Chapter 8
Jeno's POV
"Saan ka galing?" Yan ang bungad sakin ni Appa pagkarating na pagkarating ko pa lang sa garahe.
"Diyan lang sa tabi-tabi Appa"
"Sobrang saya mo ba talaga na nabigyan ka ng motorsiklo anak at bakit kung makangiti ka pa rin abot hanggang tenga? Hindi ka man lang ba nangawit ngumiti? Grabe lang anak! Umalis kang nakangiti at hanggang sa pag-uwi mo ngiting-ngiti ka pa rin?"
"Ako?! Nakangiti?!!!"
Ngumingiti ba ako?
"Hindi! Hindi! Hindi ka nakangiti! Yung motor mo ang nakangiti! Grabe nga ang ngiti niya oh!"
"Your lips might rip! You smile too much! Ugh! It's creepy!"
At ang maarte kong kapatid bigla-bigla na namang sumusulpot!
"Hoy ikaw maarte kong kapatid! Ang ngiti ko eh hinahanap-hanap ng mga kababaihan! Hindi mo ba alam na ang ngiti ko kaya ang pinakagwapong ngiti sa buong mundo!"
"Seriously?! Gwapong ngiti? Does it even exist? Well, I'd rather die than see such smile! That's so creepy! Ugh!"
At talagang akala mo naman ipis na kinaayawan ng lahat ang gwapo kong ngiti kung makareact tong kapatid ko!
BINABASA MO ANG
Shower of Tears
Teen FictionSi Jeno Morales ay kakauwi lang ng Pilipinas. Galing pa ito ng Seoul, South Korea kung saan siya lumaki at tumira ng 18 years. Isang araw ay naisipan niya munang mamasyal para i-familiarize ang sarili niya sa bagong lugar na titirhan. At sa panahon...