Chapter 4: Estatwang Anghel

25 0 0
                                    

CHAPTER 4

Mataas ang kinalalagyan ng estatwa kaya naman naghanap ako ng pwedeng gamitin para madali kong maakyat ito. At sumasakto nga naman may nakita akong hagdan sa lilim ng isang malaking puno. Malapit lang naman ito sa may show. Siguro ginamit nila ito para mailagay yung estatwa dun.

Binuhat ko ito at ipinuwesto. Dapat manigurado akong safe ito. Baka malaglag ako eh! Sayang ang kagwapuhan ko!

Dali-dali akong umakyat sa kinaroroonan nito. Pansin kong nagulat ang mga tao at lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin.

Pinagmasdan ko yung estatwa. Hindi talaga ako nanininiwalang tao to. Nakatayo ito at naka-form ang kamay na parang nagdarasal.

(AN: Kung di niyo po mai-magine yung itsura niya. .pakitignan na lang po yung picture sa side. Basta parang ganyan po... Dun po sa side yung pic.  ----------------------> )

Winagayway ko ang kamay ko sa harap niya. Sabi na eh! Hindi siya tao!

Bababa na sana ako nung nakita ko si Mang Tony. Hindi pa rin siya convinced na estatwa tu.

Hinarap ko ulit ang estatwa at hinawakan ito...

Hinawakan  ko ang boobs niya! 

Pero nagulat ako! Kasi malambot at hindi ito matigas gaya ng inaakala ko.

Gulat-na gulat din ang mga tao. Halata naman sa mga expression nila.

Tinignan ko siya. Nakita kong umiba ang facial expression niya. Pinagpapawisan na rin ito. 

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa dibdib niya. Nakita kong pinilit niyang ibalik muli ang expression sa mukha niya kanina. 

Dali-dali akong bumaba at naglakad papalayo.

Nagbubulungan ang mga manunuod.

"Ano estatwa ba?!"

Sinusundan na pala ako ni Mang Tony.

"O-Oo e-e-estatwa! Estatwa yun! Sabi na kasi sayo! Tara na nga at kumain ng jjamppong"

Umupo na lang kami sa isang bench malayo sa may show at doon kumain.

- - - - - - - - - -

"Woooooh!"

Di ako yan!

"Hoo!"

Di pa rin ako yan!

"Hoo!"

Di talaga ako yan!

"Aaaaaaahhhh!"

Di ako yan kasi si Mang Tony yan!

Bakit ganyan si Mang Tony!?

Hahahahahahahaha.. Ayun lang naman siya! Inis na inis sa chopsticks niya! Kanina pa siya di makakain ng maayos dahil sa chopsticks niya. Naubos ko na nga yung isang jjamppong pero siya di pa niya nagagalaw yung sa kanya.

"Wooooh!! Hooo!!! Hooo!!! Ahhh!!!" 

Siya pa rin yan.. Pero hindi dahil sa chopsticks! Hahahahahahahahaha.. Dahil yan sa di niya kaya ang anghang ng jjamppong. Di ko ba nasabing maanghang ito?! Ngayon alam niyo na! Wag kayong kakain ng jjamppong kung di niyo kaya ang anghang! :D

"Hahahahahaha. Tubig po?!"

Namumula na ang mukha nito at pinagpapawisan. Tumango na lang ito bilang sagot. Di na ata siya makapagsalita sa sobrang anghang. Hahahahahahahahaha

Buti na lang at may malapit na tindahan. Bumili ako ng maraming pochi at tubig.

Bakit Pochi!?

Kasi matamis siya. Syempre kasi may asukal. Mas mabilis mawala ang anghang pag kumain ka ng matamis eh. Hindi lang kasi madadaan yan sa tubig.

Shower of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon