6/M I N E

5 1 0
                                    

- short chapter lang to guys :-)

Ethan's POV

Malabo


Masakit. Yung nasasaktan kana hindi dahil sa kanya kundi dahil din sa sarili ko. Ung pilit akong tumatawa para hindi niya mahalata, ginagawa ko lahat para mapalapit sayo Camila hindi ko alam bat di mo ko napapansin dahil may iba? O manhid ka lang talaga?
Kumirot ung puso ko na nakikita ko sa mata mo na may gusto ka sa Xander na yon! Ung ang bilis mo mainis dahil tinutukson ka namin, nila.

Nalaman ko pang mag ka textmate kayo non?! Shit! Alam kong alam ng mga kaibagan natin na may gusto ako sayo kahit di nila sabihin alam ko ung mga tinginan nila, pero ikaw alam kong? HINDI.

Nakatambay lang kame sa may puno nag hihintay mag bell. Kanina pa ko nag hihintay sa reply niya pero ni isa wala. Hanggang ngayon galit ka parin? Kung pwede ko lang pigilan ang pag tukso nila ginawa ko na. Nag palinga linga ako sa paligid at nakita kita don malapit sa may gate.

Ayun si Camila oh! Sabay turo ni Elena sa may gate.
Sila Xander ba yon? Tanong naman ni Adelyn

Ngayon ko lang napansin na si Xander nga ung naka talikod at nasa harap niya si Camila tas nasa gilid naman ung Jet tas ung isa pang kasama.

Oo nga pre si Xander tara lapitan naten! Singit ko. Aakbang na sana ako pero pinigilan nila ako.

Pre wag ka masyado pahalata hahaha! Sabat ni James

Nag tawanan sila sabay tukso nila sakin mga tangina! >_<

Pag pasok ng room nginitian naman kame, parang di na galit.

Oy galit ka pa? Linapitan ni Elena si Camila "gaga di naman ako nagalit nainis lang hahaha!"

Ah bat mag kausap kayo kanina ni Xander kita namen eh! - Adrian
Yieee kwento! - Elena

May kinuha siya sa bag niya tas pakita samen ng Chocolates.

Ito oh bigay gusto niyo? Sagot niya.

Umupo nako sa upuan ko pero di niya ko tiniknan tuloy tuloy siya sa pag kwento, at ayokong marinig. Umupo narin sila dahil dumating na teacher namen

Habang nag kaklase nakatulala lang ako, wala akong sa mood makinig, hindi ko alam kung bakit.

-
Fast forward

Makalipas ang ilang linggo ganon nangyayari, lagi kong naabutan silang mag kasama minsan nakikita ko sa phone niya na kausap niya ung Xander. Muka naman siyang masaya, tsaka panay ang kwento at banggit niya sa pangalan na yon.

Medyo nag bago ang ikot ng mundo. Hindi muna ko sumasama sa kanila sa tambayan o kaya naman mag lunch. Halos nag tataka ung iba bat di ako nasama sa kanila ang tanging sagot ko lang may inassign o may pinapagawa lang sakin, pero totoo naman sa club namen eh may gagawin kameng event sa school, ito ang dinadahilan ko sakanila buti di narin sila nag tanong masyado kase muka namang totoo.

Kasama ko ung isang ka club kong babae na si Allysa, yinayaya niya ko na sabay daw kame ,alam kong may gusto to sakin halata naman kase ung kunwari mag tatanong siya about sa event tas deretso sa ibang topic, minsan linilibre pako kahit ayoko. Pero tinatanggap ko naman baka ma offend ko siya wala namang meaning to sakin.
Maliban nalang sa kaibigan niya o sa kanya.

Napapadalas na yang pag sabay ng lunch niyo ah! Pag bati samin ng ka club ko na nakita kame. Oy hindi ah! Sagot ni Allysa

Tumawa nalang rin ako. Tas iniwan na rin kame. Dumeretso muna kame sa may gym, sakto naman andito sila. Uurong na sana ako kaso nakita na pala, dahil may tumawag sa pangalan ko at alam kong si Camila yon.

Lumapit sila kung asan kame. Kaya ka pala di na nasama samin ah! Sabay kindat sakin at tingin kay Allysa ni Camila. Wala akong nasabi sa kanila dahil nag iinit na mukha ko dahil sa kindat niya.

Allysa Right? Tanong niya
Yes.  Sagot ni Allysa sabay ngiti alam kong nahihiya to.

At nakipag kamayan siya.

Una na pala kame pre may gagawin pa kase sa club. Pag papalusot ko at hinawakan ko braso ni Allysa bilang pag kukunwari.

Pre naman nahihiya ka pa eh! Dito muna pakilala mo naman samin yang girl mo! - Adrian

Mag sasalita na sana si Allysa pero naunahan siya ni Camila

Dali na Allysa ngayon ka lang namin makakasama! Lahat ng pinopormahan ng tropa nadaan samin hahahaha! Joke!

Hindi ako pino--- bago pa niya matapos sinasabi niya hinila na siya nila Elema para pumunta don sa pwesto nila.

Hindi ko alam kung kikiligin bako dahil sa kindat o maiinis dahil pag kakaalam niya, nila pinopormahan ko to.

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sakanila, at pinag hahampas ako ng mga mokong na to.

"Pre nadale mo! Ganda! Boto kame! Hahahaha" - James

Pag karating namen sa pwesto nila agad kong tinabihan si Allysa.

Sorry. Bulong ko sakanya. At nginitian niya lang bilang pag sabi na okay lang.

Allysa sabihin mo lang pag sinaktan ka niyang kakalbuhin natin! Pag bibiro niya.
Ah kase guys hindi naman ako pinopormahan ni Ethan. Nahihiya niyang sagot
Sus kunwari pa kayo, halata naman may pa hawak hawak nga sa braso eh! Singit ni James
Mag tigil nga kayo, nahihiya na si Allysa. Pag saway ko.

Ayieeeeee! Pang aasar nila

Umalis na kame don ni Allysa alam kong nahihiya na siya kaya nag paalam na kame at tumayo na at dumeretso na kame sa mga room namen.

Minsan ang gulo rin. Di ko alam bat hanggang ngayon siya paren eh, oo matagal na tong nararamdaman ko siguro kaya di kame nagiging mas close ni Camila dahil para sakin may something pero ang totoo wala nahihiya ako dati sa kanya tas napag tanto kong may gusto na pala ako sakanya ganon pala yon. Ngayon lang ako nag lakas loob na makipag usap sakanya alam kong naninibago siya sa inaasal ko kase di talaga ako ganon dati pero sana maramdaman niya yon pero mukang malabo.

-

[A/N: hi everyone! Vote po kayo salamaaat! ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M I N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon