Chapter V

101 5 0
                                    

(A/n: hehe hello ebriwan! Ayon gusto ko lang mag-author's note HAKHAK! by the way, ang chapter na ito ay Rated PG. Patay Gutom joke😂 ayon lalagyan ko lang ng POV sila Prince At Hailey. So expect na mawawala muna si Liana sa eksena awwwie. 'Yun lang! Ciao!)

_______________________________________

Unwind with Him 1.2

PRINCE POV

Nakatulog si Lian habang nasa byahe kami papunta dun sa PriLia Zoo-Farm. Nakalocate yun sa Tagaytay kaya naman medyo mahaba din ang byahe.

Ang saya niyang pagmasdan. Tapos puro pala Kpop ang nasa playlist niya. Bago kasi siya matulog ay Don't Go ng Exo ang pinlay niya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit kami biglang naging magkatrabaho no? Well, I talked to her manager which is--- Tita Nee. Because I really like her. No scratch that, I really love her. Mula noon hanggang ngayon.

Tungkol naman sa ginawang dare ni Hailey? Ako din may gawa nun. We showed to Lian that we date each other, that we love each other and then. Just a play, umacting si Hailey na nasaktan kase bigla akong nakipagbreak. And then boom. Ganito na. And about her ex? Wala na akong kinalaman dun. Let's say... nakatulong din siya sa plano kong pagpapafall kay Lian sakin.

Pero di pa kami tapos nung loko na yun! Muntik na niyang ma-rape ang prinsesa ko!

Well, ikekwento ko sa inyo yung tungkol samin ni Lian dati.

*flashback*

Masaya ako ngayon dahil ito ang unang monthsary namin ni Lian.

Nagtext siya sakin ng "Meet me. At the school garden." Kaya naman natuwa ako. We we're 4th year high school that time I guess?

Pagdating ko dun. Nakita ko siya na nakaupo sa isang bench dun sa garden.

"Happy mothsa--- break na tayo."

Di ko pa natatapos yung pagbati ko sakanya ay pinutol niya na yun sa tatlong salita lang na dumurog sakin ng husto!

Break na tayo...

Break na tayo...

Break na tayo...

Break na tayo...

Paulit ulit yun na nag-echo sa isip ko hanggang sa napatingin ulit ako sa pwesto ni Lian kanina...

Wala na siya.

During those days, weeks, months, and even years after she left me. I feel so wasted and devastated. Saan ba ko nagkulang? Yun ang lagi kong tanong. Hanggang sa isang araw nalaman ko nalang na lumipat pala siya sa ibang Academy at hindi man lang nagpaalam sakin. She left me without closure kung bakit niya ba yun ginawa. Kaya pala kahit anong hanap ang gawin ko sakanya sa buong academy ay hindi ko siya makita.

Hanggang sa naisip ng bestfriend kong si Hailey na kaibiganin si Lian. Dahil nga isang exclusive all girls school ang school ni Lian at dun din naman nag-aaral si Hailey.

Loving The Actress Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon