Cristina's POV
"Good Morning Sunshine!" Malakas na bati ko sa bagong umaga. Umupo muna ako para magpa-salamat kay God para sa pag-gising ko ngayong araw. Pagkatapos ay 'agad ko nang inayos ang higaan ko at nag-stretching bago kinuha ang uniform ko at dinala na sa banyo para maligo.
Habang nagsusuklay ay nagha-humming pa ako ng kanta. Today is Monday kaya maaga akong nagising. Usually kasi every Monday nagkakaroon ng Flag Ceremony sa quadrangle at kapag may nala-late ay maglilinis muna bago maka-pasok ng campus. Kaya hindi ako pwedeng ma-late. Panigurado din kasi na-i-iwan kaagad ako ni Rose Ann 'pag nalamang hindi pa ako naka-ayos.
Nang matapos na ako ay bumaba na ako at tinungo ang kusina. Gutom na ako dahil hindi ako nakapag-dinner kagabi dahil sa ginagawang assignment na nakalimutan kong gawin noong Sabado. Saktong pag-baba ko ay nadatnan ko si Mama sa kusina na nagha-handa na ng almusal. I slowly tip-toed and run towards her and give her a surprise kiss on the cheeks.
"Good Morning Mama!" Magiliw na bati ko sa kaniya. Bahagya rin siyang nagulat kaya muntik na niyang mabitawan ang hawak na mangkok.
"Cristina! How many times do I have to tell you na huwag mo akong gugulatin?!" Bulyaw niya sa akin that made me giggle.
"And how many times do I have to do this to you para masanay ka na po?" Balik na tanong ko rin sa kaniya. Inismiran na lang ako ni Mama at nagpa-tuloy na sa ginagawa. Napangiti na lang ako at nag-timpla na nang hot chocolate para sa akin dahil hindi naman nila gusto ito sa umaga. They prefer coffee, including kuya.
BTW, I love surprising my Mother kasi magugulatin siya. Ang cute rin kasi 'lagi ng reaction ni Mama kaya hayon, nasanay na rin akong ginagawa iyon. Also, may kiliti si Mama sa tuhod kaya kapag nag-haharutan sila ni Papa ay iyon 'lagi ang pinupuntirya niya.
'Agad na akong umupo sa seat ko dahil nilalagay na ni Mama ang mga pagkain sa lamesa. Ang bango ng sinangag kaya sinundan ko ito ng tingin habang inilalagay ni Mama sa center. Pabilog din kasi ang lamesa namin at gawa sa kahoy. May limang upuan pero maba-bakante muna ang isa since umalis na kagabi si Ate at babalik na sa Taguig para sa work niya.
She prepared fried rice, Ma Ling, a cheese dog, and a tinapa! Oww my goodness ang bango! Naglalaway na ako sa mga nakikita ko at dinis-tribute na ang mga plato at utensils."Good morning mga babae ko." Sambit ng boses sa hagdan kaya napa-silip ako dito at napa-ngiti nang makitang si Papa pala 'yon.
"Good morning too Papa! Tara kain na po tayo." Alok ko sa kaniya pero napangisi din 'agad nang maka-isip ng kalokohan.
"Oops. Mamaya ka na lang po pala kumain Papa. Mau-ubusan mo na naman kami e." Biro ko sa kaniya at tinuro ang tiyan niyang tila nakalunok ng pakwan."Hindi ko na kasalanan kung ang babagal ninyong ngumuya." Ngising sagot naman ni Papa kaya napa-tawa na lang ako. Naupo na rin siya sa tabi ko kaya ibinigay ko na sa kaniya ang kape niyang kakatimpla pa lang ni Mama.
"Ano 'yong naririnig kong mau-ubusan ha? Papasok na naman ba akong walang laman ang tiyan?" Biglang singit ni Kuya na mabilis bumaba ng hagdan at padaskol na tumabi sa akin sa may kaliwa, bale sa right side ko umupo si Papa. Tumabi na rin si Mama sa tabi ni Papa.
"Let's eat. Baka ma-late pa kayong dalawa." Sabi ni Mama matapos naming mag-pray. Nag-unahan naman kaming kumuha ng pagkain at nagsimula nang kumain.
Habang kumakain kami ay panay lang ang kwentuhan nila Mama't Papa, kaya kain lang kami ng kain ni Kuya. Galit-galit muna.
BINABASA MO ANG
THE MASTERS
FantasyREVISED Highest Rank achieve. #01 in peace✔ #01 in white✔ #01 in dragons✔ #01 in creation✔ Story Started:::: August 19, 2018 Story Ended:::::: April 5, 2019