Chapter Three : The Audition

49 18 0
                                    

Heaven's POV

Umupo ako sa kama ko at nagbuntong hininga. Sigurado na ba talaga ako?

Bukas na ang audition, kaya ko ba talaga tumugtog? Hindi pa ako handa.

Tumayo ako at kinuha ko ang gitara ko na nasa ilalim ng kama ko. Umupo ulit ako at tinanggal ito sa lalagyan nito. Tinitigan ko lang ito. Kahit sarili ko ay parang hindi ko na kayang pagkatiwalaan.

Humiga ako ng padabog at ginulo gulo ang aking buhok. Aish! Bahala na nga!

.

.

Pag-gising ko kinabukasan ay dumiretso na ako sa banyo sa kwarto ko, since napaayos na ang shower nito.

Nagbihis na rin ako pagkatapos ko maligo. Iniwan ko ang bag ko sa locker ko kahapon dahil dadalhin ko ang gitara ko ngayon. Nasa harap ako ng salamin at kita ko ang repleksyon ng gitara ko dito na nakapatong sa aking kama. Kinuha ko ito at inilagay sa kanyang lalagyan. Isinakbit ko ito sa likod ko.

Tutugtog ako , kakanta ako, kaya ko 'to.

Napabuntong hininga na lang ako at bumaba na. Nagulat ang mag-iina nang tumayo ako sa harap nila, kumakain na sila.

"Tita."nginitian ko ito pati na si Wynnce at Collin.

"T-tutugtog ka na,Heaven? S-sigurado ka?Hay Jusko po!"sabi ni Tita na hindi alam ang gagawin, bakas sa mukha niya ang pagkagulat at may halong saya.

Tumango ako."Yes Tita, may audition sa schoo—"

" Naks! Sabi ko sa'yo Collin eh!" Napatingin ako kay Wynnce na siniko pa si Collin, napatawa naman kami doon.

"Ate Heaven! Nako sigurado kaming matatanggap ka doon! Okay! We will be there later , Ate!" napangiti ako sa sinabi ni Collin.

"Sige baaaa! " nag apir ang mag kapatid at napasabi ng "Yes!"

"Mabuti naman Heaven, sana makuha mo na ang pangarap mo,'wag kang panghihinaan ng loob okay? I'm sure that your parents will be proud of you" nakangiting sabi ni Tita na agad na nawala nang makita ang reaksyon ko.

"Tita i'm sorry, but I think, they will not."sabay pekeng ngiti ko. "Alis na po ako! Sa school na po ako mag-aalmusal!"

Sabay takbo ko palabas ng bahay.

"T-teka Heaven!"nakinig ko pang tawag ni Tita pero sinarado ko na ang Gate at naglakad palabas ng subdivision namin.

Nag commute na ako papuntang Twin Academy. Ngayon ko lang din napansin ang tarpaulin na nakalagay sa taas sa tabi ng gate ng Twin Academy, nandoon ang bandang Black Inconation. Ang gagwapo talaga nila.

Pagtapak na pagtapak ko sa Twin Academy nakaramdam ako ng magkahalong kaba at saya.
Dito na ba talaga ako sa Twin Academy?

...

"Woah. Mag Au-audition ka Heaven?"

"Ang cool mo pag may Gitarang nakasakbit sa likod mo!"

"Susuportahan ka namin,Heaven!"

Bigla akong natuwa dahil pagkapasok ko pa lang sa class room ay ito agad ang nabungad sa'kin. Nginitian ko sila. Ang saya lang dahil suportado pala ang ilan kong kaklase sa'kin. Pero may ibang nagsabi, pa-cool daw ako, sigurado daw hindi ako matatanggap. Pero di ko na pinansin yo'n, nilagay ko na lang muna ang gitara ko sa may unahan kung saan malapit sa table ni ma'am at dumiretso na sa upuan ko.

Black Inconation(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon