Chapter 3

4 0 0
                                    

Paglabas ko nagulat ako nang makita ko si Inigo.

"Oh shit shit dapat di na ako lumabas eh" bulong ko.

"Narinig ko yon. Ms. Sungit bakit ba ang sungit sungit mo?" Ika niya.

"Eh kasi nga ang kulit kulit mo!" Pasigaw kong sabi.

"Aminin mo na kase gusto mo talaga ako" (parang ang lakas ng hangin sa labas ng classroom namin.)

"Alam mo papasok na ulit ako. Nagdidiscuss si Sir kailangan ko pang imaintain yung good grades ko kaya pwede ba? Wag mo na akong guluhin. Mag aral ka na lang din kaya" sagot ko at pumasok na sa loob ng room.

After several hours sa wakas nag uwian na. Hinintay ko na lang si aubrey sa gate. Hindi ko na makita si Inigo.

"Ano ba yan napaka tagal naman ni aubrey baka makasalubong ko na naman si inigo" bulong ko.

At nagdilang anghel nga ako, papalapit na si Inigo sa gate. Kalmado ang itsura ko pero sa isip isip ko gusto ko ng sumigaw sa inis.

"Aba parang pinagtatagpo tayo ng tadhana Ms. sungit" Pangaasar niya.

"Hindi tadhana tawag dito kamalasan!" Sagot ko.

Buti na lang lumabas na si aubrey sa gate kaya agad kaming umalis.

Pagkapasok namin sa sasakyan kinausap ako ni aubrey "Jusko bes ayaw ka talaga tigilan ni inigo no? Nako marami ka niyan makaka away"

"Hala bakit naman?" Tanong ko.

"Pano kasi maraming nagkakagusto kay inigo"

"Hindi naman siguro baka nga bukas tigilan na ako nun eh"

"Sige sabi mo eh" sagot ni aubrey

Pagkatapos naming kumain ng dinner nag movie night muna kami ni aubrey pagkatapos ay pinatulog ko muna siya sa kwarto ko para makipagkwentuhan.

"So ano na nga nangyari sa library kanina?"

"Kasi ganito yon papunta na ako ng canteen kaso nakasalubong ko siya hinatak niya ako sa library at tinanong kung gusto ko siya sabi ko hindi sabay alis" sagot ko naman.

"Ay ganern my god gusto ka ata talaga ni Inigo! Ang hair ng MBFFL ko humahaba na!" Pangaasar na sabi ni aubrey

"Nako matulog na nga tayo! Maaga pa tayo bukas"

Kinabukasan hinatid na kami ni daddy sa school pero unfortunately hindi niya kami masusundo kaya kailangan namin magcommute.

Papasok na kami sa gate pero nakita ko si Inigo. Sinabi ko kay Aubrey na takpan niya ako. Sabi naman niya na "Act normal bes" ginawa ko naman yon.

Thank God hindi niya ako nakita. P.E ngayon and we are studying about doing volleyball. Nagpalit na ako ng pang sports at nag laro.

After 20 minutes pinag water break kami ni coach.
Kaya pumunta muna ako sa locker ko. Habang umiinom bigla akong pinagbababato ng bola ng grupo ni stacie. may gusto kasi sila kay Inigo.

Habang binabato nila ako ng bola ay may sinabi si Stacie (siya ang leader ng mga feeling magaganda dito sa campus)

"Bakit lapit ka ng lapit kay inigo ha? Ha?" Pasigaw niyang sabi.

Hindi ako sumagot, tumakbo na lang ako at dahil binato nila ako habang umiinom basang basa tuloy ako. Sa sobrang kamalasan ko pa ay nakabanggaan ko pa si Inigo.

"Ms. sungit anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong niya.

Wala akong sinabi pero umiyak ako sa harap niya.
Tinulungan niya akong tumayo at dinala sa canteen, kumuha siya ng bandade, yelo at alcohol sa clinic.

"Ano bang nangyari sayo Ms. sungit?" Tanong niya ulit.

"Kasi naman bakit ka ba kasi lapit ng lapit sakin yan tuloy yung mga babaeng nagkakagusto sayo binato ako ng bola!" Sagot ko.

Pagkatapos niyang gamotin ang mga sugat ko. Tinignan niya ang kanang braso ko. Jusko pagtingin ko may pasa pa pala ako don.

"Ano ba yan Ms. sungit ang laki ng pasa mo yari ako sa mga magulang mo nito eh"

"Hayaan mo na lang yan. Pupunta muna ako sa office para makapag early dismissal ako"

"Sige sige sasamahan na kita at wag ka ng mag inarte pa"

Pumunta na nga kami sa office at thank God pinayagan akong makauwi. Naalala ko nga pala na hindi kami susunduin ni daddy. Kaya tinawagan ko muna si aubrey para ipaalam na uuwi na ako.

"Hello bes uuwi na kasi ako may nangyari kasing hindi maganda kwento ko na lang sayo sa bahay ha
Mag ingat ka sa pag uwi hindi ka susunduin ni daddy" binaba ko na yung phone.

Habang naghihintay sa labas tinanong ako ni inigo.

"Ms. Sungit may susundo ba sayo?"

"Wala eh, hindi ako masusundo ni daddy" sagot ko

"Sakto sakin ka na lang sumabay!"

"Hala may klase ka pa, wag na kaya ko na sarili ko"

"Ms. Sungit lunch naman namin eh. Kaya sige na"

"Sige pero wag mo na gagawin to ulit ah"

" yes promise!"

Pumunta na kami kung saan naka park ang kotse niya. After 20 minutes nakarating na ako sa bahay nag thank you ako at pinaalis na siya dahil baka mahuli pa siya sa klase niya.

Pagkapasok ko ay agad kong tinawag si Mommy.

"O anak bakit ganyan ang itsura mo? At bakit ang aga mo umuwi?" Tanong niya

"Mommy ayos na po ako nagamot na yung mga sugat ko, pero meron po ba tayong yelo dyan? May pasa pa po kasi ako sa braso"

kinuha na ni mommy ang yelo. Tinawag niya muna si Yaya cha para siya na ang mag gamot sakin dahil may lakad pa si mommy.

Pagkatapos akong gamotin umakyat na ako sa kwarto at nag online. Nag friend request pala sakin si inigo and since tinulungan naman niya ako kanina inaccept ko na siya.

After 1-2 hours dumating na si aubrey. Umakyat siya sa kwarto ko at tinanong kung anong nangyari.

At ang sagot ko ay "Sila stacie kasi pinagbabato ako ng bola"

"Nako yari sakin yang babaeng yan pati mga ka-grupo niya. ano naman daw ang dahilan?" Pagalit niyang sabi. Mukhang gigil na gigil siya kaya pinakalma ko muna siya.

"Lapit daw kasi ako ng lapit kay inigo. Pero Okay naman na ako bes, tinulungan naman ako ni Inigo eh."

"Sabi sayo bes eh marami ka talagang makaka away basta bes pag may nang away sayo ulit sabihin mo lang sakin"

Dumating na sila mommy at daddy kaya bumaba na rin kami ni aubrey para mag dinner....

Walang ForeverWhere stories live. Discover now