CHAPTER 1: Yna Estrellas

6 0 0
                                    

Yna's POV

Sana Makilala ko na yung the one ko almost 1 year na kaming break ni Paul kaya sana makita ko na, ayoko ng maging bitter.

Kasalanan ko naman kasi ehy kung pinag laban ko sana siya hindi mauuwi sa break up, pero wala na okay, okay na siya, masaya na siya, kaya dapat maging masaya na ako kung saan sa masaya.

This time, kapag nakita ko na yung akin, hindi ko na isasacrifice, ipag lalaban ko na.

Bigla nalang pumasok sa kwarto si mama "yna, maligo kana samahan mo ko bumili ng gamit nyo para sa school" wika nito sabay labas sarado ng pinto

Yes, nabasa nyo na bibili kami ng gamit ni mama. Ako kasi yung babae na mas pipiliin ko kasama mama ko kaysa sa iba. Syempre bestfriend ko si mama. Im not saying na i don't have a friends may friends ako but mas gusto ko kasama mama ko espcially sa mga ganitong lakaran, iwas gastos HAHA.

Natapos na ako mag ayos kaya lumabas na ako para puntahan si mama kaya pag labas ko agad ko na niyaya si mama umalis para makauwi na rin kami ng maaga.

Habang nasasakyan kami ni mama kasama yung youngest sis ko na si Ylia biglang nag tanong ng hindi ko inaasahan si ylia

"Ate? Do you have a boyfriend?" Tanong nito na may halong pag tataka "huh? Boyfriend? Excuse me i don't have" pataray kung sagot dito
"Ahhh okay" sagot nito
Napatingin naman ako kay mama parang may iniisip siya na di ko mabasa

Ehy wala naman talaga akong boyfriend naghihintay ako sa ibibigay sa akin ni Papa God para nga akong tanga naghihintay sa wala.

Bigla nalang tumunog yung phone ko. Akala ko kung sino lang si Kuya Monroe lang pala na iniinvite ako sa 1st anniversay nila ni Ate Ayie, nakakaingit talaga sila perfect couple hays someday makikita ko rin yung tulad ng relationship nila.

Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa mall kung saan kami mamimili nila mama

"Hoy yna! Nandito na tayo nag iimagine ka nanaman ng kung ano ano" ani ni to habang pababa ng sasakyan.
"Ay dito na pala hahahaha di ko napansin" sagot ko sabay bumaba na rin ako

Pagpasok palang namin agad na akong pumunta sa cr para mag ayos kaya nag paalam ako kay mama tatawagan ko nalang siya kung saan sila ni ylia

Habang papunta akong cr nakita ko yung dati kung classmate sa dati kung school si Ellise kasama niya yung past boyfriend ko na si Tianell kaya umiwas ako para di nila ako makikita ang laki kasi ng kasalanan ko kay Tianell iniwan ko siya ng walang paalam, iniwan ko siya ng parang bula, kaya alam ko malaki yung galit niya sa akin but hindi ko naman siya masisi kasi kasalanan ko naman iyon.

Matapos ako mag ayos tinawagan ko na agad si mama para malaman kung saan sila kaya agad akong pumunta na nasa department store pala sila.

"Ang tagal mo naman ate mag cr! Tumae ka ba? Wika ng kapatid ko sabay takbo
Kung di ko lang yun kapatid at kung hindi lang yun bata sinapak ko na iyon. Bwesit mukha ba akong tumae haler nag ayos lang naman ako ng mukha ko haggard na kaya.

Nang matapos na kami bumili ng mga gamit namin para sa school nag yaya yung kapatid ko na kumain nagugutom na daw kasi siya kaya kumain kami nila mama sa jolibee wala naman ako magagawa kasi yung youngest sister ko yung may gusto doon.

"Yna?" Wika ni mama "bakit ma?" Sagot ko
"Saan mo gusto mag collage? Tanong niya
"Sa Hindi ko pa alam" sagot sabay tingin kay mama
"Kung doon ka nalang kaya kay papa mo samahan mo siya sa Australia" wika nito na walang halong emosyon
"Huh? Ma. p-pwede rin p-pero m-ma p-pag iisipan k-ko po" sagot ko gusto ko makasama si papa pero ayaw ko naman iwan si mama espcially may sakit siya paano if inatake siya tapos wala ako hays

Iniisip ko pa rin kung papayag ba ako na doon mag collage pero matagal pa rin naman ehy may 2 years pa ako dito kasi mag 11th grade of high school pala ako at may 12th pa kaya dapat pala hindi ko muna isipin yun.

Hanggang nakauwi kami nila mama, nag diritsyo na ako agad sa kwarto para maayos ko yung mga gamit ko at para maka pahinga na ako.

------------------------------------------------------

Don't forget to vote,comment and share 😊

Thank you

STAY © All rights reserved 2017

STAYWhere stories live. Discover now