Camille's POV
2 months na ko dito sa ospital. Wala naman akong ibang magawa kundi ang makinig sa radyo. Minsan kausapin ang nurse ko na nagbabantay na bihira ko lang din kausapin. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino. Ayoko. Ayokong mapalapit ang loob ko kahit kanino. Takot na akong humarap o makipagkaibigan kahit kanino. Kahit yung mga dati naming kaibigan, wala na. Kahit minsan hindi sila dumalaw. Yung mga magulang ko, wala din. Ganun ba sila kagalit sa akin para kalimutan na lang ako basta basta?
"Goodmorning sa aking napakagandang pasyente. Heto na ang breakfast na dala ko. Kainin mo to ha, ubusin mo para makalabas ka na agad." rinig kong sabi ng nurse ko.
"Alam mo, magaling na ko Mr. Nurse. Kaya pwede ba, pauwiin niyo na ako." sabi ko naman. 2 months na ko dito. Bulag lang naman ako, di naman ako lumpo o ano.
"Alam mo Prinsesa Camille, utos ito ng Doctor mo. Marami pang test na dapat gawin para malaman if makakakita ka pa nga ba ulit."
"Hayaan niyo ng ganito ako. Dalawang buwan naman na akong walang nakikita. Sanay na ako. Tska mas okay na yung bulag ako habang buhay. Ayokong may nakikita na pwedeng magpa-alala sa akin ng lahat ng sakit."
"Huwag mong sabihin yan Prinsesa Camille. Masaya ng may nakikita ka. Masarap sa pakiramdam na makikita mo yung mga taong nagmamahal sayo." nagpapatawa ba tong ugok na to?
"Nagmamahal sa akin? Asan? Kahit nga ni minsan hindi ako dinalaw nila Mama at Papa pati mga kaibigan ko dito. Anong pingsasasabi mo jan?" iritable kong tanong sa kanya.
"Haay nako Prinsesa Camille, wala ka kasing nakikita. Dumadalaw sila. Tulog ka lang siguro kaya di mo alam. Laging nandito yung babaeng may blonde na buhok na chinita na mukhang koreana. Louise ba yun? Yun kasi pagkaka-alala ko." dinadalaw nila ako? Ibig sabihin, mahal nila ako at hindi sila galit?
"Totoo ba yan? Baka naman niloloko mo lang ako ah." tanong ko sa kanya.
"Wait lang may mga sticky notes dito eh. Babasahin ko isa-isa ha." sticky notes?
'Dearest Camz, yow bruh. Nakakainis ka. Lagi kang tulog tuwing nadalaw ako. Siguro naman alam mo na yung balita kay Henry? No one's blaming you for what happened to him. We understands you. I'm sure if buhay pa si Henry, he'll understand. Natakot ka lang sa responsibilidad. We get that. Pagaling ka na. Miss ko nang kumain ng Taco with you na madaming hot sauce. Lovelots, Luisa.' mygosh. Naiiyak na ako.
"Meron pa dito. Gusto mo pa ba magbasa ako?" tumango ako bilang sagot sa kanya.
'Hoy babaeng maganda. Pagaling ka. Gusto na kitang kasama magshopping at super OA na nitong si Coleen. Tuwing nadalaw kami dito, iyak ng iyak. By the way, It's been more than a month na. Huli ka na sa balita kaya humabol ka. Hahaha. Miss you crazy bitch. I love you so much. -Valeen- '
"Isa pa?" tanong ulin nung nurse.
"Yes please. Pero may note ba jan si Mama? or si Papa? Pwedeng yun na lang?" sabi ko. Huminga naman ng malalim yung Nurse.
'Anak pagaling ka agad ha. Alam kong hindi ka na nakakakita pero gagawa kami ni Papa mo ng paraan para makakita ka na ulit. By the way anak, buntis ako. Magkakaroon ka na ng kapatid. Pag galing mo, gusto ko ikaw ang mag-alaga sa kanya ha. Pasensya kung bakit di kami nakakadalaw sayo. Mahirap mag-isa. Wala ang Papa mo at nasa ibang bansa para asikasuhin yung negosyo. Mahal kita anak. Salamat sa Diyos st di ka niya kinuha sa amin. I love you anak. -Mama-'
Hindi ako makapaniwala, akala ko wala silang paki-alam sakin. Akala ko galit silang lahat dahil sa nangyari kay Henry. Bakit ba kasi ako palaging tulog pag may dumadalaw? Ou nga pala, kasi tinuturukan ako ng sedatives para kumalma ako. Minsan kasi talagang super nagbre-break down ako.
YOU ARE READING
Gone: Happy Ending! (Slow Update)
FanfikceWalang permanente sa mundo. Lahat ng bagay pwedeng mawala. Pero posible pa ba na maibalik ang mga bagay na wala na o dapat bang tanggapin ang mga bago na pwedeng dumating?