•05

163 9 6
                                    



Jimin.


"Hyung," tawag ko kay Jin hyung. Nasa kitchen kasi siya, nagluluto para sa dinner namin. Amoy ng buldak (spicy fire chicken) ang naamoy ko. tumunog tuloy yung tiyan ko haha.  Nag-hmm lang si Jin hyung at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. "May gamot ba tayo diyan?"


Napalingon naman siya sa akin at tumaas ang kilay niya. "May sakit ka? Lagnat? Ubo? sakit sa tiyan? Ano?" balisasang tanong ni hyung.

Bakit ba sa tuwing humihingi ako ng gamot ganito parati ang reaksiyon nila?


sakit sa puso hyung. hayop kasi yang maknae ng bangtan. sarap banatan. pasalamat siya mahal ko siya---eps! tigil na. hindi na pala.


"Lagnat lang siguro 'to hyung. Iinom lang ako ng gamot tas matutulog na," sagot ko habang nakalahad yung kamay ko para kunin yung gamot. Napa buntong hininga nalang si Jin hyung at tumalikod uli para kumuha ng gamot.

"teka, wala na yatang gamot para sa lagnat. teka, tatawagin ko muna si Kookie," napalaki yung mata ko sa sinabi ni Jin hyung. hindi dahil sa walang gamot, kundi dahil tatawagin niya si Jungkook. Bago ko pa siya mapigilan, natawag na niya. "JK!!!!!!"


Hindi ba halata na nagmo-move on ako? Peps naman! Naririnig ko ang mga yapak niya papunta sa kung nasaan ako.

"Bakit hyung?" Namimiss na kita.

Netong mga nakaraang araw, pumupunta ako sa gym, rason ko para hindi niya ako kausapin. Para hindi kami magkita. Para hindi ako masaktan. Para hindi ako umasa.

echos mo Jimin, may kayo ba para maging ganyan ka?

"Bumili ka muna ng gamot diyan sa malapit na botika. Gamot para sa lagnat ah," awtomatiko namang napatingin si Jungkook sa akin habang namimilog yung mga mata niya.

"May lagnat ka hyung?" tanong niya pero imbes na sagutin siya, humarap ako kay Jin hyung.

"'Wag nalang hyung. Ako nalang ang bibili mamaya." sabay talikod ko at pupunta na sana sa kwarto ko ng nagsalita ulit siya. 

"Hyung, tinatanong kita. May lagnat kaba?" mahahalata mong may inis na sa boses niya. pero wapakels, diretso lang din ako ng biglang naramdaman ko yung kamay niya sa wrist ko at pinaharap sa kanya. "Huwag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita. May lagnat ka ba?"

"Ano bang pakialam mo? Bitawan mo nga ako," pagpupumiglas ko sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Akala mo ba hindi ko napapansin?" nakatitig lang siya sa mga mata ko. Nalulunod na naman ako sa mga tingin niya. Ayoko ng malunod ulit kasi masakit. Hindi ako makahinga. Habang nalulunod kasi ako, nakatingin lang siya. wala siyang ginagawa para maligtas ako. "Ilang araw o baka naman linggo mo na akong hindi pinapansin. Alam kung hyung kita at dongsaeng lang ako, pero may karapatan naman siguro akong malaman kung anong ginawa ng gagong katulad ko sa hindi ka gago gagong katulad mo." Namamasa na yung mga mata niya. senyales na nasasaktan siya.

Guston kung sabihin sa kanya lahat. Lahat lahat. pero paano nalang yung best friend ko? yung mga hyungs namin? yung bangtan? paano ako? paano si Jungkook?

Hindi ko naman siya deserve eh, hinding hindi.

Sasagot na sana ako ng biglang lumabas si Taehyung galing sa kwarto ko.

"Jimin," lumingon kami sa kanya at para bang nawalan ako ng hininga. napako ako sa kinatatayuan ko, nanlamig ako bigla na para bang binuhusan ako ng isang galon ng tubig na may kasamang yelo. "anong ibig sabihin nito?"

gusto kung sumagot. gusto kung magpaliwanag. gusto kung sabihin lahat. ang totoo. pero wala. Walang lumalabas sa mga bibig ko. 

Paano nakita ni Taehyung ang diary ko?

-

Hey! Here's an update for you! Please be reminded that this is not edited.

God Bless Us.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ni Jimin [Jikook] [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon