Chapter 26: Is he an enemy?

1K 41 1
                                    

~Yuki~

Paggising ko galing sa isang mahabang pagkatulog. Tumambad sa akin ang mukha ni Jiro.

Nakagapos ako at nakakulong sa selda, nandoon din si Hiralie na walang malay. Pagkatapos ko makita ang nakaraan ni Lacie, medyo naiintindihan ko na si Lance ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit naman nag hahasik ng lagim si Jiro.

Nung una ko syang makita, iniligtas nya ako sa kamay ni Lace pero ngayon sya na mismo ang sumisira sa balanse ng mundo.

"Buti gising kana." Nakangiti ito sa akin ngunit hindi ko kayang ngumiti sa kanya lalo na sya ang dahilan ng kaguluhan ng lahat.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ako dinala dito!"

"I'm sorry. Napag-utusan lang ako."

Napag-utusan? Pero kahit na, hindi parin sapat yon upang gawin 'to.

"Kuya? Kuya!" Nagising si Hiralie, katulad ko ay nakagapos din sya. Mismong kapatid nya ginagawa nila sa kanya 'to.

"Bantayan silang mabuti. Kailangan ko pang tignan ang kalagayan ni Lace."

Lace? Nandito si Lace?!

Bago pa man sya umalis, sumigaw ako ng napakalakas. "Anong ginawa nyo kay Lace?!"

Kinibit-balikat nya ako ay parang ngumiti sya kaya mas lalo akong nagalit, "Wag nyo syang sasaktan kundi pagsisihan nyo!"

"Ha! Sa lagay mong yan, ano kaya sa tingin mo ang magagawa mo?"

At tuluyan na syang nawala sa aking paningin.

"Ugh! Kasalanan mo lahat 'to! Kung di ka nawalan ng malay sa kalagitnaan ng laban hindi sana tayo madadakip!" Sisi ni Hiralie sa akin.

Nakatingin nalang ako sa kanya. Nawalan ako ng malay ng mga oras na yon? Kung ganon ang nakita ko kay Lacie ay ang mga ala-ala nya.

She sacrificed herself because she was the curse of abyss.

"Ah!"

"Who goes there!?"

Bigla naman may kaguluhan ang naganap sa labas ng selda, basta nalang nagbabagsakan ang mga nagbabantay sa labas.

"Mga kalaban!"

"Argh!"

Ngunit wala ring nagawa ang mga ito. Naaninag ko mula sa dilim sila Aesu, Artemis, at Elizabeth.

Mabilis na tumakbo si Elizabeth sa akin upang tanggalin ang mga tanikala sa kamay ko.

Samantalang si Aesu naman ay iniligtas si Hiralie.

"Ayos ka lang ba Yuki-chan?"

"Ate Elizabeth!"

Yinakap namin ang isa't-isa sa tuwa dahil muli ko syang nakita.

"Buti naman sakto lang ang dating namin."

"Oi, kumusta sa labas? Ano nang nangyari sa mga tao?" Tanong ni Hiralie kila Artemis. Ngumiti naman ng nakaka-insulto si Artemis sa kanya at sumagot, "Wag kang mag-alala. Sa mga oras na ito ay pino-protektahan ng mga Castell ang mga tao."

Muli naman sumagi sa isip ko ang sinabi ni Jiro kanina.

"Si Lace! Kailangan natin syang iligtas!"

"Ah-ah? Nandito pala ang batang yon. Oh well, it's time to play Hide and Seek!"

Upang mahanap si Lace ng mabilis, naghiwa-hiwalay kami. Kasama ni Artemis si Elizabeth. Samantalang si Hiralie ay kasama si Aesu.

My Guardian Is A Vampire Book 1 & 2 (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon