Chapter 7

2.5K 56 18
                                    

THIRDY

"Sir may tawag po"

Kasalukuyan akong nasa opisina ko, tinitignan ang mga ipinapasang reports at madami pang iba

"Sino daw?" Tanong ko sa intern na si Lira

"Si Ms. Dani po" sagot ni Lira

Bumuga nalang ako ng malalim na buntong hininga

"Pakisabi busy ako" sagot ko nalang

Si Dani naman kasi matanda na, nagpapabebe pa

"Sir, Pupunta nalang daw po siya dito" sabi ni Lira

"Better" sagot ko nalang

Tuluyan na ngang umalis si Lira at pinagpatuloy ko ang pag-check ng mga ipinasa nila

Nakatapos ako ng tatlong reports pero madami pang kasunod

Saglit pa ang lumipas ng biglang dumalaw ang gutom

Lumabas ako ng office ko at nakita si Lira na busy sa Computer

"Lira"

Tumingin siya sa gawi ko "Yes sir?"

"Kapag may naghanap sa akin, papasukin mo nalang sa office. Lalabas lang ako"

"Sige sir"

Sa QC lang din naman kasi ang office namin

Lumabas ako ng building at sumakay sa kotse ko papuntang SM North EDSA

Bago mag-merienda ay pumunta muna ako sa branch ng shop ko dito lang sa SM

Tumanggap kasi kami ng mga intern at kailangan kong makita ang performance nila

"Good afternoon, sir" sabi ng cashier, hindi ko siya kilala e

"Good afternoon" sagot ko lang at nagpunta sa working area

Walang ibang maririnig dito kundi tunog ng printer at blower

"Nag-break na ba kayo?" Tanong ko

"Break up sir?" Biro ng isang intern

"Masakit yun" natatawa kong sagot "Ang ibig kong sabihin, merienda"

"Hindi pa, sir. May mga nagpa-print e" sagot pa ng isang intern

"Tapusin niyo na yan para makapag-merienda tayo. Don't worry, sagot ko"

"Thank you sir!" Sagot ng mga intern

Lumabas ako ng working area at pumunta sa cashier

"Bumili ka ng bucket chicken yung kasiya sa ating lahat" utos ko at nagbigay ng pambili "Ako na muna dito sa cashier"

Tumango lang siya at umalis

Though wala pang costumer e kailangan pa ring bantayan ang cashier

Saglit lang ay bumalik na ang kahera at nag-umpisa na kaming kumain

Walang hanggang pasasalamat ang naririnig ko mula sa mga empleyado ko

Inabot pa ng isang oras bago ako nakabalik sa office ko

Pagdating ko sa banda namin ay wala si Lira sa puwesto niya

"Kuya si Lira?" Tanong ko sa guard

"Nag-CR lang sir" sagot ni kuyang guard

Tumango nalang ako at pumasok ng office ko

"Ano 'to?"

Gustong gusto kong magmura kaso may bata

No ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon