048 | i know ft. vmin

1.2K 50 37
                                    

KNBB pt. 1 🔥

❌❌❌

[Playing: I KNOW by JK & RM ❤]

  "Bakit ba karamihan sa mga lalaki.. manloloko?" panimula ni Jimin at nagbuntong hininga.

  Napatingin sa kanya si V na may kunot ang noo.

  Nasa playground sila. Nakaupo sa swing.

  "Kasi karamihan sa mga babae, paasa," aniya V at binigay ang bote ng tubig kay Jimin. Tinanggap naman niya agad ito at ngumisi.

"Bakit kasi hindi kayo marunong
maghintay?"

  "Natatakot kasi kami na mawala pa kayo," seryosong sabi ni V na nagpakilabot naman sa mga readers.

  Napatungo si Jimin. "Hindi naman kayo gumagawa ng effort.."

  "Gumagawa kami pero binabalewala niyo," singhal nang binata.

  Tinignan rin siya ni Jimin. Hindi nila namalayan na nagtitigan na pala sila. "Ba-bakit parang lagi nalang kami ang mali?"

  Umiwas agad ng tingin si V at nagsalita. "Dahil ang aarte niyo. Nirerelate niyo ang buhay niyo sa mga teleserye. Magising kayo sa realidad!" asik nito at napapadyak.

  "Nagpapakatanga na nga kami para sa inyo tapos kayo 'tong nakukuha pang maghanap ng iba," may diin na sabi ni Jimin.

  "Hindi kami naghahanap, nagkataon lang na kusa silang dumadating sa mga panahon na nagtatampo kayo sa walang kwentang bagay," pagmamatigas naman ng binata.

  "Nagtatampo kami kasi gusto namin ng lambing," pabebeng sabi ng dalaga.

  Napatingin si V sa kanya na parang sarkastikong nagulat. "Nilalambing namin kayo pero puro kayo
pakipot. Paggalit kami, mas galit kayo. Ha!"

  Napa-pout ang dalaga na si Jimin.
"Syempre, babae kami. Intindihin niyo 'yun."

  Nangibabaw ang katahimikan sa kanilang dalawa. Maggagabi na. Malamig na ang simo'y ng hangin dala ng malalapit na pasko.

  Napatingala si Jimin at tinignan ng maigi ang buwan na tumatama sa kanila. Napahawak ito sa kanyang mga braso. Napatingin naman agad ito kay V ng may kung anong bagay na inaabot sa kanya.

  "Oh ito jacket. Suotin mo para hindi ka ginawin," asik nito na hindi tumitingin sa kanya. "Pa-short short at pa-sleeve sleeveless pa kasi. Eh kung mabastos?" bulong ni V na narinig naman ni Jimin.

  Napangiti ang dalaga. "Salamat. "

  "Lalaki kami, Jimin. Intindihin niyo rin yung side namin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan namin kayo."

  Eto na naman uli tayo. Bulong ni Jimin sa sarili. Akala na naman niya na panalo na naman ang babae sa usapan pero biglang bumanat na naman si V.

  "Hindi nyo ba alam na araw-araw namin kayong iniiyakan, ha V? Pero anong ginagawa nyo? Sumasama sa barkada at nagpapakasaya na parang walang pakialam."

  "Wala kasi kayong alam. Pag nasasaktan kayo, mas nasasaktan kami lalo na pag kami ang dahilan nun. Hindi na namin kailangan
pang ipakita ang luha namin sa inyo dahil nakakabakla 'yon. Sa barkada lang namin nailalabas ang mga bagay na 'yon," asik ni V na nakatingin pa rin sa baba.

  Napakunot ang noo ni Jimin at parang nagtatanong sa sarili. "Bakit? Kasi natatakot kayong ipakita 'yang luha n'yo?"

  Napatingin si V sa kanya. Malungkot ang tingin nito na nagpakaba naman kay Jimin. "Ayaw kasi naming maging mahina sa paningin niyo. 'Yun kasi ang gusto niyo diba? 'Yung lalaking matapang. Kaya minsan, hindi na rin namin naipapakita yung totoong kami dahil mahal namin kayo."

  Dahil sa mga linyahang sinabi ni V ay biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jimin. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya dala ng kaba, takot, at lungkot pero nangingibabaw pa rin ang kilig sa mga ugat niya.

  "Mahal niyo kami?" ulit nito sa sinabi ni V. "Bakit hindi niyo maiparamdam?" pa-utal-utal na sabi ni Jimin.

  "Ayaw niyo kasing paniwalaan," banat ni V.

  "Kasi hindi niyo pinapatunayan."

  Napangisi si V sa kanyang narinig  "Gusto mo patunayan ko?"

  "Oo. Kung kaya mo," nakangisi rin na usal ni Jimin.

  "Pumikit ka," utos nito.

  Pumikit si Jimin. Ilang segundo ang lumipas ay tumayo na si V at lumuhod sa harap ni Jimin. Niyakap ni V si Jimin na ikinabigla naman nito.

  Napadilat ito kasabay nang paghalik ni V sa noo ng dalaga.

  At matapos nung ay bumulong ang binata sa tenga nung dalaga.

  "Mahal na mahal kita.. Jungkook."

  Nyek.

BANGTAN PORNEBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon