Chapter 8

1.7K 81 2
                                    

Maaga akong nagising upang mag-handa ng sarili dahil walang pasok ngayon, maga-apply ako ng trabaho. Sa totoo lang napakasakit pa ng katawan ko nang dahil sa palaro kahapon pero hindi ako pwedeng mag-tamad. Konti nalang yung natitirang pera ko dito, mas malaking problema kapag naubos 'to ng wala akong income.

Bago ako umalis ng bahay, uminom muna ako ng kape. Para naman kahit papano may laman yung sikmura ko.

"Sabi ni Renen wag daw akong lalabas ng bahay ngayon pero as if naman na magagawa ko yun."

Ano naman gagawin ko dito di ba? Tutunganga? Halos paubos narin nga yung pagkain ko eh.

Maya-maya lumabas na ako ng bahay. Medyo madilim pa sa labas. Para yatang nahuhuli yung araw ngayon sa oras pero kahit na kailangan ko ng umalis. Mainit na mamaya, ayokong masunog.

Naglakad ako ng ilang kilometro ang layo papunta sa Stop Bus at doon ako naghintay ng sasakyan sa waiting shed.

Habang naghihintay ako may naka-polo jacket ang tumabi sa akin. Mailap naman ako sa mga tao kaya medyo umurong ako palayo sa kanya.

"Hey Missy, aren't you being rude now?" Tinignan ko sya ng medyo mausisa.

Ako lang ba o medyo nakakatakot ang dating nya para sa akin. Hayz, wag mo na syang pansinin Yuki. Mga ganyang tao makikitid ang utak.

Maya't maya ay may huminto naring bus. Pagbukas ng pinto nung bus madali akong sumakay at umupo sa likod.

Sumakay din yung misteryosong naka-polo jacket at umupo sya sa bandang unahan. Pagkatapos kong magbayad medyo nakapag-relax ako ng konti.

Napansin ko rin bago ako umupo ang dami ng tao dito sa bus. Buti pa sila may work, naiiyak ako.

Dahil isang oras yung byahe sa syudad matutulog muna ko ng konti. Baka mamaya mahilo ako o kung ano.

Nakatulog naman ako. Hmm---

Pero naudlot din yon nang may marinig akong mga sigawan.

"Ahhhhhhh----!!!"

"Tulungan nyo kami!!!"

Pagmulat ko ng mga mata ko, may pulang likido na tumalsik sa pisngi ko.

"Anong----?!"

May biglang nadapang batang estudyante sa may harapan ko at tinignan nya ako habang umiiyak.

"T-tulong Ate---!!"

Ngunit bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko para tulungan sya. Bigla nalang nahati yung katawan nya sa dalawa dahilan kung bakit nag panic ako.

"Aaahhhh!!!!" Sigaw na malakas ng aking nangangatog na boses.

Napatayo ako sa may upuan at doon ko nakita na lahat ng mga taong nakasakay kanina, lahat sila patay na! Pati yung driver at kondoktor.

Walang nag-dadrive sa bus kaya pagewang-gewang ang andar nito. Pero ang mahalagang isipin ko ngayon ay yung nasa harap ko.

"A-anong ginawa mo?!" Nagtapang-tapangan ako kahit na gusto ko nang masuka sa nakikita ko ngayon.

"Hindi mo ba nakikita? Bulag kaba?" Pamimi-losopo nya sa akin.

Napansin ko kagad yung ipin nyang dalawang pangin kaya hindi ko na tinanong kung ano sya dahil maliwanag na sakin kung anong uri sya na halimaw.

Bampira---

Bakit may bampira dito?

"Kung hindi ka sana kaagad sumakay edi sana hindi na sila nadamay di ba? Kasalanan mo lahat 'to, Missy." Nakakabingi yung paraan nya ng pananalita, para syang gangster kung umasta.

My Guardian Is A Vampire Book 1 & 2 (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon