III.

3 0 0
                                    

"And now. Our University's Intramurals 2014 is officialy closed. Good day everyone!" Ang last words ng chancellor ng university namin. Naghiyawan lahat ng mga tao. Kasabay niyon ay ang pagwagayway nila ng mga balloons na may iba't ibang kulay at shape. Ang boring ng 3rd day ng Intrams namin sa totoo lang. Parang hindi naman ganito last year? Or... boring lang kasi di ko kasama si Kina? Hays... Dapat pala nag-stay na lang ako sa bahay. Loner tuloy ako ngayon. 

"NA-THA-NIEL! NA-THA-NIEL! NA-THA-NIEL!" Sigaw ng men's volleyball team habang buhat-buhat nila si Nathan. Bakas naman sa mukha ni Nathan na masaya siya kasi ibinigay na sa kanila yung award nila at siya yung umakyat sa stage kanina para tanggapin yun. 

Teka, siguro nandun si Kina? Mapuntahan nga. Ay, kaso... baka mag-celebrate yun. Syempre masaya rin yon kasi natanggap na ng boyfriend niya yung award ng team nila. Psh. Uuwi na lang talaga ako.

Sumakay na ako sa jeep. Habang nasa biyahe. Bigla kong na-realize na parang ang lungkot ng araw ko ngayon. Namiss ko agad si Kina. Simula nung nagka-boyfriend siya, naging madalang yung pagbobonding namin. Ganun ba talaga pag nagkaka-boyfriend?? Tsk. NBSB kasi ako eh. -.- 3 months pa lang sila ni Nathan. Mas lalong nabawasan oras namin sa isa't isa dahil sa pag-iwas ko. Pag magkasama sila ni Nathan, humahanap ako ng reason para makaalis. Kesyo may emergency, may gagawin, at kung anu-ano pa. Ang awkward lang kasi talaga kapag nandyan si Nathan. Tsaka... nagseselos kasi ako. :( 

Ang sabi ng iba... "Anong karapatan kong magselos? Eh wala namang 'kami'?" Tss. Bakit? Kailangan bang may "KAMI" bago ka makaramdam ng selos? Di rin uy. Di naman kasi maiiwasang magselos kapag natuto kang magmahal. Lalo na kung yung mahal mo eh gwapo tulad ni Nathan. Yun nga lang, ang disadvantage ng walang relasyon ay wala kang karapatang ipaalam sa kanya na nagseselos ka ng bonggang-bongga kasi... kasi nga walang 'KAMI/TAYO'. All was left for you to do is just... just get jealous till' you die.

"Para po, kuya manong mang driver!" Napasigaw ako nang mahagip ng mata ko ang mall. Pagbaba ko... agad kong tinanong sarili ko... "Bakit ako nagpara?" --___-- Actually hindi ko alam kung ba't ako biglang nagpara eh. Pero sige, dahil nakababa na ako. Papasok na lang ako. Mag-uunwind ako mag-isa. 

Pumasok na ako sa loob ng mall. Hindi ganoon karami yung tao ngayon, ewan ko kung bakit. Gumala-gala lang ako sa loob. Nagwindow-shopping lang ako tas bumili ako sa chatime, strawberry slush. Yung large ang pinili ko para matagal bago maubos nang hindi naman ako magmukhang kaawa-awa dito sa pag-iisa ko. Napadaan ako sa harap ng National Book Store. Naalala kong ubos na pala yung pages ng filler ko. Wala na akong pagsusulatan ng susunod na lessons namin. Makabili nga muna!

So ayun, pumasok ako sa loob at hinanap kung nasaan yung fillers. Hindi na nga ako ulit magda-drawing sa likod ng notebook ko! Nauubusan ako ng page eh. >.< Nang makita ko naman iyon ay kumuha agad ako ng dalawang pack. 3 fillers each pack iyon. Nang makakuha ako ay pumila na ako sa counter.

"Aaaaaahhh! Ang gwapo!"

"Papicture kami kuyaaaa!"

"Shet. Ang gwapo!"

Narinig ko yung hiyawan ng mga babae sa kung saan. Tumingin ako sa likod at nakita ko sa may books section ang kumpol ng mga babaeng ang lilikot kumilos. May mga tumatalon sa tuwa, may kilig na kilig habang nakatingin sa cellphone niya, yung iba naman halos mapunit na yung bibig sa sobrang laki ng ngiti. Srsly? Ba't sila nagkakaganyan? -.-

Maya-maya, dahan-dahang nahawi yung mga babae at mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isang... gwapong lalaki. Teka... si Jester yun ah!? 

"Kuya Jester ang gwapo moooooooo!" Sigaw ng isang babae. Nginitian naman siya ni Jester. Yung ngiting malandi!! Mamatay-matay naman sa kilig yung babae. ---____--- Sikat pala tong isang to? Psh. In fairness ah, gwapong-gwapo pa rin sila kay Jester kahit na may band aid sa noo nito. :3 Okay, alam kong kasalanan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell in Love with my BFF's BF. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon