WTWC 7 - First

1.7K 15 2
                                    

[Kimyelle]

“Good morning anak,” bati sa akin ng Papa ko isang umaga. Naabutan niya akong nagsusulat ng college applications dito sa kusina. Hehe.

“Good morning Papa,” masigla ko ring bati sa kanya.

Haynaku. Ang aga talaga gumising nitong Papa ko. Nahuhuli tuloy akong hindi natutulog. For sure papagalitan na naman ako nito.

“Anong oras ka dumating kagabi mula sa gig niyo?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.

“Uhmm, mga eleven na ata yun Pa.”

“Ganon ba? Anong oras ka na natulog anak?” Eto na. Eto na ang mahiwagang tanong.

“Papa, ano, kasi…” Teka, paano ba to?

Naku! Sasabunin na naman ako nito eh. Papa please, wag mo ko sermonan ngayon. Umagang-umaga eh.

“Hindi ka natulog no? Naku Kimyelle sinasabi ko sa’yo—”

“O, o, ayan na naman. Papa, sorry na po,” sabi ko naman sabay beautiful eyes. “Kasi po nagsusulat ako ng college applications saka nag-asikaso ng requirements para sa scholarship sa college. Di ko na po namalayan ang oras eh. Hehe.” Tapos nag peace sign ako.

“Wag ka na nga magtrabaho. Tigilan mo na yan.”

“Papa naman. Pano naman yung mga gamot ni Kyle? Ayos lang sa ‘kin no? Ako pa! Ang galing ko kaya.” 

“Kaso napapabayaan mo naman yung kalusugan mo,” sabi niya habang umuupo sa harap ko.

“Di ko naman po napapabayaan eh. Wag po kayong mag-alala. Pag natanggap na ako sa isang scholarship, kahit matulog pa ako ng isang linggo, gagawin ko.”

Natawa lang si Papa sa sinabi ko at tumayo ng konti saka ginulo ang buhok ko. “Anak nga kita!”

“Aba syempre naman no? Ganda ko kaya. At kaya ako maganda kasi galing sa inyo ang genes. O diba?”

Nawala na yung sermon niya sa ‘kin at nagtawanan na lang kami. Naghanda na rin kami pareho dahil papasok na siya sa trabaho at ako naman ay kakareer na sa life. Ginising ko na rin si Kyle kasi iiwan ko siya sa bahay ng Tita ko.

Ano ba yan. Para akong Nanay no? Siguro pwede na ‘kong mag-asawa. Ako kasi ang nag-aasikaso sa kanila. Ako yung nag-prepare ng breakfast, nag-plantsa ng uniform, at marami pang iba.

When Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon