EP THREE

8 0 0
                                    

Audrey

"Prinsipe Jusquill, pinapatawag ka ng mahal na reyna" sabi ng isang kawal sa lalaki

"Saglit lang" tugon niya sabay kuha ng kanyang paboritong libro tungkol sa tamang  paggamit ng mahika sa pakikipaglaban

Pumunta siya sa throne room kung saan andoon ang reyna na malalalim ang iniisip

"Mahal na reyna"

Nagulat naman ang reyna dahil andito na pala siya

"Jusquill. Magandang gabi"

"Magandang gabi din po ina. Mukhang may iniisip ka. Mind sharing it?"

Palakad lakad naman ang reyna sa loob ng silid

"Naging aktibo na siya"

"Aktibo? Sino ina?"

"Nagising na ang kanyang kapangyarihan, ngunit hindi pa niya kayang makontrol ito. Kailangan na niyang bumalik upang makapagsimula na siya ng pagsasanay"

"Wag mong sabihin na 'siya' ang tinutukoy mo?"

"Kailangan na natin siyang kunin sa mundong kinalakihan niya"

Lumapit ang reyna sa kanya at nagmakaawa sa prinsipe

"Jusquill sundin mo ang utos ko, kunin mo na siya doon. Ngayon na!" sabi niya habang inaalog ang prinsipe

"Masusunod po mahal na reyn–"

"AUUUUDDDRRREEEEEEEYYYY!!!!!" teka, parang hindi to parte ng panaginip ko ah?

"AUDREY PANGIT! GISING NA! AMBAHO MO NAAAAAA!"

Dahil sa insultong narinig ko, minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang laptop sa higaan at ang aking cellphone na hawak-hawak ko

Patay! Deads iz meh laterz!

Di bale, babatukan ko lang mamaya si asungot. Sa ngayon kailangan kong maligo dahil malelate iz meeeh naaaa!

*****
Riverside Academy
Quadrangle

Ang weird naman ng panaginip ko kanina atleast gwapo ang prinsipe. Hihihi naku Audrey, kahit sa panaginip may mahahanap kang gwapo ang swerte mo talaga

"Hoy ano ang ibig sabihin ng ngiti na yan? Siguro nanalo ka sa lotto no? Tapos bumili ka ng maraming merchandise at libro? Palibre naman bessue"

"Anong libre-libre? Di mo pa nga na sauli ang librong hiniram mo saakin last week at tsaka may iniisip lang ako"

"At ano naman yun aber?"

"Amg weird kasi ng panaginip ko kagabi. May pri–"

"Ang gwapo niya talaga noh?"

"Sinabi mo pa! Parang artista at ang puti pa!"

"Sana wala pa siyang girlfriend no?"

"Sinabi mo pa!"

Hindi ko na natapos ang aking sinabi dahil sa narinig namin

"Ano naman ba ang bagong news? Parang may 'what's hot' ngayon ah"

"Wait lang bessue, check ko lang"

Sabi ni Jamaila sabay kuha ng kanyang cellphone at may tinignan doon

"Ano na?"

"OMG tama ka ng bessue. May bago nga as in bagong estudyante dito sa school"

"Bagong estudyante? Ngayong malapit na ang bakasyon? Seriously?"

Accidentally Met Mr. Fictional [On Hold]Where stories live. Discover now