BEA
"Bea? Your phone is ringing, tumatawag si Tita Det"
Napabangon ako agad at kinuha ang phone ko
"Hello Mom?"
"Kagigising mo?"
"Opo"
"We're here sa Clark, fixing some documents for legatee of your Grandpa's lot here at Pampangga"
"What do you mean?"
"We're staying here.. maybe until the day after tomorrow"
"Ok ok, take care mom"
"Take care too"
"Bye. I love you"
"I love you too"
I checked the time and it's already 4:21 PM
"Tell Manong na dito na kayo magdi-dinner"
Sabi ko kay Thirdy na busy lang na nanonood
Ang mga bata, tulog pa rin sa tabi ko, habang si Thirdy nakahiga sa comforter sa sahig
"Haba ng tulog niyo ah" sabi niya habang nagta-type sa phone niya
"Ikaw ba? Di ka natulog?" Tanong ko
"Nope" matipid niyang sagot
Bumaba ako ng kuwarto ko at nagpuntang living room para magpa-deliver
"Hello? Two Barkada Bundle please, dito lang sa Corinthian Gardens, De Leon Residence. Don't worry, kami lang De Leon dito"
Ibinaba ko ang tawag at umakyat ulit sa kuwarto
"Nag-reply na sila?"
"Oo, around 6 daw sila Pupunta dito" sagot lang ni Thirdy
"Hihihi"
Napatingin ako sa gawi nila Jacob at nakitang nagtatawanan na sila doon
"How's your sleep?" Tanong ko at isa isa silang hinalikan sa noo
"Play tayo sa Garden niyo Ninang" paga-aya ni Kylie
"Sige"
Sabay sabay kaming bumaba ng hagdan
Ang cute nga nila dahil sobrang ingat nilang bumaba
"Very good, slowly but surely" sabi ni Thirdy ng makababa na sila ng hagdan
"Ano yun? Motto ng mga pagong?" Biro ko sa kaniya
"Ouch" sabi niya at kunwaring nasasaktan
Tinawanan lang kami ng mga bata at nagtakbuhan na papuntang garden
"Diba may aso ka?" Tanong ni Thirdy habang pinapanood namin silang maglaro
"Wala na siya" malungkot kong sabi
Ang sakit kaya pag naaalala ko yung pagkawala ni George
"Ang drama mo" Biro niya
"Ikaw ba pag namatay mga aso mo hindi ka malukungkot?"
"Siyempre malulungkot. Pero uso mag-move on" natatawa niyang sabi
"Bakit pala lagi ka nalang nilang taga-alaga, hindi ka ba nagwo-work?"
BINABASA MO ANG
No Choice
FanfictionBea and Thirdy are friends when they're in college. When Bea is about to leave, Thirdy confessed his feelings for Bea and made a thing that would be remembered forever After almost seven years, everything has changed except Thirdy's feelings for Bea...