Ivonne's Pov:
Bumaba si damuho na pormal ang suot.
Malamang neto may Date ang loko.
Lagi naman eh. Di yan nawawalan ng date araw araw.
6 na araw palang ako dito pero alam kong dati pa nya gawain ang makipag date araw araw.
Para bang di buo ang araw nya kapag hindi sya nakikipag date.
Malamang neto di nayan virgin.
Nakow, sa dinami dami ng babaeng dumaan sa kanya imposibleng wala pang naging experience yan.
Teka nga ma asar ko nga to para ma bwisit. Sa pang aasar lang naman ako nakaka bawi sa kanya eh.
"Huy kedi? May date ka nanaman no?" Usisa ko
"Pake mo ?!" Masungit nyang sagot habang inaayos yung buhok nyang may wax at naka tingin sa salamin.
"Alam mo kawawa ka naman."
Hahaha aasarin ko nato. Para beastmode syang aalis ng bahay."Ako?! kawawa? Pshhh dun ka nga!"
"Kawawa ka kase araw araw kang nakikipag date pero walang sumeseryoso sayo. Siguro na tu'turn off sa ugali mo."
"Pshhh wala kang alam" masungit nyang singhal at nag smirked pa then balik ng tingin sa salamin.
Abah! Piling gwapo nanaman tong damuhong to.
"Well hindi din naman sila masisisi kung aayawan ka nila. Syempre PANGET KA NA PANGET PA UGALI MO!" pang aasar ko. Haha mukhang epektib naman. Kumunot yung noo nya eh.
Pero t-teka.....
Unti unti syang lumalapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pader.
Palapit sya ng palapit lalo na yung mukha nya...
Teka? Alam ko to? Kikisan nya ako no? Nakow! Di pwede! Di nya makukuha ang first kiss ko.
"Hoy?! Wag mong tatangkaing halikan ako!" Singhal ko pero unti unting tinataas nya yung kanang kamay nya habang yung kaliwa ay itinukod nya sa pader.
Sa pader na sinasandalan ko.
Unti unting na foform sa pagiging kamao yung kamay nya.
Teka? Susuntukin ako neto?
Abah! Na nanakit pala to ng babae.
Hinihintay ko nalang tumama yung kamao nya sa mukha ko habang naka pikit.
Na aninagan ko nalang na may flash ng camera. Bigla kaseng kumislap eh.
Then Captured.
---_______---
>>>______<<<
>________O
O_______<
O______O
"Hahahaha. Dafak!! Ang panget mo dito! Haha mukha kang nagpipigil ng utot. Hahaha ang Panget mo talaga! Assuming pang hahalikan kita? Tf! Kahit ipis di ka pag nanasaan eh! PANGET!" Abat?! Naisahan ako ng loko ah? Kumalas sya sa wierd na posisyon namin at nag hahagalpak sa tawa dun sa sofa.
Nakow! Pinag iinit talaga ng damuhong to yung noo ko ah!
"Hoy Panget'ain! Akin na yang cellphone mo! Burahin mo yung picture ko dyan!" Sabi ko then na agaw ko naman yung cp nya. Nanghina ata sya sa kakatawa eh kaya nawalan ng lakas nung hinablot ko yung cellphone nya.
Teka? Nakuha ko nga yung cellphone nya pero diko naman alam kung paano gamitin to.
Never pa kase ako naka gamit ng sinasabi nilang touchscreen.
Hanggang keypad lang yung alam ko. Yung lumang nokia phone? Yung 3210 yung unit.
Bigla namang Tumunog yung cellphone at nanginig.
Nabasa ko JAM calling. Answer/decline.
Napabalikwas si damuho sa pag kakaupo at agad inagaw yung cellphone nya.
"Oh hi jam? Yeah pa alis na ako. Ready kana ba? Sge sunduin kita dyan sa bahay nyo i text mo nalang yung details kung san ka nakatira. Yeah otw na. Bye" yan lang naririnig ko sa kanya. So oo may date nga ang kumag.
"Hoy aalis na ako. Gawin mo ang mga gawain mo dito ah? At wag kang mag pa papasok ng di mo kilala!"
"Oo na alam ko na yan."
Pag sabi ko nun ay umalis na sya at sumakay sa kotse.
Yeah may kotse na sya. Ang swerte nya no? Parang kung ano naisin nya makakamit nya.
Haysst mga mayayaman nga naman.
Pinag buksan ko sya ng gate at tuluyan na syang umalis.
So ayun, linis dito linis dun.
Hayssst.
After 12345678910000000 years na tapos na ang gawain ko.
Time check 8:25 pm.
Kamusta na kaya ang date ni kumag? Hahaha im sure olats nanaman yun. Kada uuwi yun walang imik eh diretsyo sa kwarto nya.
Haysst kawawa nga. Di siguro sineseryoso ng mga babae nya.
Pogi naman sya. Pero bat ganun?
Hmm siguro karma na din nya yun. Wahahaha.
Nag luto lang ako ng kakainin ko.
Di na kase kakain ang damuho. Im sure busog na yun sa date nya.
Kumain, nag ligpit at nag hugas ako ng pinag kainan ko then diretsyo sa sala para manuod ng tv.
Lagi nalang ganito. Nakaka boring. Wala akong mapag libangan.
(Beep beeep) busina ng kotse ni damuho.
Buti nalang nandyan na sya.
Sya lang naman hinihintay ko bago ako matulog.
Ako kase nag bubukas ng gate eh.
So ayun pinag buksan ko na sya ng gate.
And as usual ganon padin yung reaction nya.
Siguro araw araw tong na ba busted. Hahahaha tama lang sa kanya yun.
Akala nya kase lahat ng babae mapapa ikot ng ka gwapuhan "kuno" nya.
Ayun sinara ko yung gate at dumiretsyo na sa kwarto ko.
Saktong ina antok na ako eh.
Hayst. Kahit boring ang bawat araw ko dito okay na din naman.
Matapos ko lang mabayadan yung 100 thousand sa tiyahin ko makakawala na din ako.
Oo may presyo talaga.
100 thousand daw ang kapalit ng pag kupkop nya sakin.
Hayyst. Pero kakayanin ko. 1000 per day daw sweldo ko dito. So mga tatlot kalahating buwan ko pag titiisang pag silbihan yung lalaking yun.
Sana kayanin ko talaga.
Hmmm. Maka tulog na nga.
---
AN : guys cut muna dito. Pasensya kung maikli. Hahaha na totoret nanaman utak ko.Guys pa vote naman nito. Paki pindot yung star sa baba. Comment na din po kayo. Salamat.
Try ko mamaya mag UD.(READ,VOTE,COMMENT)
BINABASA MO ANG
My Conceited Boss.
HumorIto ang kwentong Mag papatawa, kilig, iyak at relate sa Inyo. kaya guys keep Reading vote and comment. salamat 😇