Kevin Arellano: Hi.
I know this guy. Si kuya sa court. Its been 3 years. Should I reply?
Me: Hi?
Kevin Arellano: Taga san ka po?
Aww. Fuckboy. Alam ko na yang mga ganyang moves.
Me: Taga dito lang sa may ano.
Then I gave him my address. Malapit lang pala bahay nya dito. We talk about the most random thing. Laugh our hearts out through this convo. Kahit na fuckboy sya, he made everything really comfortable.
We talked for days. Sa ilang araw na yun, umabot na sa 3000 ang convo namin. Magkausap kami lagi. Sa umaga pagkagising, sa tanghali, pati na hanggang pagtulog.
It was 4am and we're still up. He asked me the most unexpected question.
Kevin Arellano: Alam mo feeling ko nahuhulog na ako sayo, can i court you?
Fuckboy yan Reine, fuckboy yan. Don't get too attached. You know boys like him. Gagamitin ka lang nyan. He was a player, but I can be a player too. Why can't I try?
Me: Bakit kelangan pa manligaw kung pede namang tayo na kaagad?
Hindi naman seryosohan diba, bata pa kami. I know his game and I'll win it.
The rule of this game: Let him fall but you should never fall.
December 31, I knew he's mine. Sana sa pagkakataong ito, makalimutan ko na si Mike. Sana matapos na ang kalokohang nararamdaman ko kay Mike.
After maging 'kami', naging sweet sya lalo sa mga messages nya. Nakakakilig ang bawat lines na sinasabi nya. Madami akong natutunan tungkol sakanya. He liked long messages. He's clingy pero hindi yung clingy na nakakairita. I tried to focus myself on him.
January 7, day before my birthday, first time ko syang makikita.
Pagkalabas ng school, agad kong tinawagan ang kapatid ko para sabihin na ready na ako. Ihahatid nya kasi ako papunta sa meeting place namin. Sa seaside namin napagkasunduan magkita. Nadadaanan ito pag pauwi na ako at the same time, mas malapit ito sa bahay nila.
Pagsakay ng jeep, nakita ko na bumitin si Mike dahil puno na ang loob ng jeep. Oh my god. Baka makita nya ako. No. No. Nagmo-move on na ako. Pero sana naman ako na lang yung gusto nya. Sana pag nakita nya ako na may kasamang iba, sana maisip nya kung ano yung sinayang nya.
Pagdating sa may seaside, nakita ko si Kevin na naghihintay na doon. Bumaba din si Mike dahil kelangan pang sumakay ng tricycle para makauwi samin.
Napangiti ako nang makita ang sulyap ni Mike sakin. I took it as an oppurtunity para magpunta kay Kevin.
"Hi." bati ko sakanya. Halatang nagulat sya kasi hindi nya ineexpect na nandoon na ako sa tabi nya. Nakatingin kasi sya sa may dagat kaya hindi nya napansin ang pagdating ko. He looks more matured than he is 3 years ago.
Ano, Mike? Naninibago ka ba? Dati lang ikaw ang gusto ko tas ngayon iba na? Wag ka mag-alala, ikaw pa din naman e. Basta sabihin mo lang sakin na ako din ang gusto mo, tangina babalik ako sayo.
"Halika dito," pinaupo nya ako sa tabi nya. I felt his arms on my shoulders. "Okay lang?"
"Oo naman." I chuckled.
Ang tahimik lang namin. We just watched the sunset together.
Pagkauwi ko, he told me sorry kasi nahihiya daw sya. I told him it was fine. Sabi nya kinaumagahan daw babawi sya. Kita daw kami ulit.
It was the start of this journey. Start na ito para makalimutan si Mike. Pero sa loob ng puso ko, alam ko na siya pa rin ang gusto ko.