Ang pangalawang bida.

59 6 1
                                    

So ayun hinintay ko lang si damuho matapos kumain at hinugasan ko na yung pinagkainan nya.

Nandito na ako sa kwarto ko nag hihintay antokin.

Nga pala, hanggang 4rth yr lang natapos ko. Di na ako na kayanang pag aralin ng tiyahin ko kase mas mahalaga daw na mapag tapos nya yung pinsan ko.

Wala naman akong magagawa, pasalamat nga ako dahil nakapag aral padin ako.

Yung perang ginagamit ko sa pag aral eh pinag hihirapan ko din yun.

Hehe so Hindi pala si tita ang nag papa aral sakin Ako pala ang nag papa aral sa akin 😂

Ang gulo ba? Hahaha sabi kase nya sa kanila daw ako tumutuloy kaya parang sya na din daw nag papa aral sa akin.

Hayyst. Araw araw akong nag titinda ng sampaguita noon para lang may pang baon at pang bili ng mga project tas nung nag high school na ako, nag titinda naman ako noon ng turon, bananacue, at iba pang miryenda sa hapon.

Ipinapalako sa akin ng kapit bahay namin tas bibigyan ako ng 100 minsan nasa 80 lang. Pero okay na yun, sapat na para matustusan ko yung pag aaral ko.

At ngayong tapos na ako mag highschool pinatigil na ako ng tiyahin ko sa pag aaral.

Hayyyst. Sayang lang dahil hanggang katulong lang ang bagsak ko.

Katulong lang ng lalaking damuhong yun.

Nga pala limang araw palang ako dito. Hayyyyst hanggang kelan kaya ako tatagal dito.

Abah inaantok na ako. Mabuti pang maka tulog na para malakas ako bukas.

Bye good night.

-

Kurt dexter POV.

Nagising ako sa malakas na tunog mula sa kusina.

Parang may nabasag na something.

Bumaba ako para i check kung ano yun ng biglang na shock ako sa nakita ko.

Si ibeng may dugo sa kamay.

Sobrang dami. Pulang pula.

Pinipiga nya ito para dumugo ng dumugo.

Hayst ano bang nangyari?!

"Bakit may dugo? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Sa mata nya lang ako nakatingin.

Ayokong makita yung dugo.
Nakaka diri.

"Nalaglag kase yung pinggan at nabasag. Nung dinampot ko yung mga basag na parte Ayun na sugatan ako." Sagot nya.

"Tanga mo kase eh " pang aasar ko.

"Tulungan mo naman ako oh" sabi nya at akmang lalapit sakin. hawak nya yung kamay nya na puro dugo.

Tumakbo ako at umakyat papunta sa kwarto ko at doon nag inhale exhale.

Sa totoo lang takot ako sa dugo.

Something remind me pag nakaka kita ako ng dugo.


Kumuha ako ng bulak,at alcohol.
At bumaba.

Nakita kong hinuhugasan ni ibeng yung sugat nya kaya nawala yung dugo.

"Oh, ilagay mo dyan sa sugat mo. Para hindi ma infect" sabi ko sabay abot nung dala ko.

"Aba, concern ka? Himala ata to."

Nako nag assume pa ang panget. Feeling naman nya 😏

"Pssh wag ka ngang assumerang panget ka! Di ako concern. Pano pag lumala yan? Ako padin mananagot dyan kase ipapagamot yan. Masasayang ang pera!"

"So kelangan mang lait Hah ganon?!"

"Tse manahimik ka nga!" Sabi ko then pumunta na sa dining area.

Hmmm kahit nakaka inis yung panget na yun eh okay din namang nandito yan.

Dati kase walang ayos tong bahay ko.

Yeah bahay ko. Akin na to kase binigay to ni mommy nung 18th birthday ko.

Pang debut ba ang peg? Hahaha lakas maka bakla 😂

Hmmm. Hiniling ko talaga yun kay mommy. Gusto ko kase mapag isa. Yun bang walang mangingialam sa akin?

Dati kase nung nasa bahay pa ako nila mommy puro nalang dikta kung ano gagawin ko.

Buti pa ngayon...

Kaso pinili ko ngang mapag isa may Asungot naman.

Hinire ni mommy si ibeng para maging katulong dito.

Hmmm. I admit di ako maayos sa bahay.

Tamad, burara, makalat.

Kaya hirap na hirap si ibeng dito eh.

Oo gusto ko syang pahirapan para kusa na syang umalis dito.

Ewan ko ba, Na aalibadbaran ako sa mukha nya.

Nga pala Im Kurt dexter Pascual.
18 yrs old. POGI, GWAPO, HANDSOME.

Well honest lang naman.

So tama na... Baka nayayabangan na kayo sa akin.



"Uhmm kedi yung pagkain mo malamig na. Pwede mamaya kana mag emote dyan? Ikain mo muna yan."

Anong kedi? Tf! Kedi? Iwwww.


"Hoy anong kedi pinag sasabi mo dyan?!"

"Kedi, keydi. Kurt dexter. K tsaka D. Edi kedi!"

"Abay ewan ko sayo bisaya ka!"

"Anong masama sa pagiging bisaya huh?!"

"Ikaw!"

"Litsi! Ewan ko sayo. Dyan ka nanga."


Buti umalis na yung panget na yun nakaka walang gana kumain.



Kinain ko na yung almusal ko then naligo.


May lakad pa ako mamaya.

Well Date with a very beautiful girl sa school namin.


Sya ang pinaka hinahangaan ng mga lalaki sa school namin.

Haha sorry sa kanila.

Pagkatapos ng date nato Im sure magiging Gf ko na yung babaeng yun 😏




-
Cut muna.

AN: guys? Sana magustuhan nyo to. Wait lang po sa next update. Mamaya ulit ako mag uupdate. READ, VOTE, COMMENT lang po kayo salamat.

My Conceited Boss.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon