Chapter 1: Apartment

46 4 5
                                    

Ako si Rejie, isang nilalang sa mundo na niyakap ng kamalasan sa buhay. Nabuhay ako na hindi kilala ang aking mga magulang, nabuhay sa bahay ampunan. Sabi ng mga madre ako daw ay nakita sa kalagitnaan ng bakbakan laban ng militar at ng mga terorista. Noong bata ako, madalas ako bullyhin ng mga kapwa ko bata. Binabantaan nila ako dahil ako daw ay isang lampa. Sinubukan kong tumakas sa bahay ampunan para makaiwas sa araw araw n pasakit ng mga kasama kong bata. Pero nabigo ako. Isang araw, isa milagro ang tila dumating sa aking buhay. Isang matandang mayaman na nag iisa at walang pamilya ang pumunta sa bahay ampunan. Sa mga panahong yun, siya ay namimili ng batang kanyang aampunin. Halos lahat ng bata ay nagpapabibo para sila ang mapili ng matandang mayaman. Habang ako nasa loob ng kwarto dahil alam kong malabo na ako ang mapili, dahil una lampa ako, pangalawa wala akong talento at pangatlo wala akong pangarap sa buhay.

Ilang araw siyang nagmasid ng mga bata para pumili ng kanyang aampunin. Habang lahat ay nagsasaya, bigla nya akong nakita na nasa kwarto naka silip. Niyaya niya ako "Halika dito at makisaya ka sa amin" sabi ng matanda.  Dumeretso ako sa kama at humiga sa kama. Walang nagawa ang matanda kundi bumalik sa mga batang nagsasaya.

Makalipas ang isang linggo, bumalik ang matanda para mag pasya kung sino ang kanyang aampunin. Kinausap niya ang mga madre, tila milagro ang nangyare dahil ako daw ang gustong ampunin ng matanda. Tinanong ko ang matanda, "Lo, bakit po ako ang pinili niyo?".

"Dahil nakikita ko sa mga mata mo ang mga karanasan ko." Sabi ng matanda.

Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin, ang alam ko lang ako na ang kanyang pinili para ampunin. Dumeretso kami sa kaniyang bahay, na napakalaki. Mansion? Teka super yaman niya grabe, dito ba talaga ako titira?

"Sa iyo na ang lahat ng nakikita mo, marahil nagtataka ka kung bakit? Haaa..haaa.. wala akong pamilya kaya ikaw ang napili ko dahil parehas tayo.. nakikita ko sayo ang pagkabata ko." Sabi ng matanda.

Mahabang panahon din, pinag aral niya ako, elementary. Hanggang umabot ako ng highschool ay suportado niya ako at wala siyang hinangad kundi gumanda ang buhay ko. Isang napakalaking swerte talaga ang nangyari sa akin dahil inampon niya ako. Lahat ng gusto ko ay binibigay nya. Kahit hindi ako maghangad binibigay niya parin. Ngunit isang araw.....

Highschool ako 1st year,
Isang malagim na bangungot ang nangyare, nilooban ang bahay namin habang nasa  iskwela ako walang kasama si lolo, nilimas ang gamit at pinatay si lolo ng mga armadong lalaki. Habang isang armadong lalaki ang naiwan sa bahay namin at nagsasaboy ng gasolina. Sinugod ko at sinaksak ko sa leeg ng basag na salamin, ngunit huli na ang lahat. Ang mga kasama niya ay siniliban ang bahay namin. Tanging ang ATM lang ni Lolo ang natira sa akin na may lamang 12 million pesos. Napakalaking halaga kung iisipin, ngunit hindi na ito maibabalik ang buhay ni Lolo.

Isang taon ang lumipas
2nd year Highschool na ako, wala akong kaibigan dahil ginusto ko. Wala akong tiwala sa ibang tao, wala akong pakialam sa paligid ko. Walang gustong kumausap sakin dahil sa ugali ko. Suplado, hindi nagsasalita at hindi namamansin. Mahirap iapproach, in short I'm a total bullshit sa loob ng klase. Sa bawat aktibidad sa loob ng klase ako lang mag isa dahil ayaw nila sakin, mahaba ang bang mukhang adik, mayabang, suplado, walang modo, hindi nila alam ginusto ko ito, ha.. tama wala akong tiwala sa iba.. mas mabuti na ako lang mag isa dahil kinaya ko naman mag isa. Ngayon nakatira ako sa isang apartment, na kung saan malaya ako. Tama.. hindi ko pa ginagastos ang pera, dahil ayoko, ayokong mawala ang ala-ala ng taong tumulong sakin para makawala sa walang kwenta kong buhay.

Isang araw sabado, pag bukas ko ng pinto. May babae sa kabilang kwarto, maganda siya. Diyosa ang ganda.

"Hi"....

Ang Magulong Mundo Ni RejieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon