2/ M I N E

9 1 0
                                    




Outing

Kakatapos ko lang mag ayos ng mga damit kong dadalhin ng pumasok si mommy.

Camila! bat di mo pinapansin ate mo? Bungad sakin. Umupo siya sa kama ko at pumasok rin si ate sa kwarto ko agad akong tumayo at nag kutingting ng kung ano ano. Nabadtrip lang talaga ako, pati ba naman sa ganong bagay kailangan niya pang sumali, may buhay ako kaya kong mag isa. Kase pag kauwi ng pag kauwi ng bahay sinermonan agad ako ng kung ano ano at pinag taasan pako ng boses kaya buong araw na yon di ko siya pinansin.

Im sorry Elle.Gusto lang kitang protektahan ayoko madamay ang studies mo kaya ako ganto gusto kitang matutong mag isa na walang kinakapitan.

Sabi niya habang nag aayos ako kahit tapos na talaga ung inaayos ko.

Kaya ko ng mag isa di ko kailangan yan. Kaya pls mind your own business.
Sabay kuha ko ng mga gamit ko at bumaba na.

Nasanay sila sakin na lagi akong nakapit kay Dad spoiled ako sa kanya kaya nung nawala siya nag bago buhay ko, di ko na nakukuha lahat ang dapat sakin napupunta kay ate sabagay mama's girl siya ako daddy's girl. Pero hindi naman ako kinakawawa may sarili akong pera binibigyan ako ni lola dahil nga wala na si dad. Ang hirap kase pag may paborito ung parents mo.

Nasa baba mga pinsan ko, kasama rin sila dahil wala naman sila ding lakad kaya sumama nalang sila samin para masaya.

Hi Elle!Bati sakin ni Cindy sabay yakap. Ngumiti lang ako.

Elle sasama daw pala si Nica malapit na daw siya. Sabi naman ng isa kong pinsan. Tumango ako. Si Veronica o Nica bata palang ako kaibigan ko na pero di kame parehong school ng pinapasukan kaya minsan nalang kame makapag usap.

Nang kompleto na kame sumakay na agad sila mommy sa kotse pero di ako don sumabay sa van nalang ako kasama mga pinsan ko tsaka si Veronica.

Ethan,
Hey! Ask nila Adelyn kelan ka daw mag eenroll?
- baka next week, mag kakasama nanaman kayo?
Yup, sabay sabay na daw tayo. Dito kame kay na Adrian sayang di ka makakasama lagi kayong may outing eh.
- debale punta kayo sa bahay by tuesday or kaya pag ka enroll natin.

-

Elle imisssyou! Sigaw ni Veronica sakin sabay yakap. Buti nalang nakasama ka, sila tita? Tanong ko. Pupunta sila school eh sayang.

Kumain muna kame sa nadaanan naming resto, medyo malapit narin dito ung pupuntahan namin.

Hmm ano gusto mo Elle steak? Sushi? Pasta? Tanong sakin ni ate Sophia.Tumango lang ako at tumingin sakin si Cindy tas si Shawn na katabi ko.

Mag kaaway kayo? Tanong sakin ni Shawn. Anyare Elle?Tanong naman ni Cindy. Wala hahaha. Sabay tingin ko kay ate at nginitian nalang ako.

Ganto naman kame palagi, madalas sa paningin ni mommy si ate ang tama. Pero pinapabayaan ko nalang ayokong lumayas ng dahil lang don, minsan pinipilit ako ng mga pinsan ko na sakanila nalang daw ako tumira don kayna lola kase tuwing napunta ako sa kanila nahahalata nilang nag away nanaman kame dahil sa maga kong mata atleast daw don pantay pantay. Pero di ako pumayag kame nalang tatlo mag kakahiwalay pa kame.

Gusto ko man pero di pwepwede, pamilya ko sila, dapat lang na masanay talaga ako, thankful ako sa mga pinsan kong laging umaalalay sakin.

Ilang minuto lang dumating narin kame. Hindi muna kame nag swimming dahil medyo mainit. Tumambay lang kameng mag pipinsan sa may cottage namin medyo malaki rin tong rinent.

Elle kamusta naman lovelife mo? Ako naman ung tinanong nila after nila Cindy at ung iba ko pang pinsan. Huh? Bat ako? Alam niyo ng sagot jan! Kase alam nilang ayaw muna ni ate at ni mommy na mag ka bf ako minsan nga naiinis din sila kase para naman daw sa ikasasaya ko, well masaya naman nako di ko lang alam kung ano ang pag kakaiba pag may bf ka.

Anobayan Elle, sa gandang mong yan wala ka paring bf. Pag rereklamo ni Keila isa sa mga pinsan ko.

Alam niyo guys sagabal lang yan! Sagot ko sakanila kaya agad silang nag react lahat ata sila may ka relasyon kaya nila ko ginaganto.

Hindi kaya!
Sarap kaya sa feeling na may nag mamahal sayo!
Na may nag aalaga!
Nag papasaya!

Yan ung mga sabi nila, may nag babalak manligaw saken pero alam kong trip kaya wag nalang tsaka  di ko trip talaga, tsaka una mo palang tingin kung seryoso ba siya sayo o hindi malalaman mo na agad. Tsaka ayoko sakal na nga ako kayna ate tas hahanap pako na mas ikasasakal ko.

Alam mo Elle, di ka naman masasakal, inaalagaan ka lang nila try mo ren minsan para di puno ng tanong yang isip mo. - Shawn

Hays bahala na, depende di ko kase alam kung ano ba talaga ang gusto ko o ideal boy, di ko na sila sinagot kaya linipat nila kay Veronica yung topic, nag pahangin hangin muna ako sa tabing dagat.

Nagulat nalang ako na may tumulong luha sa aking mata. Muling bumalik ang ala- alang sinaktan, sinayang ko.

-

[A/N Good day everyone! Thankyou sa mga readers nito! Pls vote kayo! :))]

-follow niyo ko' follow ko ren kayo dont worry :-)

M I N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon