Xu MyungJin as You
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"WHAAAA! KIM MINGYU ANG HOT HOT MO TALAGA!! GRRR."
Nakakarindi. Kim Mingyu. Yan ang lagi mong maririnig kay Jin tuwing manonood siya ng performance ng Seventeen. Kim Mingyu.
"Gage. Bao napanood mo ba yung performance ng Seventeen sa MAMA in Vietnam?! Shit sobrang gwapo talaga ni Mingyu. Tapos yung Seventeen sobrang hot." Pag pafangirl ni Jin sa isang KPop Group na Seventeen.
"Bao napanood mo ba?! Bao sagot!"
"Bakit ko papanoorin ang isang performance kung kasama naman ako sa nag perform?" Nakasimangot na sagot ni Minghao sa asawa nyang nag pafangirl.
"Malay mo naman diba. Bakit bawal ba?!" Sigaw nito.
"Hindi. Wag ka na sumigaw. Sorry na." Sagot ni Minghao at niyakap ang asawa.
"Hao. Bili mo kong pakwan tapos kuha mo kong toyo. Bilis."
"Ano? Pakwan at toyo?!" Gulat na sigaw ni Minghao.
"Oo! Dali na. Naiinis na ko." Agad namang napatayo si Minghao at ngumiti.
"Yes baby. Bibili na si Daddy ng pakwan. Wait ka lang ha."
Hinalikan muna ni Minghao ang asawa bago lumabas ng bahay para bumili ng pakwan na may TOYO.
Habang nag iintay si Jil sa pag dating ng asawa. Itinuloy nya na muna ang pag pa- fangirl gamit ang cellphone ni Minghao. Don't wanna cry.
Sa kalagitnaan ng pag pa- fangirl niya biglang may tumawag sa cellphone ng kanyang asawa. Jun- Gege 😶 sinagot niya naman ito at hinintay mag salita si Jun
"Hello?"
"...."
"Hao. Pwede ba tayo magkita?"
"...."
"Stress na stress na ko dito sa bahay. Nakakapagod pala."
"...."
"Tara bar?"
"...."
"Huy salita ka naman. Busy ka ba?"
"...."
"Text nalang kita. Hanap na ko ni Misis. Bye"
*tooot tooot*
JunHao? Siguro kung ordinaryong fan pa lang si Jin kikiligin siya dahil sa interaction ng dalawa. Pero hindi. Iba na ngayon. Asawa na niya si Minghao. Nag seselos na siya.
Dumating si Minghao dala ang pakwan at dumiretso sa kusina para kumuha ng toyo. Pag tapos ay bumalik sa tabi ng asawa. He's about to talk ng biglang tumayo si Jin at aktong aakyat na ng kwarto.
"Tumawag si Jun. Mag kita daw kayo. Stress na daw sya. " poker face na sabi ni Jin at tuluyan ng umakyat. Nahagip ng mata nya na kinuha ni Minghao ang cellphone nito at kinalikot.
Nakasimangot na pumasok si Jin sa kwarto at humiga sa kama.
"Bwisit na yon. Di manlang ako sinuyo." Sabi nito at pinunasan ang luhang tumulo sa mata niya.
Hinawakan ni Jin ang tummy nito at kinausap.
"Baby ayaw na satin ni Daddy Hao mo. Gusto nya na si Tita Jun mo." Sambit nito at umiyak na talaga.
Narinig niya naman na may kumatok kaya umayos sya ng higa at nag taklob ng kumot.
"Jin?" Tawag ni Minghao sa asawa ngunit nanatili lang na tahimik si MyungJin.
"Baby. Anong problema?" Naramdaman ni Jin na tumabi sa kaniya si Minghao at pilit na tinatanggal ang kumot.
"Dun ka na! Pumunta ka na kay Jun! Iniintay ka na nga." Umiiyak na sabi ni Jin.
Napangiti naman si Minghao dahil dito. Hanggang ngayon pinag seselosan niya pa din si Junhui.
"Ano ka ba? Diba sabi ko sayo kahit kailan hindi ko magugustuhan si Hyung dahil parehas kaming lalaki." Sabi ni Minghao at pilit pa ding tinatanggal ang kumot.
Siguro kung normal na fangirl ka lang ay masasaktan ka dahil hindi kailan man magiging totoo ang ship mo. But Jin somehow felt happiness. Sa kaniya lang daw talaga si Minghao.
"S-sigurado ka?" Tanong ni Jin at ibinaba ang kumot hanggang ilong. Nakita niya ang gwapong mukha ni Minghao na nakangiti sa kaniya.
"Hmm. Lagi mong tatandaan na si Xu Minghao ay para lang kay Park MyungJin." Nakangiti ng sambit nito.
"Mahal na mahal kita ok?" Sabay halik sa noo ni Jin.
"Mahal na mahal din kita." Sagot ni Jin at niyakap ang asawa na niyakap din naman sya.
"Pakyu ka." Biglang sabi ni Jin kaya nagulat si Minghao.
"Wae?!" Nag aalalang tanong ni Minghao.
"Xu na ko, hindi Park!" Sabi nito at hinalikan sa labi si Minghao.
Napangiti naman si Minghao at tinugunan ang halik ng asawa.
BINABASA MO ANG
One Shot Imagines With Bias
FanfictionYou can hug, kiss, cuddle or what so ever you want to do with your bias. 💕😻