SHE'S BEEN DISTANT lately, yung tipong masyadong malayo ang nilalakbay ng isip kaya minsan ay hindi sila nakakapag-usap. She's not mad but more of sad. May kakaibang lungkot sa mata niya whenever she gazes in the horizon pero kapag kausap mo siya ay parang ang saya niya naman. Hindi alam ni Carson kung bakit ganoon si Airi. The house is lot more quiet at parang siya na lang uli mag-isa doon. He stopped working sa ospital para naman mabantayan si Airi lalo na at 37 weeks na ang tiyan nito. The baby can come any minute and he has to be beside Airi for it.Gusto na niyang umamin kay Airi tungkol sa nararamdaman niya pero hindi niya magawa kasi parang hindi naman siya mahal nito. She's kind and she treats him in a way na iisipin mo na may nararamdaman ito para sa kanya pero biglang babawi. She's too hard to read at nahihirapan siyang tantyahin kung tatanggapin ba nito ang nararamdaman niya. He wants to marry her at hindi lang out of responsibility but really out of love.
He's been talking to Sasha, a college friend na nag-venture sa events planning dahil gusto na niyang magplano para sa proposal niya and eventually the wedding. They've been discussing details for the past two months pero laging hindi siya sigurado kung tatanggapin siya ni Airi. He could not even get himself to say 'I love you' kasi natatakot siyang ma-reject ng dalaga, natatakot siya na isang broken heart nanaman ang makukuha niya.
"Sabihin mo na sa kanya! Surprise her as in yung may kakaibang presentation level na proposal! Mas masaya yung may gulat factor!" Masayang-masaya ang kaibigan niya habang kausap niya.
"Yes Sasha, I will tell her. Kailangan ko sabihin sa kanya yun. I know, ayoko lang na may mangyari sa kanya kasi buntis siya." He was not inclined to doing anything too suprising kasi baka mapaanak si Airi ng wala sa oras.
It's a whole lot of crazy na nagpaplano siya ng proposal pero ni ang sabihin kay Airi na mahal niya ito ay hirap na hirap siyang gawin. He is turning into a coward with Airi. Nahihiya siya at minsan ay hindi makahinga. Iba anh nararamdaman niya kumpara noonh kay Mati."What the hell are you waiting for? Pasko? Malapit na din yun! Gusto mo ba talagang ikasal pa sa kanya?" Halos pasigaw na sabi ni Sasha sa kanya.
Nagagalit na ito kasi hindi siya makapagdecide kung kailan magpo-propose kaya wala tuloy itong mabuong concept board. Last night habang nasa anniversary party ay parang ang saya-saya niya. Beside him is the loveliest woman in the room save his mother. He felt extremely proud na ipinakilala na ito sa lahat, he wanted to do it himself pero naunahan siya ng kanyang nanay. Gusto niyang ipagmalaki na nanay ito ng anak niya at ito ang babaeng mahal niya.
Hindi niya alam kung papaano siya na-inlove kay Airi. Siguro mula pa lang noong una ay kung may anong attraction siya dito pero he passed it off as concern and help. Airi is not at all a bad person to love and that she is actually a fun, caring and selfless woman. Iba ang warmth na nararamdaman ni Carson mula noong makasama niya ito. Minsan ay inisip niya na tadhana talaga ang may gawa nito sa kanila.
"Of course I want to get married. Kaya nga kita kausap kasi gusto kong malaman mo yun. Yes, just wait a bit. Okay? Humahanap lang ako ng tyempo. I will tell Airi as soon as I find the opportunity." Sabi niya sa kausap.
"Are you sure? Ako ang naaatat para sa inyo eh. I love your love story! I want to see you settled already. Okay?" Sobrang aliw na aliw talaga si Sasha sa kwento nila ni Airi, it's a really great adventure with Airi.
"When I tell her, we can prepare for the wedding. Okay? Don't be stressed out. I'll call you again baka gising na si Airi. See you." Ibinaba na din niya ang tawag kasi baka magising na si Airi.
Kanina pang nasa kwarto si Airi kaya naman minabuti niya na puntahan ito. Nagulat pa siya ng makitang naglalagay ito ng mga gamit sa isang suitcase.
BINABASA MO ANG
Last Trip to Happiness | ✅
RomanceSPIN-OFF from FIRST LOVE, LAST LOVE Carson fell in love with his best friend and now he's heartbroken because she married another man. Hindi niya alam kung bakit pero sa Baguio niya ginustong makalimot. Yun nga lang habang papunta pa lang siya doon...