Chapter 4

3 0 0
                                    

Habang kumakain nagkakwentuhan sina mommy at aubrey. At hindi nga naman maiiwasan ang pagkadaldal ng bespren ko kaya nalaman pa ni mommy kung anong nangyare kanina.

"Sweetie sino sino yung mga bumato sayo, kailangan natin mareport yang mga ganyan para hindi lumalaki ulo" pagalit na sabi ni mommy.

"Tomorrow me and your mom are going to your school to report those girls" dagdag ni daddy

"Mommy, daddy okay naman na po ako. Wag na lang po natin patulan baka mas lalong lumaki ang gulo" sabi ko para makalma naman sila.

"If that's the case then we won't go just this time. But, once they repeat it we are going to your school wether you like it or not." Dad said.

"Yes. Thank you daddy" sabay yakap sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay nanood muna kami ng Tv ni aubrey.

"Alam mo bes ang haba talaga ng hair mo"

"Hala bakit naman?" Natatawang sabi ko.

"Isipin mo ah, may gusto sayo ang pinaka gwapo at pinaka famous na lalaki sa buong campus. Halos lahat nagkakagusto don!" Sabi niya with matching tingin sa taas.

"Nako wag mo ng isipin yan. Tignan mo bukas hindi na yon lalapit"

Umakyat na kami at natulog. Kinabukasan pagkapasok ko ay merong mga lalaking umaaligid samin ni aubrey.

Syempre na-curious na ako kaya tinanong ko sa kanila kung bakit sila nakaaligid samin.

"Teka bakit ba kayo nakaaligid sa amin ha?"

"Hindi mo ba alam? Bodyguards mo na kami!" Sabi nung isa sa mga lalaki na ang pangalan daw ay Ivan.

Nagulat ako sa sinabi niyang yon kaya inulit ko "kayo? Bodyguards ko? Wait lang ha naguguluhan ako. First things first sino ang nagsabi sa inyo na bodyguards ko na kayo aber?"

"Ako" magulat gulat ako nung makita ko na si Inigo ang nagsabi non. "Bes It doesn't sound like him. Chickboy yan dati" sabi ni aubrey.

"Wait lang ha may klase pa kasi ako siguro next time na lang natin pag usapan o kaya wag na lang." at tumakbo na ako papalayo sa kanila.

After ng Art class break time na so as usual tinawagan ko na si aubrey.

"Hello bes san ka na?"

"Bes dito ako sa may gym dalian mo pumunta ka na dito!" At mukhang maingay doon.

"Ha? Bakit ako pupunta dyan?" Tanong ko. Habang tinatry na intindihin ang mga pangyayare.

"Basta dalian mo!"

At binaba niya na ang phone kaya no choice ako. Pagkadating ko sa gym ay hinatak agad ako ni aubrey sa harapan. At don ko nga nakita sila stacie at mga kagrupo niya na nakaluhod sa harap ni Inigo.

"Ms. Sungit sila ba yung bumato sayo ng bola kahapon?"

Pinalapit ako ni inigo sa kanya at binigyan ng bola.

"Oo sila nga pero teka bakit...bakit sila.." gulong gulo na ako sa mga oras na yon.

"Alam niyo ba na nagkapasa siya sa ginawa niyo sa kanya? Ngayon kayo naman ang dumanas ng sakit"
Sigaw niya kayla stacie.

"Ms. Sungit batohin mo na sila!" Utos niya.

Inakmaan ko lang na babatohin ko sila ng bola para matakot sila pero nung ibabato ko na ay pinagulong ko lang ang mga ito. At pabulong kong sinabi kay stacie...

"I'm not like you" sabay hatak kay aubrey at walkout.

Pumunta na kami ng canteen at bumili na. umupo na kami at kumain.

"Pak na pak yung ginawa mo girl! Tapos ano yung sinabi mo? I'm... I'm... I'm not like you. Buti na lang mabait ka kung ako yon pinagbababato ko yon!"

"Alam mo bes yung mga taong ganyan hindi na pinapatulan. Kasi sa ginawa nilang yon sino ba yung nagmukhang masama? Ako ba? Dba hindi? Atsaka kung pinatulan ko sila. Quits na nga kami pero pareho pa kaming naging masama kaya I just save my reputation." (Pang q&a ang sagot ng lola mo)

"Sabagay. O siya bes mauna na ako ah may klase na ako bye kita tayo mamaya" pagkatapos niya bumeso ay umalis na siya.

Dahil wala na akong kasama naglakad lakad muna ako sa garden. And guess who I've see syempre walang iba kung hindi si (drum roll) Inigo.

"Uy Ms. sungit ikaw pala tara dito dali" hinatak niya ako at pinaupo sa bench.

"Ang bait mo pala" sabi niya sabay ngiti

Grabe muntik na akong mahulog sa ngiti niya. Buti na lang bumalik agad ako sa sarili.

"Pano mo naman na sabi? Eh lagi nga kitang sinusungitan." Sagot ko naman.

"Kasi kanina imbes na patulan mo sila pinagulong mo lang yung bola. Alam mo gusto kita at seryoso ako sayo." Sabi niya.

So ako tumawa at nung tumingin ako sa mukha niya seryoso nga siya kaya nagseryoso na din ako.

Speechless ako. Kaya nung nahalata niya ay nagsalita ulit siya.

"So ano silence means yes. Liligawan kita starting tomorrow" nagulat ako bukas liligawan niya daw ako parang panaginip.

Hindi niya na hinintay ang sagot ko kaya aalis na sana siya pero nagsalita ako. "Uhmm... Inigo bodyguards ko ba talaga yung mga yon?"

"Oo para mabantayan ka kapag nasa klase ako. Maganda ka kasi at alam ko may nagkakagusto sayong lalaki. At para narin sa mga babaeng nagpaplano saktan ka." At Umalis na nga siya.

Nung tumingin ako sa sa relos ko. O to the M to the G late na ang lola mo! Syempre si Ako takbo naman halos magkadapa dapa na ako.

Pagkapasok ko sa room, lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin. Eh kaklase ko sa subject na yon si aubrey kaya binulong niya na bad mood daw si Ma'am Aquino ngayon.

"Ms. Snow 10 minutes ka ng late. Saan ka ba galing?" Pagalit na tanong ni Ma'am.

"Sa Garden po. I'm sorry ma'am I promise this will never happen again." Sagot ko.

Nagpatuloy ulit ang discussion namin. After 164 years de joke. After 1 hour and 30 minutes ay nag dismiss na si ma'am. Lumabas na kami at hinintay na si daddy sa gate.

"Bes wala pa ba si tito?"

"Wait lang bes tawagan ko"

Dinayal ko na yung number ni daddy

"Sweetie I'm sorry I have an emergency meeting. I will make it up to you I promise sorry I have to go love you" at binaba na nga ni daddy ang phone.

"Ano na bes?"

"Hindi niya daw tayo masusundo eh"

"O edi tara na mag abang na tayo ng taxi"

Habang naghihintay kami ng taxi ay may biglang bumusina sa amin...

Walang ForeverWhere stories live. Discover now