C H A P T E R 1 0

181 16 0
                                    

Chapter 10: Feelings For Him

Ashley's POV

Nandito ako sa school garden dahil wala kaming class
May emergency meeting daw. Habang nag papahangin ako may biglang tumabi sakin. Alam kong si Drickzel yan kaya di ko nalang pinansin.

"Oi." tawag niya sakin habang tinutusok yung gilid ko. Di ko pinansin yun. Tinusok niya ulit ako pero hindi ko parin siya pinansin.

"Francheska.... Di mo ba ako kakausapin?" tanong niya. Minulat ko naman ang mata ko at hinarap siya.

"Ano nanaman ba?" tanong ko sakanya.

"May itatanong lang. Ang sungit. Meron kaba ngayun?" tanong niya. Umiling naman ako.

"Sige ano yung itatanong mo?" tanong niya. Bigla namang sumeryoso yung mukha niya.

"May feelings kaba para kay Xander?" tanong niya na ikinagulat ko. Ako may feelings para kay Xander? Meron nga ba?

"Hindi ko alam eh." sabi ko sakanya. Nginitian niya lang ako.

"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Pag may problema kausapin mo ko, baka maka tulong ako sayo." madiin niyang sabi sabay kindat. Argh! Pinikit ko naman ulit ang mata ko. Meron nga ba talaga akong gusto para kay Xander?

~~~~~

Natapos ang meeting ng mga teachers. As usual boring padin ang class. Nakikinig lang ako sa prof. namin.

Break na namin at pupunta muna ako sa room ng mga unnies ko which is katulad ng room ni Xander sa clubbings. Classmates kami ni Xander, Kyle at mga kaibigan niya pero nag chachange kami araw araw ng subjects kaya hindi kami masyadong nag kakausap.

Pag dating ko room ng mga unnies ko, eksaktong palabas nadin sila, kaya lumapit ako sakanila at ginulat.

"Booh!" pang gugulat ko sakanila. Napa sigaw naman si Ate patricia pero ang dalawang unnies ko ay sinamaan lang ako ng tingin. Nag peace sign naman ako. Palakad na sana kami ng mahagip ng mata ko si Xander na may kasamang babae na naka yakap sa braso niya, nag ngingitian pa sila. Bakit parang may kung anong dumurog sa puso ko ng makita ko sila. Tumalikod nalang ako at nag lakad papuntang canteen.

"Oi Ashley! Hintay!" sabay nilang sigaw pero, hindi ko na sila hinintay.

Canteen

Tahimik lang kaming kumakain habang si ate Patricia ang ingay ingay parin kahit kumakain. Sana mabila-ukan siya, Joke! Hehe.

"So kamusta kana Ashley? Okay ka lang ba sa bahay mo?" tanong ni Nerisha Unnie. Tumango naman ako.

"Kung ayaw mo nang tumira doon pwede kang tumira sa dorm namin. Mas maganda don at mag kakasama pa tayo sa iisang kwarto." sabi ni Patricia Unnie. Tch! Ang dal-dal, no offense ah. Nginitian ko lang sila bilang sagot.

Nag hiyawan naman ang mga classmates namin sa di namin alam kong ano ang rason. Dahil may lahi kaming chismosa, naki singit nadin kami. Nagulat ako sa nakita ko ng dumaan ang pitong itlog sa school dito. Nang tumingin ako sa side ni Xander, nakita ko yung babaeng kasama niya sa room.

'Kyaah! Sila naba?'

'Omo! Why so bagay!'

Yan ang ibang hiyawan sa loob ng canteen. Di ko na kaya makita si Xander at yung malanding babaeng palaging umaaligid sakanya. Kaya umalis ako sa canteen ng padabog. Pupunta nalang siguro ako ng rooftop para makapag isip isip.

Nang makarating ako sa rooftop agad naman akong umupo sa isa sa mga bench doon. Malaki ang rooftop dito at pwede kang matulog kapag break time.

Bakit ba umalis ako sa canteen? Nag seselos ba ako? Diba sabi ko sa sarili ko hindi ako pwedeng ma fall kay Xander? Eh ano naman yung kahapon? Sobrang sweet niya kahapon at naging gentleman pa. Puro lang pala yun kasinungalingan. Iniisip ko gusto ko na ba si Xander?

Kyle's POV

Tinititigan ko lang siya sa malayo. Kahit gusto ko siyang yakapin dahil alam kong nasasaktan na siya sa mga inasal ni Xander. Sa totoo lang gusto ko nang patayin si Xander o di kayay ako nalang ang gumanap bilang comforter niya. Sinayang niya kasi si Ashley.

Bigla naman akong dinala sa sarili kong mga paa sa katabi ni Ashley. Minulat niya ang kaniyang mata kaya nag as if akong tulog para di niya malaman na sinusundan ko siya.

"Oi! Bakit moko sinusundan! Stalker kita noh kaya palagi ka lang nandyan sa tabi tabi." pasigaw niyang sabi. Tumawa naman ako ng mahina. Tama ka sinusundan kita.

"Asa ka! Ang gwapo ko para maging stalker mo!" Pag sisinungaling ko sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at tumalikod sakin at pinikit ulit ang mata niya.

Ang sarap niyang asarin. Ang cute niya kasing tignan eh. Pinikit ko na din ang mata ko para mag pa hangin.

Ashley's POV

Nalaman ko na gusto ko na talaga si Xander. Pero alam kong masasaktan at masasaktan lang ako. Minulat ko naman ang aking mata at tiningnan si Kyle. Sana ikaw nalang, pwede kana sana eh.

Mabait, gentleman, boyfriend material, gwapo at sobrang sweet. Kaya lang bad boy. Crush ko yan eh pero wala kasi akong feelings para sakanya. Ewan ko ba kung bakit si Xander pa ang nagustuhan ko sa million million na lalaki sa pilipinas.

"Alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong titigan nang ganyan, baka matunaw ako eh." sabi ni Kyle. Yumuko naman ako para hindi niya mahalata. Nakakahiya, diko alam na ganon na pala ako katagal na tinititigan si Kyle.

"Alam kong kanina mo pa ako tinititigan kaya wag ka nang yumuko diyan." napa pout naman akong lumingon sakanya.

"Wag kang mag pout. Baka mahalikan kita." sabi niya. Hinampas ko naman siya sa braso niya.

"Bili mo nalang ako ng Ice Cream." pa cute kong sabi. Napa buntong hininga naman siya at tumayo at inaya akong bumili ng ice cream sa Park.

Someone's POV

"Nakita mo na ba siya?" nag aalalang tanong ko sa spy ko.

"Oo maam. Nag aaral siya sa KDLU. Kasalukuyang kumakain ng Ice Cream ngayun kasama ang may ari ng may ari ng KDLU." sabi niya. Sa wakas.

Mag kikita na ulit tayo anak. Sana hindi pa huli ang lahat. Kailangan lang ng oras para mag kita tayo. Mabubuo narin ang pamilya natin.

~~~~~

Itutuloy....

Huhu here's the update. 999+ words. 😭😭😭

When It Comes To Love Heart Goes First (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon