Chapter 10

1.7K 81 0
                                    

"Ms. Human? Are you listening?"

Hanggang ngayon lumilipad parin ang utak ko kakaisip sa ginawa ni Lace sa akin. Nandoon pa naman si Renen, nilapita ko sya sabay hawak sa kanyang braso. Tumingin naman sya sa akin ng medyo nalilito.

"Wag mong isipin yon, ako din naman nagulat sa ginawa ni Lace sa akin eh!"

Dahan-dahan nyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso nya. Blanko ang expresyon nya kaya hindi ko malaman ang iniisip nya sa mga oras na 'to.

"Ah~Sorry!"

Napayuko ako dahil narin sa hiya, ano bang iniisip ko? Bakit naman ako mag-aalala sa iniisip nya eh ako lang naman ang may gusto sa kanya.

Hindi ko naman inasahang tatapikin nya ang aking ulo kaya napatingin ako sa kanya. Nasilayan ko naman ang kanyang mukha na nakangiti sa akin. Medyo bumukas yung bibig ko, gustong sabihin na gusto ko sya pero natatakot akong lubayan nya ako sa huli.

Kaya mas maganda siguro na ilihim ko nalang ito sa sarili ko.

Bumalik ako sa mundo ko kasama ni Renen, bago nya ako iwan sa may bahay na tinutuluyan ko ay ibinigay ko sa kanya ang botilya ng dugo.

"Hindi ko naibigay kay Lace pwede mo bang ibigay sa kanya yan? Pasalamat ko na yan sa kanya." Nag dalawang isip sya kung kukunin nya yung botilya, "Sa tingin ko hindi nya kukunin ito." Pero kahit na ganon ay kinuha nya parin at ibinulsa.

"Pero susubukan ko paring ibigay." Napa-ngiti ako sa narinig ko mula sa kanya. Aalis na lang sya ng bigla akong sumigaw, "Sya nga pala Renen! Tawagin mo na akong Yuki simula ngayon!"

Tinignan nya lang ako ngunit yung mukha nya blanko padin. Siguro ganon talaga sya, hindi ko naman sya masisisi eh.

Pag-alis nya pumasok na ako ng bahay. Ni-lock yung pinto saka ako dumiretcho sa sala. Ipinatong ko yung libro sa may mesa, sa totoo lang nagugutom ako subalit alam ko namang walang pagkain.

Pumunta ako ng kusina saka nangalkal ng makakain, walang pagkain sa may kabinet kaya sinubukan kong tumingin sa refrigerator.

"Woahh!!" Laking gulat ko nang makita ko yung mga pagkain sa Refrigerator, sobrang dami halos mahulog na!

Inuna kong inilabas yung cake, "Uwaahh~!" Balot yung cake ng chocolate. My favorite!

Una kumuha muna ako ng konti para masiguradong hindi ako magkakaroon ng toothache, pero hindi nagtagal linamutak ko na rin. Hehe~

Ang sarap talaga, nabusog ako. Umupo muna ko sa may sofa. Balak ko kasing basahin yung libro mamaya.

Humiga muna ko pansamantala medyo inantok ako ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog may kumatok sa pinto.

Kaya nalingat ako, "Renen?"

Tinawag ko ang pangalan ni Renen pero hindi sya sumagot kaya nakatingin lang ako sa may pinto.

"Hindi sya sumasagot. Ibig sabihin ibang tao?"

Hindi ko pwedeng buksan yung pinto kung ibang tao. "Tok tok tok."

Nagtanda na ako, hindi ko na ilalagay ang sarili ko sa kapahamakan. Lalo na laganap ang mga bampira kailangan ko talagang mag-ingat pa.

My Guardian Is A Vampire Book 1 & 2 (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon