Chapter Eleven : Videoke with Hurricane

21 19 1
                                    


Heaven's POV

Pagkatapos nang kulitan at kwentuhan namin ay umalis na yung apat. Nagpupumilit ngang sumama si storm sa'min kaso pinapagalitan siya ni hurricane kesyo oras daw namin yun.
Si wynnce at collin ay kasama namin. Sa ngayon ay nagbibihis na ako para pag-alis namin. 10:45 am na.

Nasa baba si Hurricane at naghihintay.


Plain v-neck black shirt at Jeans lang ang suot ko plus White Sneakers.


Nag Pony-Tail na lang ako at nagpulbo at naglagay ng konting pabango,pagkatapos ay bumaba na ako, andun pa din si hurricane at may kinukutingting sa cellphone niya. Nauna pa pala ako magbihis dun sa dalawa.
"May Gig pala kayo bukas. Sasama ka?"bigla ay tanong niya nang makaupo ako.

"Gig? Wala pa naman silang nasasabi sa'kin."

"Hintayin mo na lang sasbaihin din sa'yo yun"

"Ready na kamiii!" Napalingon kami parehas sa Kambal ng sumigaw si Wynnce, ang cute ng suot niya. Naka red skirt siya at fitted na floral top na naka tack in sa skirt niya. Tapos naka wedge sandals siya na nasa 3 inches ata ang taas. Tapos nakalugay ang buhok niya.

Habang si Collin ay nakapantalon lang at Polo Sleeve tapos nakatupi hanggang siko niya.


They are so cute!


"Woooow. You're so Cute! Oh! Twin Goals! Shocks!" Sabi ni Hurricane na napapapalakpak pa at napapatalon.

"Thanks, ate." sabay na sagot nung kambal.

Napataas ang dalawa kong kilay at binigyan sila ng What's-the-Matter?-Look nang tinitigan nila akong tatlo.


"You are plain." Hurricane while looking at me head to toe.

Naka mint dress kasi siya tapos 4inches heels. Naka Messy Bun.

Tiningnan ko ang sarili ko.


"What if magpalit ka Girl? Ang plain talaga eh." Hurricane said as she crossed her arms.

Umiling ako at hinarang ang kamay ko as a sign of ayoko.
"Umalis na tayo. Ayoko." Natatawang sabi ko.

Nagbuntong hininga siya at wala din namang ibang nagawa kundi pumayag. Nasa labas pala ang kotse nina hurricane at may driver din pala, ihahatid kami.

Wala pang 30 minutes nang makarating na agad kami sa Mall. "What do you want to do first, Guys?"

"Kain?" Ako.

"Play."

Napalingon kaming dalawa dun sa kambal. At yun nga, pumunta kami sa play station dito sa mall. 5 pesos per token at nagpapalit kami ng 200 pesos so may 40 tokens.

Kumuha ako ng 5 Tokens at ganun din si Hurricane. Ibinigay na namin dun sa dalawa ang natira. Nagtuturo yung kambal at hanggang sa makita nila yung Toy Machine. Gaaaawd, akala ko ang mature mature na ni Collin pero hindi pa pala-,-

Black Inconation(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon