Chapter VI

94 4 0
                                    

:Goin' out:

LIANA POV

Nagising nalang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Asan ba ako? Ah... alam ko na. Nasa farm ako ni Prince.

Napatingin ako sa suot kong damit.

WHAAAAAAT?! bakit naka pj's na ako! Dapat talaga di ako nagtiwala sa Prince na yun!

Criiick*

Bumukas bigla yung pinto kaya naman napatingin ako sa pumasok. Yung rapist pala. And when I say rapist? I'm reffering to Mr. Prince Vein Yu. Ghaaad! Akala ko pa naman mabait siya.

May dala siyang bedtable. Aba! Breakfast in bed ang rapist! Tss.

"Goodmorni----aray!" Di na niya natapos yung sinasabi niya dahil binato ko na sakanya yung tatlong unan na nasa tabi ko. Haha bingo!

"Anong ginawa mo sakin ha?! Rapist ka rapist! Rapis---" O.M.G!!!!!!!! Hinalikan ba naman ako! Feeling ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. My ghaaad!

Pero bakit parang nangyari na 'to dati? Weird.

"O ano? Natulala ka na? Ganun ka lang pala papatahimikin e. Let me explain first okay? First of all, I respect you kaya pinabilhan kita ng damit at pinapalitan sa isang maid dito. Second? HINDI AKO RAPIST! Yung ex mo pwede pa! Pero ako? Aba!
ibahin mo ko! May Prince-sip-Yu ata 'to!"

Leche Prince-sip-Yu?

"Korni mo! Kumain ka ba ng sandamakmak na mais?"

Natawa si loko "Nah. Ganito talaga ko. Kain ka na. Para mawala na din 'yang hangover mo." Sabi naman niya saken

"Thanks by the way." Sabi ko sakanya at nagsimula ng kumain ng bacon and eggs. Uminom din ako ng coffee at tomato shake. If I am not mistaken, tomato is good for hangover.

"Shall we go back to manila after breakfast?" Tanong ko naman sakanya. It's just that, I like in here.

"It depends on you. I filed a one week leave sa agency natin. Kailangan nalang natin ipa-approve. Ya know? In case magustuhan mo dito." Aba advance ang Prinsipe niyo

"Sige ipa-approve mo na kay Tita Nee but, how about my clothes? Wala akong ni isang dalang damit sa kotse ko. Tsaka how about our shoot? Last 5 scenes nalang 'yun diba?"

"We'll buy later. Just eat your breakfast and we will go to the mall later. And about the shooting, 1 week lang naman tayong mawawala e. We can finish that after 1 week." Sambit niya at lumabas na ng kwarto.

Ng matapos ako sa pagkain ay pinalayas ko na siya sa loob ng kwarto at naligo na. Papadalhan niya nalang daw ako ng damit kay lily| isang maid dito.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko na yung isang paper bag na tingin ko ay naglalaman ng damit nasusuotin ko at yung sandals or shoes na babagay sa damit.

Pagkasilip ko sa loob ng paper bag ay hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Sinuot ko yung off shoulder dress na kulay peach at pati na rin yung sandals na nandun. Naglagay lang ako ng light make-up at bumaba na sa hagdanan. In all fairness, malaki din itong paramg bahay ni Prince dito.

"O, hija nakabihis ka na pala. Si Prince ay nasa taas pa at nagbibihis na rin yata. Maupo ka muna roon sa sala." Sabi ng isang matandang babae saken.

"Okay po. Kakaakyat lang po ba niya?" Tanong ko sa matanda.

"Hindi naman. Kani-kanina pa umakyat yung batang iyon. Ako nga pala si Manang Belen. Ikaw ba yung nobya ni Prince?" Tanong bigla nung matanda kaya naman nabigla ako.

"A-ah e-eh hi-hindi po ako nobya ni Prince kaibigan niya lang po ako at katrabaho na din po."

"Ay ganoon ba hija? Nagkamali pala ako ng akala. Halika at maupo ka muna sa sala at kukwentuhan na lang kita ng mga tungkol kay prince."

Sabi ni manang belen at naupo na kami pareho sa sofa. Nagpadala din siya kay lily ng iilang mga photo albums na nasa cabinet.

"Ito hija si Prince noon. At ito namang katabi niyang napagandang bata din ay ang kapatid niya, si Princess Vienne." Turo ni manang dun sa magandang babaeng katabi nung batang Prince. "Ito namang nasa kaliwa ay ang mommy niya, si Vielle." Turo niya dun sa babeng sobrang ganda. Kamukha siya ni Prince mukha siyang Girl Version ni Prince. "Ito namang nasa kanan ay ang daddy niya, si Princeton." Turo niya dun sa lalaki na masayang nakangiti habang kaharap yung mommy nila Prince. "At huli naman ay itong babeng ito. Ito ang kababata niyang si L--"

"Manang!" Di na naituloy ni manang yung sasabihin niya nung biglang sumigaw si Prince habang pababa ng hagdan dahilan para maisara ni manang yung album at hindi ko na nasilayan man lang yung picture nung kababata daw ni Prince.

"Jusko ka namang bata ka! Ginugulat mo ako e." Singhal sakanya ni manang.

"Pasensya na po manang. Hehehe." Sabi niya kay manang nung makalapit na siya samin atsaka yumakap kay manang.

"Tsk. Bakit ba kasi hijo?"

"Wala po yun manang." Sagot niya kay manang. "Let's go?" Baling niya naman sakin habang iniaalok ang kamay niya.

At ng kunin ko ang kamay niya ay hindi niya na iyon binitawan pa hanggang sa makalabas na kami sa resthouse niya ay magkahawak pa rin ang kamay namin.

Napapatingin tuloy ang mga nagtatrabaho sakanya kaya naman kusa akong napabitaw ng dahil sa hiya.

"Bakit ka bumitaw?" Nagtatakang tanong niya. Mababakas sakanyang mga mata ang pagka-gulat at panghihunayang. Ngunit agad ding nawala ang mga iyon.

"Pinagtitinginan na kasi tayo, baka ma-misinterpret nila." Sagot ko nalang atsaka naunang sumakay sa kotse niya.

"Matulog ka muna baka mga 1 hour bago natin marating ang bayan." Sambit niya at sinunod ko naman.

Zzzzzzzz....
_______________________________________

To be continued...

-------
A/n:wait for the next chapter ^___^

Loving The Actress Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon