Her shot

12 0 0
                                    

"One bottle tayo after?", 'yan ang una mong tanong sa akin after nang kasal ng batch mates nating sila Cindy at Rafael.

Nilingon ko si Lorraine dahil akala ko siya ang inaaya mo. After all, sabay kayong pumunta sa kasal na'to. Pero walang Lorraine sa likod ko. Wala yung mga batchmates natin. Ando'n na lahat sa kumpulan para saluhin ang bouquet at garter ni Cindy.

Kung bakit di ka tumayo, hindi ko na maalala o hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko, ako, ayaw pa ng commitment. Di pa ako tapos sa pagpapaaral sa mga kapatid ko at di pa ako ready na maloko ulit.

Nilingon ulit kita para siguraduhin kung ako ba ang kausap mo. Nag aantay ng sagot yung mga mata mong linya na lang dahil sa pag ngiti mo. Singkit ka talaga. Mabango. Mabait. Lalaking lalaki.

Akala ko no'ng college crush lang kita kasi nga, uulitin ko, mabango ka, singkit, mabait, matalino at lalaking lalaki. Wag na nating idagdag 'yang ilong mong katamtaman ang tangos, ngipin mong pantay-pantay at mapuputi, at labi mong mapula.

Alam ko never kita nakaclose noong college. Tanda ko noon, lagi ka lang kasama ni Lorraine. Lagi kayong magkausap. Andiyang ipagbibitbit mo siya ng bag. Iaangkas sa motor mo o kaya naman ay ibibili ng pagkain.

Kung may Lorraine, may Blue. Kung may Blue, may Lorraine. Para kayong package deal.

Noon naman hindi ko iniisip yun. Noon naman ayos lang yun. Kahit na alam ko na gusto kita, naiisip ko, nauna si Lorraine. Whatever I have for you is something I can control.

So I content my self in watching you. Observing your every moves, and listen to your corny jokes.

Lagi mo akong tinatanong bakit parang ilag ako sayo. Paulit ulit kong dini-deny hanggang sa nakapagtapos na tayo.

I was happy and sad. Tanda ko noong una pa lang kitang makita ay bumilog na ang mata ko. Not because you are handsome. Nakipagtalo ka sa professor natin implying that his solution is wrong. Algebra 'yon. Mahina ako sa math. I was never a fan of math. Pero kung bakit ako nag-shift sa B.S. Math, hindi ko maipaliwanag sa nanay ko. Basta ang alam ko, gusto kita makasama. Kahit man lang nasa isang classroom tayo ay ayos na sa akin noon! Kahit na di nag uusap. Basta parehong nasa isang college. Masaya na akong kahit sa ID man lang natin ay may magkapareho.

May mga oras na pakiramdam ko isa akong malanding abangers. Nag aabang sa paghihiwalay niyo ni Lorraine, kung meron man talaga kayo. Dahil hindi naman ni minsan niyo inopen sa barkada kung anong meron kayo. Friends with benefits kaya? Sayang. Pwede din akong ganoon. Sana.

Hanggang sa nagkaayaan tayong uminom noon. Ang buong barkada. Di ako pala inom. Habang nag papalakas kayo ng tama sa san mig light, nagpapataas ako ng sugar sa mogu-mogu. Dahan dahan ang pag shot sa takot na baka malasing sa mga ngiti mo. Isa isang shot sa bawat ngiti, sa bawat kaba, at bawat sakit.

Isang shot para sa aking malanding takot makipag usap pag andiyan ka na. Tinanong mo noon kung anong sagot ko sa assignment ko, kung paano ko nakuha. Pakiramdam ko noon walang bisa ang rexona ko dahil na-BasKil ako sa pagpapaliwanag sa sagot ko. Halos mapuno ko ang isang bond paper para lang ipaliwanag ang sagot ko sa simpleng algebraic expression na (x-1)(x+1). Ngumiti ka lang pagkatapos kong ipaliwanag sayo ang meaning ng variable at binomials at terms at constant at kung ano ano pang algebraic terms na di naman talaga kailangan para lang isolve ang simpleng algebraic expression. 

Isang shot ulit para sa akin dahil  matapos ang ngiting binigay mo sa BasKil moment ko ay nag-asam pa muli ako ng ngiti. Kaya naman kahit anong corny ng jokes mo ay tatawa ako. "Ano ang pinaka malinis na bus?" tanong mo n'on at kahit wala pa man ay matamis na ang ngiti ko. Wala kahit isa sa barkada ang nakasagot. " Eh di, SUPERLINES." Dugtong mo at tumawa ako ng parang wala ng bukas kahit di ko naman alam talaga paanong magiging malinis ang super lines. Akala ko non nakasakay ka na kasi dun. Nito ko na lang narealize na ibig mong sabihin ay 'super li-nes". Pero nong panahon na yun, kahit tinawag nila akong mababaw ay sige lang ako sa pagtawa. Ayos lang napangiti naman kita.

Isang shot hanggang sa nag higher year na tayo at mabaliw baliw na ako sa pag iyak dahil di ko alam kung gagraduate ako sa hirap ng mga math natin. Ilang beses ko nang gustong mag shift. Ilang beses ko nang gustong sumuko sa pagkagusto ko sayo at sa kurso ko. Pero isang sabi mo lang na group mates tayo sa thesis? Or san tayo mag OJT, ayun na. Nga nga na. Inilaban na ulit ang kurso.

Isang shot sa pagtatapos natin. Nagtapos akong walang boyfriend. At nagtapos kayo ni Lorraine ng masaya. Nagtapos akong malayo pa ding nakatingin sayo. Nagtapos ako ako at narealize na hindi na kita gusto. Kundi mahal na.

Isang shot sa atin na sinubukang maging magkaibigan kahit graduate na. Pero kinailangan ko ng umiwas. Umiwas sayo. Tanda ko kung ilang beses ka tumawag sa akin at nagtext. Ilang tawag na di ko sinagot at nagpanggap na di narinig. Ilang text na di nareplyan dahil wala kunwaring load. Mga text at tawag na noon ay araw araw hanggang naging isa sa kada linggo. At nitong huli nga, talagang wala na.

Isang shot para sa aking nagtatago. Nagtatago sana sayo bilang respeto kay Lorraine. Pero nahihiyang indianin ang kaibigan kaya umattend pa din sa kasal nila. Umattend pa din kahit na alam ko isang ngiti mo lang. Isang aya mo lang baka umoo na ulit ako at ngumiti.

Isang shot para sa aking umo-o at sumama nga sa'yo after ng kasal. Sabi mo one bottle. Pero nauwi sa limang bucket. San mig light lang naman, one on one tayo.

Isang shot para sa akin dahil tandang tanda ko pa nong sinabi mong "Tara? Susunduin si Lorraine ng boyfriend nya e kaya walang pasaway ang mauupo sa shotgun ni puti." It took me three minutes bago lumingon sa'yo at muling bumilog ang mata. Di makapaniwala na si Lorraine ay may boyfriend!

Isang shot pa ulit. Ang limang bucket naging anim, pito, sampu, labing lima, dalawampu, isang daan.. Isang..

Isang shot sa mga bucket na di ko na mabilang dahil ang simpleng one-bottle na usapan ay naging kada biyernes. Ang one bottle session na naging isang regular na dahilan natin para magkita sa MOA tuwing Biyernes ng gabi.

Isang shot para sa mga Biyernes na naging kahit anong araw at kahit anong oras basta magkatagpo ang bakanteng oras natin. Naging madalas. Hindi na lang one bottle ang nangyayari. Nagkaroon ng panonood ng sine, pagkain sa mga buffet, at pagtambay sa mga coffee shop.

Isang shot para sa mga panahon na di na lang tayo sa Maynila nagkikita. Talagang nag leave ka pa ng maaga para sumunod sa akin sa probinsya at walang pakundangan na pinakilala ako sa mga kaibigan at kamag anak mo. Alam ko. Pinakilala mo lang ako bilang ako. Walang label. Pero diba, sabi nga nila mas maayos ng walang label kung ang turing mo naman ay daig pa ang may label?

Hanggang sa yung dati, akala ko tipsy lang ako. Ngayon, alam ko lasing na ako. Hindi dahil sa one bottle natin. Hindi dahil sa mga usapan natin. Kundi dahil sayo. Dahil sa nararamdaman ko na daig pa ang ilang bucket. Daig pa ang kahit na anong alak.

Lasing na lasing na ako sa'yo. Lasing na lasing na ako sa nararamdaman ko. Lasing na lasing na ako sa pagmamahal sa'yo.

Pero yung session natin, tulad ng ibang inuman. Pag may nalasing, biglang natatapos.

It was July. Paaral ko ang mga kapatid ko at walang pinagkakakitaan ang magulang ko kundi pag bubukid. Dahil ako ang panganay, ako ang nakatapos at ako ang kailangang tumayo at may gawin para sa kanila.

Napag desisyunan kong mangibang bansa. Yung dating madalas nating sesh, dinahan dahan kong patigilin. Hanggang dumating ang October.

Ang buwan ng alis ko. Isang linggo bago ako umalis, nilakasan ko ang loob na ayain ka. Pumunta pa ako sa trabaho mo para surpresahin ka para lang din masurpresa. May meeting ka, empty ang cellphone mo. I waited for how many hours. Pero nakauwi na ako nong sumagot ka. I was hurt. I felt bad. Di na kita kinontak.

Pero tatlong araw bago ako umalis, ginulat mo ako. Nagtext ka at nasa MOA na. Nag aaya ng one bottle. Sabi ko, it's now or never. Bumyahe ako papuntang MOA. Baon lang 'yong lakas ng loob ko.

Isang bote ng San Mig Light para sa akin na ayaw malasing dahil gusto kong umamin. At isang bote sa'yo na parang tuliro.

Umamin ako. Ngumiti ka. Yumakap. Naalala ko 'yong yakap mo sa akin no'ng sabi mo may UFO at natakot ka...

Naalala ko 'yong halik mo sa akin habang sinasabi na wag akong umalis...

Naalala ko 'yong mga binilin mo...

Naaalala kita... Naaalala na lang...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-bottle (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon