Chapter Ten : First Photo

22 20 1
                                    

Heaven's POV


"Ate! Gising na!!!"

Napaungol ako nang may maramdaman kong yumuyugyog sa'kin.

"Ate? 'Di ka ba gigising?" kinig ko ang boses ni Wynnce na halatang ubos na ang pasensya, iba na 'to manggising kapag ganun kaya kung ayaw kong mabasa ang kama ko ay bumangon na ako.

"Ano ba. 6:21 pa naman pala ah?" Sabi ko nang tinapunan ko ng tingin ang wall clock.

"May naghahanap sa'yo eh." sagot niya. Sino naman kaya?

"Eh sin—"

Nagulat ako ng bigla akong paghahampasin ng unan ni Wynnce saka siya nagtitili na parang sobrang saya niya ngayon."Problema mo diyan?!"
Tuloy pa rin siya sa pag palo.

"Thankyou Ate!" Nagulat ulit ako nang yakapin niya ako. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at masayang tumingin sa'kin.

"Dahil sa'yo,Ate. Mukhang close ko na sila! Ahyiiiie! Ate kaloka!!"

Sinong sila ba yun?!

"Tumigil ka nga diyang babae ka! Sino ba kasi yun?!"

"Aba yung mga kabanda mo—" dahil sa gulat ko ay dali-dali akong bumaba upant tingnan sila sa sala. Nakita ko namang sumunod si Wynnce.
P

ero nasa ika-ilang palapag pa lang ako pababa ng hagdanan eh napadausos ako kaya ayun! Balda ang pwet ko!


"Aray." Sabi ko't tumayo hinihimas yung balakang ko.

"Hindi ka kasi nag-iingat Ate. Tss!" Kinig kong sabi ni Wynnce.

Pero agad nawala ang atensyon ko sa balakang ko ng may makinig akong mga impit na tawa.
"pfft."

Unti-unti kong nilingon ang ulo ko at nanlaki super ang mata ko nang makita ko yung apat kasama si Hurricane. Kasama din nila si Collin. Nag-uusap ata sila pero mukhang naagaw ko ang atensyon nila at halata rin sa mukha nila ang gulat,at napatayo sila dahil doon.

Nakatitig lang sila sa'kin at ako naman 'tong nagpumilit na ngumiti kahit Awkward. "Hi?" Patanong na bati ko at kumaway pa sa kanila.

"Ate. Mag-ayos ka muna. May panis na laway ka pa yuck eww." para akong pinamulahan ng mukha nang bumulong sa'kin si Wynnce. Kaya dali-dali ulit akong tumaas at nag-ayos.


Gulo-gulo buhok ko kanina jusko,tapos nakapantulog pa ako, tapos oo! Nakakahiya as in pakshet to the moon and back! May panis na laway ako sa bibig kanina! Kainis! Hindi naman natulo laway ko pag tulog ah? Tsaka sinadya ba 'to ng tadhana? Nakakahiya!!!

Hindi na ako nag-ayos ng sobra dahil at sinuklay ko na lang ang buhok ko at ni Pony Tail. Yung Paramore na T-shirt yung nahablot ko kaya yun na sinuot ko. Tapos nag luna pants na lang ako.

Bumaba na ako at naabutan ko silang kumakain sa sala. Aba't Jollibee na naman? Dala siguro ng mga 'to. Ayun at nagtatawanan sila kasama yung dalawa kong magaling na pinsan. Wala si Tita,nasa trabaho niya.

Black Inconation(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon