MY GREAT LOVE

139 7 0
                                    

This is the final chapter.










"Hi Lloydie!"

"Hi JL. How's Sarah?"

"John Llooooydd!"

"Hey, Lloydie? Where's Sarah?"



Napapangiti ako habang isa-isang binabati ang mga taong nakakasalubong ko. When Sarah and I got married, nasanay na akong kasama siya sa kinukumusta ng mga taong nakakasalumuha ko araw-araw sa trabaho man o sa negosyo. And its a good thing. She is now my life.

Its been a year since we got married. Everything is still fresh. I can't believe na isang taon na kaagad ang lumipas. Parang kailan lang.

Marami rin kaagad ang nagbago. Sa buhay naming dalawa at ng mga mahal namin sa buhay. And even in our careers. I used to announce my early retirement. But here I am, pupuntahan at kakausapin ang direktor ng isang pelikulang ginagawa ko ngayon.








"Good morning, Direk!"

"Lloydie! Napaaga ka yata?"

I went to Direk Cathy saka bumeso. I saw her director's chair on the other side saka naupo doon.




"Well.. Today's our anniversary.. and.."

"Wow! Parang kailan lang. Congratulations! Give my regards to Sars. Is she here?"

"Thank you. Nasa shoot si Sarah. At isa na yan sa ipinunta ko dito nang maaga."

"Hmm. Ano na naman ito? I can sense na--"

"Hep! Listen to me first. Just.. hear me out, please."

"Parang alam ko kung saan papunta ito, pero sige."




Nakita kong inilapag niya ang mga papel na hawak niya sa table saka humila ng upuan palapit sakin. Tumayo naman ako para lumapit sa lamesa at kinuha ulit ang mga papel.

I saw her smirk at napailing.



"I think, alam ko na-- Well, Lloydie, as much as I want to help you, your co-actors are not yet--"

"Hey. Relax. Will you listen first?"

Sumandal siya sa upuan saka tumingin sa akin.

"FYI. I already talked to the management about this. Sila ang nagsabing libre akong kausapin ka. I guess alam nilang hindi mo ako matatanggihan."


That's true. Direk Cathy and I are best of friends.


"I can't believe this, CRUZ!"

"I just need your help with some adjustments sa shooting schedules ko and sa mga kasama ko. I already talked to them and sa kanila naman walang problema kung uunahin nating kunan yung mga eksena ko so I'll be free for two weeks. Two weeks lang naman. Sige na."



Direk Cathy just looked at me at umirap. Naiiling siya saka tumayo.



"Alam mo ikaw, plantsado na pala, nagawan mo na pala ng paraan pero heto ka at nagsasabing you need MY HELP. Gago!"

"This is my way para isipin mo na hindi ka na bypassed!"

"Yeah right! So, ito ang dahilan kung bakit wala pa yung ibang co-actors mo na dapat eh may schedule ngayon? Ito pa ba ang hindi na bypassed, ha?"

"Sorry na. Ang wrinkles mo oh. Baka sabihin ng inaanak mo, kumuha kami ng Godmother na Grandmother pa!"



Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.


Great Love, waits!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon