Isang alanganing mundo ang nagmulat ng aking kamalayan
Ayaw kong sumabay sa balikong patakaran ng mga alanganin
Ngunit ayaw pagapi ng damdaming pilit kumawala
Ayaw padaig ng munting balintataw na nagpapaalala ng kahalagahan ng nakararami
Masarap magmahal ngunit kalakip din ang sakit na dimo malilimotIkaw! Oo ikaw, ikaw ang nagmulat sa alanganin kong pagkatao
Naranasan kong masilayan ang patagong kaligayahan sa piling mo
Dinala mo ko sa alapaap ng pagnanasa, pinatikim mo sakin ang nais ng mura kong kaisipan
Binigyan mo ko ng karapatang mangarap ng walang hanggan
Kasabay ng iyong paglisan ang katotohanang pikit mata akong nangarap
Ang amoy mong parang kape nakakaadik, presensiya mong parang araw masakit at boses mong parsng sibuyas nakakiyak
Kung pano lakbayin ng ulan ang pagitan para ibagsak ang mumunting patak sa lupa, siya namang pagbawi ng kainitan ng araw para maulit ang sirkulasyonNgunit ang pangarap sa mumunti kong puso't isipan ay naglaho kasabay mo
Inakay mo ang mga mumunting alaala palayo sa akinAyaw kitang sisihin, ayaw kong isumbat ang mga bagay na inasam ko kasama ka
Mga pinangarap kong ako lang pala ang bumuoy
Di ako para manumbat sa katotohanang iniwan mo ko
Magkasama mong dinala ang mga pangarap ko at kaligayahan
Ang mga sugat ay nagkaroon ng pilat nawala ang hapdi ngunit naroon ang alaala
Pinipilit ng puso kong wag kang sumbatan
Wag kang sisisihin kong bakit may giyera ang utak at puso ko sa kasalukuyanNgnit sana naging bote na lang ako ng alak, para kahit sino man ang gustong lumimot
Sa sakit ng pagkabigo ako ang agarang makakapagbigay
Daadampian ang mga labing napipi ng hagulgol at hinagpis
Sasabayan ang bawat hinagpis ng puso at damdamin
Masarap magmahal pero di ko lubos akalain na di pala ganun kasarap masaktanPero nakakalito kung ako ang sawi at ako din ang alak
Paano ko pag iisahin ang pira pirasong wasak kong pag ibig
Paano ko bubuin ang sarili ko gamit ang mga iilang bagay na nakakapag inda ng sakit
Ikutin ko man ang apat na sulok ng kwarto ko iisa lang sinasabi nito
Ako at ako lang ang makakatulong sa sarili koPero, hindi! Hindi ko alam kung kaya ko.
YOU ARE READING
Tatak Titik
PoetryMga piling titik na naglalarawan ng mga tunay na damdamin at saloobin. Sama-sama tayong bumuo ng mga kwento gamit ang ibat ibat kulay ng pag-ibig.