Ang bida

94 10 6
                                    

Nag simula ang kwentong ito noong ipinasok ako ng tiyahin ko sa trabaho.

Trabahong Hindi gugustuhin ng kahit sino.

Ayoko sa trabahong to.

At mas lalong ayoko dun sa amo ko 😂

Well.... Ayaw din naman nya sa akin eh.

Kaya mas ayaw ko sa kanya.

Oh sya nga pala, Kilala nyo na ba ako?

Hmm well... Ako lang naman si Ivonne Manalang. 18 taong gulang. Ulilang lubos sabi ng tiyahin ko.

Sabi nya yun pero sana hindi totoo. Pag nag tatanong kasi ako dun laging change topic yun.

Lagi pang mainit dugo nun sakin.

Kaya rin ako nandito sa trabahong to dahil din sa kanya.

Sabi nya kalahati daw ng susweldohin ko ay ibibigay ko daw sa kanya para mabayaran ko naman daw ang utang na loob ko dahil sa pag kupkop nya sakin.

Hmmm. Nasasamaan ba kayo sa kanya? Well ako din naman.

Pero kahit ganun yun mahal ko padin yun.

Hayysst. Sana kase di nalang ako nabuhay. 😞

"Hoy Ibeng anong klaseng emote nanaman yan?! Panget mo di bagay sayo!" Oh diba? Lait agad narinig nyo sa bunganga nya?

Ito talagang Bakulaw nato lagi nalang akong binibwusit. Kung di lang ako nag babayad ng utang na loob sa tiyahin ko di ko papatusin tong trabahong ito eh.

"Ano nanaman bang ipag utos mong Damuho ka?!" May diin kong sinabi. Lalo na sa word na Damuho. Hahahaha.

"Abah! Lakas mong mag reklamo ah?! Your fired!"

Nakow tinopak ang damuho. Kung pwede lang talagang umalis sa trabahong to matagal ko ng pinayrd sarili ko.

"Ito naman di mabiro. Ano po bang ipag uutos nyo ginoo?" Mahinhin kong tanong para di na magalit ang Damuho.

"Sarap ng upo mo dyan ah? Di mo panga nagagawa yung mga gawain mo eh."

Hayyst. Kung pwede lang pumatay ng shokoy.

"Tapos na po lahat"

"Yung kwarto ko na ayos mo naba?"

"Yeah"

"Yung Cr nalinis mo naba?"

"Done"

"Natupi mo na yung mga damit ko?"

"Naman"

"Eh yung mga madudumi kong damit nalabahan mo na?"

"Naka sampay na"

"Nag luto ka na ng makakain ko?"

"Nasa mesa na"

"Eh yung hugasan kanina nahugasan mo na?"

"Lahat na nga tapos na! Kahit sang sulok ka tumingin malinis na! Nag laba't luto na ako. Tapos na lahat kaya please wag mokong pakelaman sa pag eemote ko!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

Nakaka inis kase. Alam ko namang mga gagawin ko bat pa kase nya pinapa alala.

Haler? Katulong nya kaya ako kaya responsibilidad ko yun. Di na nya dapat pinoproblema.

"Aba? Gumaganyan kana ah? Eh yung bayad sa kuryente at tubig naibayad mo naba?!"

Paktay 😨 nakalimutan ko sa sobrang dami ng ginawa ko.

"Ah.. Eh... Hindi pa hehe"

"Oh tapos sasabihin mong tapos kana sa lahat. Yabang mo din eh 😏"

Kasalanan ko bang nakalimutan ko? Aysshh. Mapapatay ko to eh.

"Marami kase akong ginawa kanina."

"So sinusumbat mo ngayon?!"

"Hindi! Sinasabi ko lang."

"Ewan ko sayo tumabi ka nga!" Sabi nya sabay hawi sakin at dumaan.

Nakaka inis yung lalaking yun!
Kung pwede lang talagang lasunin yan eh.


-

AN: Sap? Pangalawang story ko na to, una yung Last dance with my crush. I cut ko muna dito. Bukas na yung next update inaantok na ako eh. Salamat sa nag basa. Pa vote ang comment guys. SALAMAT! 😂😇

My Conceited Boss.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon