Chapter 1

4.7K 77 0
                                    

BEA

Kadarating ko lang mula sa airport ay pinagbibihis agad ako ni Daddy dahil may pupuntahan daw kami

"Dad, di ka ba naaawa sa akin?"

"Beatriz, you know naman na busy ako sa work. Today na ngalang tayo magba-bonding tatanggi ka pa?"

"I understand dad. Bibihis lang po ako"

Lumabas ako ng kuwarto ko wearing a denim jeans, plain gray v-neck shirt paired with white converse

Sumakay kami sa MUX ni Dad na dinada-drive ni Kuya Jomar

Naupo lang ako ng naaayon sa pagiging komportable at Ipinikit ko ang aking mga mata

---

"Bea? Bea? Nandito na tayo"

Unti unti kong ibinuka ang mga mata ko at tumingin sa paligid

"GOLF COURSE!?"

"Yes, ayaw mo ba?" Tanong ni Daddy

Nagkibit balikat nalang ako at bumaba sa sasakyan

Sumakay kami ni Daddy sa golf cart at pinanood ko nalang ang boring na view

Halos mabitawan ko ang hawak kong golf club ng makita si Jho

"Jhoana Louisse!"

Tumingin siya sa gawi ko at halos mapatalon ng makita ako

"Beaaaaa!"

Nagsalubong kami at saka nagyakapan

"Dad, plinano mo ba 'to?"

"No" seryosong sagot ni Daddy

Naghiwalay kami ni Daddy, pumunta siya sa gawi ng mga kaibigan niya at ako naman kila Jho

Napatalon pa ako sa saya ng makita sila Jia at Ate Ly kasama ang mga Asawa nila

Sa pitong taon ko kasing pagkawala, nagsi-asawa na sila

Isang taon palang ako sa Galway ng magpakasal sila Kuya Kiefer at Ate Ly

After two years, nagpakasal na din si Jia at Miguel

Tapos, ilang buwan lang ata ang lumipas ng magpakasal na si Jho at Nico

Sobrang nalulungkot nga ako noon dahil ni isa sa mga kasal nila, wala akong napuntahan

Maski sa mga binyag ng anak nila

Silang tatlo may anak na, parehong Babae ang anak ng JiaGuel at KiefLy, habang sina Jho at Nico naman ay lalaki ang anak

"Uyyy you're spacing out" sabi ni Jia

"Ayyy sorry"

"Akala mo nakalimutan na namin ah. Madami ng naipong pamasko yung mga inaanak mo sayo" Natatawang sabi ni Miguel

"Oo nga" sagot naman ni Nico

"Tawagin ko lang yung mga bata para magkasingilan na" Biro naman ni Manong Kief

"Mabuti pa nga" pagsangayon ni Ate Ly

Saglit na nabaling ang pansin ni Manong Kief sa phone niya

"Ilang taon ka bang nawala? tatlong taon na si Jigsaw at Jacob" sabi ni Jia

"Seven years"

"Ah, kamusta naman don? May boyfriend ka na ba?" Nang-aasar na tanong ni Jho

"Wa-"

Di pa ako tapos magsalita ay naagaw na ng isang busina ng golf cart ang pansin nila

Rinig ko ang mga halakhak ng mga batang nakasakay doon

No ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon