasakyan na to. Nakakatakot paandarin! Paano kapag di ako makapag-brake? Paano kapag magasgasan ko? Nako, madadagdagan nanaman ang utang ko sayo." Lahat kasi ng itinutulong nito sa kanya ay binibilang niya talaga. She intends on paying him back lalo na kapag natapos niya na yung librong pinapasulat ni Carson sa kanya.

"Ikaw lang naman kasi ang naglilista, natutuwa lang naman akong tulungan ka at tsaka masaya ka naman kasama kaya pwede na." He looks so unimpressed. Aba! Pwede lang pala ah. Ang sakit naman nun, mukhang pinagtityagaan lang pala siya.

"Wow, mukhang di ka impressed ah. Kulang pa ba ang entertainment ko para sayo?"

"Medyo di na kasi nakakatawa yung mga jokes mo, try mo naman mag-juggle." Natatawa na ito, ang lokong to talaga ang hilig siyang pagtripan.

"Ewan ko sayo! Paano na ba uli to?" At inistart na ni Airi uli ang sasakyan. "Oh, ayan bakit ayaw naman umandar?"

"Kasi di mo inalis sa neutral, mababaliw na ako sa pagtuturo sayo." Sabi naman ni Carson.

"Arte nito, sabi kasi sayo mahirap akong turuan eh." She laughed. "Ayan, susuko ka din."

"Oo nga pala, baka magulat ka na may sasakyan kayo sa bahay niyo. Pinaiwan ko muna doon yung isa kong kotse." He said casually as if isang kaha lang ng posporo ang iniwan niya.

"Ano? Bakit? Pineperahan ka lang nila eh. Wag mong i-spoil. Paano kapag wala na tayo? Diba? Hindi ko kayang ibigay ang luho nila ano!" Nagpapanic nanaman siya kasi hindi niya talaga kaya na sabayan ang luho ng magulang nila lalo na kapag wala na si Carson.

"Matagal pa naman yun, I'll make sure na you can provide kapag umalis ako." He smiled and somehow a part of her felt a certain kind of pain nang marinig niya iyon. Aalis din si Carson, iiwan din siya nito. Sino nga ba naman siya diba?

"Pero ang dami mo na sa kanilang binibigay!" Sabi niya kay Carson.

"Hayaan mo sila I got that car a few years back," how can he be so chill in this situation? Malamang ay nagreklamo nanaman ang nanay niya na pagod na ito sa pagco-commute. Madalas na silang pinapasundo ni Carson ay kulang pa din sa mga ito. "Besides, tingnan mo I got you away from them dahil doon. Now you have time to write. Diba?"

"Ganoon ba kahalaga na matapos ko yung librong yun?" She asked. Binigyan kasi siya ni Carson ng isang writing project. He wanted to publish the travel guide that she made for him. Na-flatter naman siya kasi at least magagamit na niya ang kurso niya talaga.

"Of course! That's good money and you're stressed." He smiled bago bumaling uli sa daan. "O, focus ka na uli. Paandarin mo na. Ikaw na dapat mag-drive pauwi ah!"

"What? No! I can't do that! Ayokong maging headline no!" She feared for her safety pero lalo na ang kay Carson.

It has been a month since they started pretending at mukhang okay naman ang relationship nila. It is beneficial for both of them. She gets out of the house more, gets to do the things she love and hear less about her uselessness at home. Although at times hindi talaga siya makakatakas. Hindi niya naman tinatakasan yung responsibilidad eh gusto niya lang huminga without anyone batting an eye. She still gives most of her salary, does most of the hard labor chores at home and receives all the harsh judgments from her family. Ganoon pa din naman, yun nga lang may Carson na nagliligtas sa kanya. He visits often and spoils her family kahit na labag sa loob ni Airi. She's found a good friend in him.

Last Trip to Happiness | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon