Ten

8 1 0
                                    

LAST ARROW

[Shinoa's POV]

Front side ng factory ang natapat samin ni Ice. Limang bantay agad ang sumalubong sa amin. They're all demons with third-class weapons. Walang kahirap-hirap kung ikukumpara sa first-class demon weapons na hawak namin. Archery sakin. Katana naman kay Ice. Perfect tandem for long and short range battles..

I let my arrows fly straight through the last demon standing. Immediately, he turned to dust.

Pumasok na kami sa loob at sampu naman ang naghihintay. A wicked smile formed on my lips. Round two na..

************************************

"Shinoa.. May ipapakiusap ako sayo.." sabi ni Ice habang naghahanda kami. Naubos na namin ang mga bantay kanina. Haharapin na namin si papa sa susunod na palapag..

"Sige. Ano yun, Ice?" pero bago pa sya sumagot, may mga kableng biglang pumulupot sa akin at in-secure ako sa isang haligi...

Lumingon ako kay Ice kung parehas ba kami ng kalagayan pero nakatayo lang sya dun at nakatingin din sakin. Walang kableng nakatali sa kanya.

"ICE! Ano 'to?!?!"

"Stay here. Ako ang haharap sa kanya."

"Ano? Bakit?" nagpumiglas parin ako sa mga kable pero mas lalo lang humigpit ang kapit nito sa akin.

"Don't move. You'll just worsen your situation."

"ICE!!! Tanggalin mo nga itong kable! Ice!"

"Hindi, Shinoa. Hindi ka lalaban. Ayokong makalapit ulit sya sayo. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun sayo.."

"P-pero Ice--"

"No! You. Will. Stay. Here." he firmly ordered. Then, he turned and walked up the stairs without a single glance back at me.

************************************

[Ice's POV]

Alam kong masasaktan lang si Shinoa sa oras na magkaharap ulit sila ng papa nya. Naalala ko ang kalagayan nya dati, ilang linggo pa ang binilang bago sya naka-recover.

Gabi-gabi syang binabangungot, sumisigaw at umiiyak. To the point na para na syang traumatized..

Ayokong makita ulit sya sa ganoong kalagayan. I won't put her through that pain ever again.

Naramdaman ko ang isang malakas na presensya sa likod ng isang pinto. Agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang dalawang tao..

Ang isa'y nakatayo malapit sa bintana.

Si Xavier Nero.

Ang isa naman ay nasa sulok, nakaupo sa isang metal chair at walang malay habang nakatali ang mga kamay at paa.

Si Addie...

************************************

Napupuno ako ng galit ngayon. Pero kailangan kong huminahon. Mahirap na, baka madamay si Addie pag nagkataon..

"Muli tayong nagkita, bata. O mas gusto mo sa tawag na Hell Lord..? Hahaha.. Nasaan ang napakagaling kong anak? Ang anak kong tinatawag nyong Angel's Trumpet?" natawa nanaman sya.

"Hindi mo na ulit sya masasaktan pa.." makahulugan kong sagot.

Agad naman nya itong naintindihan. "Hindi mo sya pinalaban? Hahahaha! Isa kang duwag!"

Beginning Of The EndWhere stories live. Discover now