Kinakapa mo ang kabilang dulo ng kama
Para humanap ng mga sagot sa mga tanong
Ginigising ka ng liwanag ng umagang araw
Sa katotohanang wala na siyaHinahanap mo sa bawat kanto ng higaan mo
Ang mga rason kung bakit ka niya iniwan
Nagmumukha tangang binabalikan ang mga
Samahang pinagsaluhan na ngayon ay isa na lamang alaalaTinatanong mo sa iyong sarili kong saan may mali
Parang pag hapuhap mo sa damdamin mong nasasaktan
Walang pinagsisidlan ang iyong lungkot at hinagpis
Balot ka ng mga alaalang lalong nagpapahirap ng iyong pusoAlam mo ang sagot, ayaw mo lang intindihin
Pinipilit mong takasan ang mga bagay na siyang lalong nagpapahirap sayo
Kung pano ka niya akapin sa bawat oras na malungkot ka
Sa bawat dampi ng mga labi niya sa mga labi mong napipi na ng pag-ibigAng impit mong ungol ng kawalan at sakit dulot ng paglisan niya
Hinahayan mong malunod ka ng baldeng luha na
Nagpapamanhid ng iyong buong pagkatao
Wala na ang bawat pag hawi niya ng mga alinlangan mo sa buhay
Hindi ka na ginigising ng mga matang humahalungkat sa iyong kaloob-loobanWala na siya. Kailangan mong ipaintindi sa sarili mo na mag isa ka na lang lalaban
Lalakarin mo ang tapat ng katanghaliang mag isa
Aakapin mo ang sarili sa mga gabing malamig pa sa nararamdaman mo ngayon
Kailangan mo ng tanggapin na wala na siya at ituloy ang buhay ng magisaKasabay ng pangakong di mo siya lilimutin.
YOU ARE READING
Tatak Titik
PoetryMga piling titik na naglalarawan ng mga tunay na damdamin at saloobin. Sama-sama tayong bumuo ng mga kwento gamit ang ibat ibat kulay ng pag-ibig.