II.

11 0 0
                                    

"GUYS!!" Pareho kaming nagulat nang sumulpot sa harapan namin si Kina. Nakangiti siya nang malapad.

Uh-oh....

Maya-maya'y umupo siya sa GITNA NAMIN. Todo urong naman kaming dalawa. 

"Kayo ah, nandito lang pala kayo. Ammp! Hinahanap ko kayo eh." Nag-pout pa siya na parang bata. 

"May-----"

"Ahaha! N-naabutan kasi ako dito ni Nathan, eh hindi pa ako nakakabati sa kanya, ang d-dami kasing tao kanina kaya hindi na ako nakipagbakbakan pa." Palusot ko. Nakatingin silang dalawa sa akin. Pero unang umiwas nang tingin si Nathan, nakakunot ang noo niya.

"Ahh, okay. Teka, baby I'm sure gutom ka na. Let's eat?" Umiwas ako ng tingin sa kanila. It's a boyfriend/girlfriend thingy, hindi ako dapat sumingit. "Samahan mo kami bessyy!" O__O Kasasabi ko lang na di ako dapat sumingit eh.

"H-ha? Naku, isasama mo ako? Magmumukha lang akong chaperone niyo noh. Baka sabihin yaya pa ako ng isang brat na katulad mo!" Pang-aasar ko kay Kina.

"Aish! Bad bestfriend! I'm not brat, I'm just cute." Then she smiled. 

"Brat ka, adik! Alam mo, umalis na kayo, pakainin mo na tong... tong si Nathan m-mo. Baka nagugutom na nga. Baka kainin ka niyan." Biro ko pa. Para akong nauubusan ng hininga. Tas ang init pa ng paligid. Ugghh!!! Ba't ganito!? It felt like I was trapped in a box!

"Hindi ako kakainin niyan noh. Love ako niyan ee. Dibaaa?" Tas hinila-hila niya yung pisngi ni Nathan. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Lalo na nung tumingin sa akin si Nathan. 

"O sha. Tara na baby." Aya ni Nathan. Medyo mababa yung tono ng boses niya. Tumayo siya atsaka hinila si Kina sa kamay. Pagkatapos ay sabay silang naglakad palayo sa lugar na iyon. Naiwan na naman akong nag-iisa. Hay.. 

Naiinggit ako kay Kina. Nahahawakan niya ang kamay ng lalaking pinapangarap ko. Nahahalikan niya ang pisngi na minsa'y pinangarap kong lapatan ng labi ko. At higit sa lahat, nararanasan niya ang pagmamahal na muntikan nang maging akin pero dahil sa kaduwagan ko, ay.... ayun.... nawala. </3

If I was just brave enough that time! Masaya na sana ako ngayon. :(

Minsan naisip ko. Ano kayang nagustuhan sakin ni Nathan? I mean, hindi ako katulad ng ibang babae diyan na masasabi mo talagang diyosa. I'm a simple girl. Nabubuhay sa tulong ng pulbo lang, suklay, at pabango. Wala akong kung anu-anong bracelete. Wrist watch atsaka dalawang hair ties na mukhang telephone wire lang. Minsan clumsy pa ako. I don't know what got into his mind para tangkaing ligawan ako noon. Minsan nga naisip ko, baka pinagtitripan lang niya ako eh. Gwapo kasi siya, simple lang ako. Ano sa tingin mo ang iisipin ng tao diba!? "Sus, trip lang ni Nathan yan." "He's just using her." "Hindi siya bagay kay Nathan." 

Minsan naman, naisip ko. Ano kayang nagustuhan niya kay Kina? Yes she's cheerful, funny, kind, sweet, and pretty. Pero ano yung katangian niya para mahulog sa kanya nang ganoon kabilis si Nathan? Ang alam ko kasi hindi bumibigay nang basta-basta si Nathan kahit gaano kaganda ang isang babae eh. Masungit nga yan pagdating sa babae eh. Teka, ang dami ko bang nalalaman tungkol kay Nathan? Haha! Yan ang nagagawa ng araw-araw na pagtitig mo sa taong mahal mo pero hindi mo maabot-abot. Namememorize mo lahat ng kilos niya, lalo na ang mukha! Memorize na memorize na.

Anong oras na ba?? Tsk! Makauwi na nga tutal tapos na naman 2nd day ng intrams eh. Tsaka wala na rin naman akong gagawin dito. Wala naman akong makakausap. Si Kina, ayun, kasama ang boyfriend niya. Magmumukmok na lang ako sa bahay. 

I stood up. Para akong batang umalis sa lugar na iyon. Nakatingin ako sa sapatos ko habang sinisipa lahat ng madaanan kong bagay.

"Damn!!!" Sigaw ko sa inis. Di sinasadya, napalakas ang pagsipa ko sa isang bato.

I Fell in Love with my BFF's BF. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon