•03

169 9 4
                                    



Ilong,

            Kahit ngayon lang, ngayon lang, kahit sa diary ko man lang, hindi na muna ako magpapanggap. Sobrang sakit na kasi, alam mo yun? Sobrang sakit. sobra sobra. Bakit ba kasi ikaw? Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa? nakngpucha! nananadya ba talaga ang tadhana?

May kasalanan siguro ako noong nakaraan kung buhay, halos pasakit ang natatanggap ko ngayon eh. Ang sakit ng puso ko, ng panga ko, ng braso, inshort, buong katawan ko masakit. Punyeta, sa liit ko at sa laki mo, bakit tayo pa ang magkalaban sa wrestling? Like hello ha?

Pero okay na rin yun, feel na feel ko yung muscles mo. ugh! ang sexy mo habang nilo-lock ako--este, peste, i mean ano ang sexy mo pagmalapitan.

Ewan ko nalang kung ano ang magiging reaksiyon mo pag nabasa mo 'to. pero 10000000% sure naman ako na hindi mangyayari yun. Ako nga na kasama mo araw-araw hindi mo napapansin, paano pa kaya tong notebook ko na tinatago ko? ano raw? ewan uy.

Pero infairness naman kasi sayo eh. Mas inuna mo ako kesa sa boyfriend mo. I mean no offense, i love taehyung so much. super. soulmate ko yun eh. Sobrang mahal ko yang alien nayan kahit pagmamay-ari niya ang taong pinakamamahal ko. pero minsan, naiisip ko, sana ako nalang siya. kahit isang araw lang. Gusto ko lang maranasan kung paano mahalin ng isang Jeon Jungkook. Base kasi sa nakikita ko sa relasyon niyo, magtatagal talaga kayo.

Ikaw, napakamaunawain. Tapos si Taehyung, napakabait, madaling magpatawad. Kumbaga, perfect match talaga kayo. Perfect na perfect talaga.

Ano bayan, nababasa yung notebook ko. hahaha umuulan ba? ay chos.

Pero kinilig ako sa ginawa mo kanina kasi. hahaha


Nagsusulat,

Jimin💔😊


PS. Salamat sa pagbuhat sakin nung hinimatay ako kanina. Salamat sa mga paalala mo. Salamat kahit nung gumising ako, wala ka sa tabi ko. Salamat parin. Mahal na mahal kita Jeon Jungkook. gawa tayo babies? de joke.

Diary ni Jimin [Jikook] [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon