Dare (Choi SeungCheol)

58 2 7
                                    

Min Yoona as You 💕

Min Yoona's P.O.V.

"Nuks. Sipag mag aral ah." Bati sakin ni Sumi Eonnie.

"Eonnie alam mo namang exam na next week diba? Kailangan kong mag aral para makapasa." Sabi ko ng hindi manlang inaalis ang tingin sa Math Notebook ko.

"Oo nga. Next week na ang exam at Wednesday palang ngayon Yoona." Sabi nya sabay upo sa tabi ko. At Oo Wednesday palang ngayon.

"Shut up Eonnie. Palibhasa kahit hindi ka nag re-review pasado pa din ang grades mo." Oo kahit hindi sya nag rereview pasado pa din siya. Matalino siya. Pag nag review nga sya mas bumabagsak pa siya e.

"Ganun talaga pag maganda. Bakit ka ba kase review ng review?" Sabi niya habang nakain. Kumakain siya habang nasa Library kame. Siya lang nakakagawa niyan.

"Eonnie wag ka kumain dito. Baka palabasin tayo." Sabi ko sabay irap.

"Tss. Di tayo palalabasin nyan. Nadala na yan e. HAHAHAHA" Pinag tinginan naman kami ng ibang estudyante dahil ang lakas ng tawa niya. Nasa library kami for Pete's sake. Napansin niya naman yon kaya nag salita siya "Tinitingin tingin nyo jan? Dukutin ko yang mata niyo e." Umiwas naman sila agad ng tingin. Yung librarian namin napapa iling nalang.

"So bat ka nga aral ng aral? Don't tell me balak mo nanamang talunin si Coupal." Tss. Kupal nanaman.

"S.Coups yon Eonnie. Kelan mo ba makukuha ng tama yon?" Napaka talaga neto.

"Ganun din yon. So ano nga dahil nanaman don sa lalaking yon?" Tanong niya. Bumuntong hininga naman ako.

"Oo. Kailangan ko siya matalo." Sabi ko sa kanya.

"Bakit nanaman? Nung nakaraan kase ang matalo manlilibre ng lunch sa isang buong buwan. Ano naman ngayon?" Pinaalala pa neto. Bwiset.

One Shot Imagines With BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon