Chapter 1: Half Korean.... Half GWAPO!

67 0 2
                                    

CHAPTER 1

"Welcome to your new home anak." salubong sa akin ni Appa pagkadating namin sa bahay.




Malamang bahay namin! New home nga di ba?




Dito sa bahay na ito na nga ako titira simula ngayon. Higit na mas malaki ito kaysa sa bahay namin sa Seoul. Oo, sa Seoul.. Doon ako pinanganak at pinalaki. Korean si Eomma at Filipino si Appa. Kaya Half Korean.. Half GWAPO ako! 




May beauty salon si Eomma sa Seoul at hindi niya maiwan-iwan to kaya naman doon na kami tumira. Si Appa naman umuuwi-uwi siya dito sa Pilipinas dahil sa mga business niya. May-ari lang naman siya ng mga sikat na hotels dito sa Pilipinas. Balang araw, ako na raw ang mamamahala ng mga yon. NO CHOICE! Ako panganay eh!




Dalawa lang kaming magkapatid. I have a younger sister... Half Korean.. Half MAGANDA!. Wag na kayong magtaka! It's in the blood! Hahahahaha. 




Nagtataka siguro kayo kung bakit ang galing kong magsalita ng Tagalog no? Syempre tinuruan din kami ni Appa. Ayaw niya na puro Korean lang kami. Sinigurado pa rin niya na marunong kaming mag-Tagalog at syempre mawawala pa ba ang English?.




Bakit ako nandito sa Pilipinas? Simple lang... Dahil kay Appa! Gusto niya na magpaka-Pilipino naman ako. He thinks that I am into Korean na lang kasi. (conyo) Well, why not try being a Filipino? I think it'll be amazing!




I hope so. :) 




*Ggrrruu-ggrrru-ggrrruuu*


Hulaan niyo kung saan galing ang tunog na yan.


Saan?



OO! SA TIYAN KO! GUTOM NA AKO EH!



"Appa! Baegopa." Sabay himas ko sa tiyan ko. 

(AN: Translation-- "Dad! I'm hungry.")



"Nasa Pilipinas ka na anak kaya mag-Tagalog ka."



"Aish! Okay. Gutom na po ako Appa."



Shower of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon