INTRODUCTION
Siya ang dahilan ng bawat ngiti sa labi ko. Siya rin ang dahilan ng mabilis na tibok ng puso ko na kulang na lang ay lumabas ito sa katawan ko. Siya ang dahilan ng mga wirdong paru-paro na tila lumilipad sa tiyan ko. Siya ang dahilan ng mga gabing halos hindi ako makatulog. Noong una, akala ko normal lamang at ordinaryo ang nararamdaman ko pero napakamanhid ko para 'di malamang pag-ibig na pala 'to. Pero paano? Imposibleng maging kami kasi kaibigan lang naman ang turing niya sa akin. Pero paano kung malaman niya 'to? Naku hindi maaari. Ayokong ipaalam sa kanya pero makokontento na lang ba ako bilang isang "bestfriend" kahit walang minuto ang lumipas na hindi ko siya iniisip? Kahit wala akong ibang gustong makasama habang-buhay kundi siya lang? Hindi naman pala kasi talaga magaling na archer si Kupido. Pamali-mali pa kung pumana. Tingnan niyo tuloy nainlove ako sa bestfriend ko---sa bestfriend ko na iba naman ang itinitibok ng puso, hindi ako :(
Chapter 1
Nasa ikatlong taon kami ng high school noon nang makilala ko siya. Unang araw ng klase at walang tigil ang buhos ng malakas na ulan. Uwian na at hinihintay ko ang sundo ko. 10..20..30.. 30 minuto na akong naghihintay ngunit hindi parin ito dumarating. Naiinip na ako at gusto ko na sanang lumabas sa gusali ng paaralan pero wala pala akong payong. Naghintay muli ako ng 30 minuto ngunit wala parin ito. Wala nang masyadong tao at dumidilim na rin ang paligid. Patuloy pa rin ang buhos ng malakas na ulan. Gusto ko nang umuwi. Tatakbo na sana ako palabas nang biglang may humigit sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng parehong uniporme ng paaralan namin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Iniabot niya lang sa akin ang payong na hawak niya.
"Malakas ang ulan. Baka magkasakit ka." sabi niya at saka tumakbo papalabas.
Oo nga. Malakas ang ulan. Baka magkasakit ako. Pero hindi niya ba naisip na baka siya naman ang magkasakit? Ni hindi man lang pala ako nakapagpasalamat. Hindi bale. Baka bukas magkita ulit kami. Pareho lang naman kami ng pinapasukan.
Chapter 2
**Do you ever feel like a plastic bag drifting through the wind wanting to start again?
Gusto ko pa matulog.. Mamaya na ako babangon. Ang lamig lamig pa.
**Do you ever feel you're so paper thin like a house of cards one blow from caving in?
Teka nga lang sabi. Ang lamig lamig pa oh. Ang sarap matulog. Kahit 5 minutes na lang -__-
**Do you ever feel already buried deep 6 feet under? Screams but no one seems to hear a thing. Do you know that there's still a chance for you. 'Cause there's a spark in you and you just gotta ignite the light and let it shine. Just own the night like the 4th of July!
FIREWORKS!! Sige na babangon na. Sa susunod hindi na talaga ako mag aalarm. Istorbo tsk. Pero gusto ko alarm tone ko ngayon. ^___^ Hay. Buti naman tumila na ang ulan. Maganda ang panahon ngayon kaya kailangan ko nang magready paschool kasi hindi maganda kung mali-late ako :-)
Pagdating ko sa school ay halos karamihan sa mga classroom na nadadaanan ko ay maingay. Pagpasok ko naman sa room namin ay ganoon din. Ay oo nga, 1st week of classes kaya wala pa yung ibang teachers. Sa sobrang ingay ng mga kaklase ko ay nagdecide akong lumabas muna at maglakad lakad habang nakaearphones. Soundtrip ^__^
Lakad.. lakad.. lakad.. Hindi ko napansin na nasa labas na pala ako. Naupo ako sa isang concrete bench malapit sa garden ng school. Hindi lang naman pala ako ang nasa labas. Tanaw na tanaw ko ang ibang students sa canteen at sa quadrangle. Ang ganda ng garden dito. Alagang alaga ng mga agronomy students. Buti na lang walang masyadong tumatambay dito. Tahimik. Pwede akong kumanta ^__^